Nang sumunod na lunes.. muling naging abala si Annika sa kaniyang trabaho. Kasalukuyan silang magkasama ni Geo at ni Dina na nakabantay sa pinapaayos na bagong landscape sa harap ng building. Narinig nilang mayroong gaganapin na Stockholders meeting ngayung araw kaya busy din ang lahat sa mga kaniya kaniyang trabaho.
Nang may dumating na convoy ng mga sasakyan. Kaya napalingon kami sa entrance. Mga limang sasakyan na parehas kulay itim ang dumating. Then naunang lumabas ang mga lalaking nakaitim din na suits at maya-maya humanay sila sa isang sasakyan at ng buksan ang pinto ng sasakyan lumabas ang isang lalaki na naka business suits din. Halos di niya makita kung sino ang lalaking ito dahil napapaligiran ng mga matatangkad na lalaki habang papasok sa loob ng building.
"Siya ba yung CEO natin..?" Tanung ni Dina.
"Marahil siya nga ..!" Sagot naman ni Geo.
Nagpatuloy lang sila sa kanilang trabaho hanggang maglunch break. Nagyaya si Geo na sabay nalang silang kumain sa cafeteria ng building. Kaya pumasok na sila ulit para magluch.
Nagsisimula na silang kumain ng may marinig silang impit na tilian kaya napalingon sila para tignan ang nangyayari.
Biglang kumabog ang kaniyang dibdib ng makilala kung sino ang nakatayo malapit sa counter ng cafeteria.. may mga kasama itong mga lalaking naka black suit kanina. Umiikot ang paningin nito sa buong cafeteria.. hanggang sa mapadako ang tingin nito sa kanila. Agad siyang bumawi ng tingin dito at itinuon muli sa pagkain ang paningin niya. Muntikan pa siyang mabulunan dahil sa kabang nararamdaman niya.
"Annika, Are you okay..?" Tanung ni Geo.
"Ahm ,y-yes I'm fine.."pilit ang nakangiting sagot niya.
Natigilan siya ng biglang may lumapit sa kaniya kaya nagtataka siyang tumingin sa gawi ni Nicolai kanina pero tumalikod na ito at naglakad kasama ng mga tauhan nito.
"Are you Ms. Ferrer..?" A man asked.
"Yes..!" Sagot niya
"Please, Come with me..!" Sabi nito..
"But I'm still having my lunch.." sabi niya dito.
"Don't make him wait.." sabi pa ulit nito.
She chuckled habang nakatingin dito. Pansin niya din ang mga matang nakatingin sa gawi nila. Kahit sila Geo ay nagtataka din.
Para hindi na sila makakuha ng atensyun tumayo nalang siya at sumama dito. Nagpaalam din siya sa mga kasama niya at tumango lang ang mga ito.
Nauna nang naglakad ang lalaki at nakasunod lang siya dito. Tumigil sila sa harap ng elevator na nakabukas, habang ang ilan sa mga lalaking naka black suit ay nakabantay sa labas ng elevator ng makalapit na siya sa pinto nito nagulat siyq ng makitang naghihintay si Nicolai aa loob.
Napapalingon siya sa mga lalaking nakaitim ng magsalita si Nicolai.
"Get in.." seryusong sabi nito.
Humakbang siya papasok ng elevator at kaagad naman itong nagsara ng nasa loob na siya nagpaiwan naman ang mga tauhan ni Nicolai sa labas ng elevator.
Napalingon siya sa gawi nito, nakacross arms ito at nakadandal sa dingding ng elevator. (Is this really the man she married.. kakaiba ang aura nito ngayun, parang ibang tao ang nakikita niya, he looks so intimidating at teka nga bakit marami siyang security na kasama?)
"When did you arrived..?" Tanung niya dito para mabasag ang katahimikan sa pagitan nila.
" A while ago.." seryusong sagot nito. She frowned ng malamang kadarating lang nito at bakit naman kaya ito nandito ngayun.. nagtataka na siya sa mga nagaganap. Di kaya may ginawa siyang mali sa trabaho at sinusundo na siya nito para pauwiin..hayss huwag naman sana.
" Mukhang nag eenjoy ka dito..?" Tanung nito ng hindi na siya nagsalita ulit.
" Yeah, people here are good kaya madali ko lang natutunan ang trabaho ko." Sagot niya dito.
Hindi na muli itong nagsalita at narinig niyang tumunog ang elevator. Tinignan niya nasa 35th floor na sila.
