CHAPTER 25 Limang ang nakita kong pulis na nakapalibot sa akin ay may dala ang isa na posas. Hindi ako tanga para hindi pa rin naiintindihan ang nangyayari. Pero sa tulad kong naguguluhan na sa mga pangyayari sa buhay ko na hindi ko naiintindihan, nalilito na ako. Nananaginip lang ba ako? Pero hindi e. Isang malakas na suntok sa mukha ang pinakawalan ng isang pulis. Hindi ako nakailag. Nasapol ako sa nguso. Ramdam ko ang pagputok ng aking labi. Dugo. Dumudugo ang labi ko. Namuo ang galit at gutso ko rin silang bigwasan. Gusto kong lumaban kasi ramdam kong kaya ko sila. May kung anong nagsasabi sa akin na walang sinuman ang nakakakaya sa taglang kong lakas. Pero inuna ko ang respeto. Ang pagsunod sa batas. Pero sa sulok ng puso ko, nakaramdama ko ng takot. Ito na nga ba ang kinatatakutan k

