CHAPTER 29 “Ano kahuluhan ‘to? Anong nangyayari rito!” singhal ng dumating na pulis. Ang pulis na iyon ang isa sa mga nanakit at humuli sa akin. Si Sanchez. May apat pa siyang kasama at sila ‘yon. Yung grupong umaresto sa akin. Kung dumating nga namana ng pagkakataon. Tumingin sa akin si Sanchez. Wala akong lusot. Caught on the act ako at wala akong balak itago ang ginawa ko. Bahala na kung anong hatol sa akin pero paninindigan ko ang pagpatay sa mga naghahari-harian sa loob. Nagpulasan ang mga preso ngunit hindi lahat lumayo. May ilang naiwang nakiusyoso pero karamihan ay natakot dahil sa dala ng mga pulis na baril. Ako man ay medyo tiklop sa baril ngunit kung hahayaan ko lang na matakot ako sa kanila dahil sa baril nila, kung hahayaan ko lang na magkakalat sila ng kasamaan dahil may