Nauna itong lumabas ng elevator kaya sumunod lang siya dito. Palingon lingon siya habang naglalakad sa hallway at natanaw niya ang nagiisang pinto sa floor na yun. (Meron palang ganito nito.. ? hindi sila pinapayagan na umakyat sa floor na ito dahil ang 31st hanggang 35th floor ay intended lang daw sa mga higher ups...so bakit dito siya dinala ni Nicolai..?)
May kinuhang card si Nicolai at eniswipe ito sa lock ng pinto na agad naman bumukas na lalo niyang ikinapagtataka.
Sumunod padin siya dito hanggang sa pagpasok sa loob ng opisinang yun..Bahagya pa siyang nagulat sa magarang opisina sa harap niya. Mas sa
malawak ito kisa sa opisinang napasukan na niya dito sa building.. umupo si Nicolai sa nag iisang desk na nandoon.
Lumapit naman siya dito habang palinga linga sa paligid hanggang sa mapadako ang tingin niya sa isang glass name plate sa ibabaw ng desk nito.
NICOLAI DEL RIOS
CEO
Nanlaki ang mga mata niya at napasinghap sa nakita..hindi padin siya makapaniwala , kaya nilapitan pa niyang mabuti at binasa ulit ang nakalagay sa name plate nito. Ngunit ganun talaga ang nakasulat.
"I-ikaw ang CEO nitong companya..?" hindi padin makapaniwalang tanung niya dito.
"Why..? ngayun mo palang ba nalaman..?" Tanung nito.
"I just heard about the CEO but no one mentions your name.." sagot niya dito.
"Dahil pinagbabawal ko napinag uusapan ang pangalan ko dito.." seryusong sabi nito.
Napataas naman ang kilay niya sa sinabi nito. (Talaga ba.. kaya ba mabilis siyang tinanggap sa trabaho dito kahit wala siyang gaanung experience dahil ito ang nag refer.
"So what am I doing here..?, I still have works to do.." tanung niya ulit dito.
Tumayo si Nicolai at lumapit sa kaniya .
"Is your work now..important than your husband who just came back.." sabi nito then he bend forward kaya napaatras naman siya.
"So what do you want me to do then... Throw my self to you, then hug and kiss you...?" She teases him.
He just look at her, ngunit walang emosyon na makikita sa mukha nito.
Then a phone call disturbed them.
"Just Bring it here..?"narinig niyang sabi ni Nicolai sa kausap bago nito binaba ang telepono.
After a while narinig niyang bumukas ang pinto ng opisina nito at may pumasok na lalaking naka business suit din at may dalang mga paper bags.
Lumingon sa kaniya ang lalaking bagong dating bago nito ilapag ang pagkain sa lamesetang naroroon. May edad na ang lalaki na sa tantiya niya ay nasa fifties na din ito.
"This is Lexer may personal assistant." Sabi ni Nicolai.
"And She is Annika Ferrer Del Rios my wife.." dugtong nito. Bahagyang nagulat naman si Lexer sa sinabi nito.
"W-when did you married Sir..? sorry i didn't come to congratulate you..!" Sabi nito ng nakayuko.
"It doesn't matter.. but only you should know about this for now.. i didn't even tell anyone about it." Sabi nito at tumango naman si Lexer dito.
Nakaramdam naman siya ng munting kirot sa dibdib. Tama siya mukhang wala pa ngang balak ipaalam ni Nicolai sa ibang tao ang status nito ngayun.
"You may leave now..!" Sabi ni Nicolai na nakatingin sa pagkaing nasa harap nito.
Agad naman siyang tumalikod sa pag aakalang siya ang sinabihan nito.
"Where are you going..?" Narinig niyang sabi nito. Kaya napalingon siya ulit dito.
Sa kaniya ito nakatingin, marahil siya nga ang kausap nito.
"You told me to leave hindi ba..?" Sabi ko dito.
"It's not you...You stay here..." Napakunot noo naman siyang napatingin dito.
Magalang naman na nagpaalam si Lexer sa kanila.
Lumipat si Nicolai sa sofa na kaharap ng lameseta at nagsimulang buksan ang laman ng paper bag.
"Aren't you going to eat..?" Baling nito sa kaniya.
"Kumain na ako.." sagot niya dito.
Tumingin lang ito sa kaniya habang patuloy sa pagkuha ng pagkain.
"Can i just go...?" Tanung niya dito.
"No.. if you doesn't like to eat... Just sit there..!" Turo nito sa katapat na upuan.
"What..? Anung gagawin ko dito.. bantayan ka habang kumakain..?" Tanung niya.
Tumango lang ito at sumubo na ng pagkain.
"I haven't since i arrived.. i went straight here from the airport...to attend the meeting.." maya maya ay sabi nito.
