CHAPTER 28 “Uyy pare! Lumalabannga talaga! Lumalaban na naman! Ha Ha Ha! ” boses iyon ng aking nasuntok. Hindi pa talaga nadala. Mabilis siyang tumayo. Lumabas na rin agad ako. Naisip ko kasing mas madali nila akong ma-corner kung sa masikip na cubicle lang nila ako titirahin. Doon ako pwestong alam kong may laban ako. Wala akong saplot pang-itaas. Naka-short lang ako ngunit handa kong harapin sila. “Sige na! Tama na ang satsat. Gusto ninyo ng laban? Pagbibigyan ko kayo! Gusto ninyong mamatay, hindi ko kayo bibiguin. Lumapit kayo!” Mabilis ang mga mata kong tumingin sa kanila. Pinag-aaralan ko ang kanilang bawat kilos. Tatlo uli sila. May ilang mga usisero ngunit alam kong hindi naman sila tutulong. O kahit pa tutulong sila, hindi ako padadaig. Nakita ko ang takot sa mga mata ng mga usis

