CHAPTER 23 Ipinasok ko ang isa kong kamay sa painting at bigla akong hinigop nito. Nasilaw ako sa liwanag. Iba ang aking naramdamang panghihina. Hanggang sa bigla na lang dumilim at wala na akong maaninag pa. Natagpuan ko ang sarili kong nakahiga sa maruming kalye tangan ang isang painting na bago sa paningin ko. Akin ba ang painting na ito? Pero nasa kamay ko eh. Ibig sabihin, akin nga siguro ito. Inilibot ko ang aking paningin. May nakita akong mga natutulog na mga bata sa silong ng tulay at mga upuan sa park na malapit sa akin. Ang ilang mga bata naman ay naghahalungkat ng makakain sa basurahan kasama ng mga asong gutom din. Kung bakit ako nakasalampak sa isang di pamilyar na lansangan ay hindi ko alam. Nakauniform ako at naka-bag. Galing ba akong school? Bumangon ako. Kailangan ko

