CHAPTER 21 “Salamat Mama. Babalik ako at sisiguraduhin kong maipapanalo natin ito.” “Sandali, paano ka pala nakasisiguro na wala na roon si Ashoka?” “Iyon ang sisiguraduhin muna namin ni Drako ngayon ma. Pupunta kami doon ngayon din para alamin.” “Paano kung naroon pa siya?” “Patay na si Askook Ma. Patay na halos lahat ang mga malalakas niyang kawal. Kung may naiwan man, siguradong kaya ko na sila lalo na kung wala na siya roon ngayon.” “Alam ko naman anak na kahit anong sabihin ko, hindi ka papipigil. Kung iyan ang magpapanatag sa’yo, ang alamin kung wala na si Ashoka dito sa Nowhere Kingdom ay pahihintulutan kita. Nag-aalala kasi ako sa mga Nowen na ikinulong niya. Kung wala na si Ashoka, kailangan na nilang mapalaya at ikaw lang ang makakagawa no’n sa kanila.” “Sige ho, Ma. Aalis

