CHAPTER 30 Nakita ko ang malaking pagbabago sa loob ng preso. Si Dante ang ginawa nilang Mayor sa lahat ng selda at may tig-isang Vice Mayor sa bawat selda. Nakita kong maayos naman ang pamunuan ni Dante. Sumusunod ang lahat sa kanya. Nakita kong makatarungan ang lahat ng desisyong ginagawa niya ang lahat. Ang pagbabagong iyon ang nagpasaya sa akin. Iyon ang nagbigay ng ngiti sa aking labi lalo na kapag nakikita kong wala nang mga bagong preso ang natutulog sa lapag. Wala nang mga mahihina ang inuutusan. Wala nang inaapi. Wala nang nasasaktan. Nagkaroon ng masasabing pamilya ang lahat. Sa huli, nakuha ko ang paggalang ng lahat. Yung kaayusan na hinahangad ko, sa wakas nakita ko na. Nagbunga ang lahat ng aking ginawa. Masaya akong may napuntahan ang aking paglaban sa kasamaan. May mabutin

