CHAPTER 22 Agad akong dumiretso sa kuwarto ni Mama para ibalita sa kanya ang nangyari. Hindi ko alam kung ikatutuwa o ikabahahala niya ang aking sasabihin sa kanya. Dahil siya ang Reyna, kailangan pa rin niyang malaman ang totoo. “Kumusta ang lakad ninyo anak? Nadatnan mo pa ba si Ashoka?” “Hindi na ‘Ma pero nagtagumpay kami ni Drako. Pinaslang namin ang mga naiwan doong Trecen. Pinalaya ko ang mga bihag ni Ashoka na mga Nowen. Binigyang buhay ko ang buong kaharian. Bumalik na sa dati nitong ganda. Nagkabuhay ang dati nang patay na paligid ng palasyo Ma.” “Talaga anak? Masaya akong marinig na kahit papaano ay may magandang naibunga ang lahat ng ating pakikipaglaban. Ibig sabihin talaga, nanalo ka sa laban kasi naubos mo ang alagad ni Ashoka. Ang nakakatakot at malungkot lang na balita