Napatingin naman siya sa suot niyang relo.. lagpas ala una na at ngayun palang ito kumakakain. Lagi ba itong nagpapapalipas ng kain sa subrang busy nito. Kaya imbes na mainis dito napasandal nalang siya sa upuan habang nakatingin dito.
Kusa nalang niyang kinuha ang isang juice na kasama ng pagkain dahil hindi din naman siya nakainom ng tubig kanina dahil nagmamadali siyang sumunod sa lalaki kanina.
Then nakita niya ang isang cake..sa isang lagayan.
"Mukhang masarap to ah.." tanung niya kay Nicolai.
"It's the newest product of El Paradise" sabi nito.. na ang tinutukoy ay ang bagong labas na cake ng kasamahan nito sa Club na si Chef Xander Ruiz ang may ari ng El Paradise.
"Can i take a bite..?" She ask him.
"Sure it's only a freebie , he's still promoting this product.." sabi ni Nicolai.
She took a bite first para tikman ang cake.. and to her surprise masarap nga ito. Hindi naman kalakihan ang cake kay halos maubos niya ang kalahati.
Then she give the other half to Nicolai.
Nang matapos siyang kumain nagpaalam na siya dito.
" I need to go back to work...baka hinahanap na nila ako.." paalam niya dito at mukhang patapos nadin namang kumain si Nicolai.
"I saw you smiling to that guy...just don't get too close to him..or i will make him out of this company." Seryusong sabi nito.
"Should i look at him with that face like yours.., he's still my superior..!" Paliwanag niya dito.
Sumandal ito sa upuan at prenteng umupo at tumango tango.
"He's your superior so you are being nice to him..huh..? but I can do anything i want in this company.. so you should be nicer to me.." nakangising sabi nito.
"Hayss...i better leave now" Sabi nalang niya na tila sumusuko na sa mga dahilan nito. (anung drama na naman ng lalaking to sa buhay..at pinapakialamanan na naman ang trabaho ko..jusko lord gusto ko lang naman po ng tahimik na buhay.)
Nang makabalik siya sa kanilang opisina agad lumapit si Dina sa kaniya.
"Pinatawag ka ba ng CEO..?" Tanung nito.
Tumango naman siya dito.
"Really, anung sabi.. magkakilala ba kayo..?" Curious nitong tanung.
"Somethings about work.." sabi niya at muling itinutok ulit ang pansin sa trabaho niya. Kaya hindi na ulit ito nagtanung pa.
Muli siyang nag ikot sa ginagawang landscape sa harap ng building ng mapansin niyang lumapit si Lexer at kasama ang boss nito. Kaya ang mga tauhan nilang nagtatrabaho sa landscape ay biglang natataranta sa ginagawa.(Salubong na naman ang kilay niya ng makita ito, why is he here again..?)
"Mr. CEO why are you here outside..?" Tanung niya dito.
"I'm just checking.." tipid nito sagot.
"Checking something or someone..?" Mahina niyang tanung.
"Both..!" pabulong din nitong sagot
Napatikhim naman si Lexer dahil napapatingin na sa kanila ang mga tao sa paligid. Bahagya siyang lumapit sa tagliliran nito.
"Can you just go back to your office..or go somewhere in this building, you don't have to worry dahil nagtatrabaho naman ng maayos ang mga empleyado mo..and can't you see Natataranta yung mg workers dito sa presence mo ei, they can't concentrate to their work..." pabulong niyang sabi dito at pilit na ngumiti.
" Okay..! I'm done checking ..." Sabi nito at agad na tumalikod sumunod din si Lexer dito kaya napabuntunghininga nalang siya.
Then lumapit si Mark sa kaniya ang isang supervisor nila.
"Yung CEO ba yung nakasalubong ko..?" Tila hindi pa ito makapaniwala sa nakita.
Tumango lang siya dito.
"It's weird... Dati hindi naman siya nagtatagal dito... After ng meeting niya with the board ay umaalis nadin siya agad." Sabi ni Mark at napatingin sa kaniya.
Nagkibit balikat lang siya at nag pretend na walang alam.Pero curious siya sa sinabi ni Mark na hindi ito nag e-estay dito sa companya.
"Hindi ba talaga siya tumatagal dito before..?" Tanung niya.
"Yun ang pagkakaalam ko.. kaya hindi siya gaanong kilala sa mukha ng mga bagong empleyado dahil madalas siyang wala dito., Pagkakaalam ko din kasi isa lang itong Royalty Tower sa mga kumpanya niya so hindi talaga siya na e-estay sa iisang lugar" kuwento ni Mark.
Napatango tango naman siya. So what's wrong with that guy again.. is he here to pester her again..?