CHAPTER 9

1189 Words
SUOT ni Bianca ang kulay puting bistida na kinuha pa mula sa mga designed na ginawa ni Joy o si Anne. Dahil sa hindi inaasahang kasal ay tanging pamilya Kimson at buong Apollo lamang kasama narin ang buong pamilya ni Bianca ay naruon narin. Sa Garden area ng mansyon mismo ng mga Kimson ginanap ang simpleng kasal nina Romuel at Bianca. Lahat ay tahimik na tanging malumanay lamang na musica ang naririnig. Naka sakay ng digulong na wheelchair si Mrs Carmela habang nasa tabi nito ang private Nurse nito maging ang inaanak nitong si Petra. Tanging sila-sila lamang at matalik na kaibigan lamang ng binata ang naruon. “Romuel Kimson, ma aari mo nang halikan ang asawa mo” saad ni Father Gio na siyang kumasal sa dalawa. Katabi ang abugado ng pamilya Kimson na siyang mag aayos ng mga papeles ng dalawa. Sa narinig ay napa tiim bagang si Romuel pagka tapos ay napa pikit siya ng mariin upang mag timpi o mag pigil sa kaniyang nararamdamang galit. Pag mulat ng kaniyang mata ay nag tama ang kanillang mata nang babaeng nag papakulo sa kaniyang dugo at ngayon ay asawa na niya. Naka tingin lamang si Bianca na animoy binabasa ang nasa isip ni Romuel. Kaya naman hindi na siya nagulat nang hindi siya sa labi hinalikan ng lalaki kundi sa pisngi lamang. Matapos ang simpleng kasal na iyon. Ay hindi na nag abalang sumama pa si Romuel sa pag sasalo ng lahat. Abala ang lahat sa pakiki pag usap at sa pagkain kaya hindi na napansin ng mga ito ang pag alis ni Romuel. Gamit ang kaniyang Kotse ay pina harurot niya ito palayo sa kanilang mansyon. At nag tungo siya sa lugar kung saan tahimik at puwede niya ilabas ang sama ng loob niya. Walang iba kundi sa puntod ng kaniyang mag-ina. Nang maka rating siya sa sementeryo ay dahan-dahan niyang nilakad ang puntod ni Brenda Sa kaniyang loob ay labis siyang humihingi ng tawad lalo na't hindi niya natupad ang pangako niya kay Brenda na ito lamang ang babaeng papakasalan niya. Kung hindi man ngayon na nabubuhay siya, baka sa kabilang buhay ay ma-aari niyang tuparin iyon. Subalit paano? Paano niya haharapin ang katotohanan na hindi siya marunong tumupad sa kaniyang pinangako sa babaeng pinangakuan niyang kahit kailan man ay hindi siya mag papakasal sa ibang babae. “I'm sorry love, I'm sorry…sorry forgive me love. I'm sorry hindi ko natupad ang pinangako ko sayo” umiiyak niyang saad, habang lumuluha sa harap ng puntod ng babaeng tunay niyang minamahal. Samantala sa kabilang dako naman ay malungkot ang mga mata ni Bianca at parang gusto na niyang umiyak. Dahil kanina pa hinahanap ng kaniyang mga mata ang kaniyang asawa. Asawa na hindi niya alam kung asawa ba iyon kung tawagin. Lalo na't sa araw mismo ng kasal nila ay bigla na lamang itong nawala na parang bula. Hindi niya alam kung saan ito nag tungo subalit nabanggit ng katiwala na nakita umano nito si Romuel na lumabas sakay ang bugatti chiron car nito. Gabi na at nag sisi-uwian na ang mga kaibigan ni Romuel, maging ang kaniyang mga magulang ay nag paalam narin sa kaniya. Hinanap ng mga ito ang kaniyang asawa, subalit sinabi lamang niya sa mga ito na may importante lamang itong pinuntahan at nag mamadali kaya hindi nagawang mag sabi sa mga ito at nag paalam. Kahit nakikita niyang hindi kumbinsido ang kaniyang mga magulang ay nakaka unawa namang tumango ang mga ito at nag paalam nang aalis na. Mag dadalawang oras na ay wala parin si Romuel. Tanging ang mga katiwala sa mansyon, maging ang Donya at ni Petra lamang ang kasama niya sa loob ng mansyon. Subalit nag paalam narin ang mga ito na mag papahinga na dahil napagod umano ang mga ito. Kaya naman mag isa nalamang siyang gising at hindi parin siya maka tulog dahil hinihintay parin niya si Romuel. Lalo na't alam niyang hindi pa ito kumakain. Mag aalas nuwebe na nang gabi ay wala parin ito, kaya naman ay nahiga muna siya sa mahabang sofa upang duon nalamang niya hintayin ang kaniyang asawa. Subalit hanggang sa unti-unti na siya hinihila ng antok ay pinipigilan niya lamang huwag ipikit ang kaniyang mga mata. Ngunit dahil sa labis na pagod at sa dami niyang iniisip ay hindi na niya namamalayan na tuluyan na pala siyang naka tulog. Samantala lasing na lasing naman si Romuel nang maka rating siya sa kanilang mansyon. Buhaghag narin ang kaniyang buhok at maluwang narin ang pag kakatali nang kurbata niya at naka bukas na ang apat na botones nang polo shirt niya Kahit lasing man ay na aaninag niya parin ang isang Tao na nakahiga sa mahabang upuan. Kunot nuo niya itong nilapitan habang pasuray-suray. Nang maka lapit at mapag sino ito ay muli na naman kumulo ang dugo niya at napa tiim bagang. Naupo siya sa sahig upang mas lalong malapitan ang natutulog na babae. Nilapit niya ang kaniyang nukha upang mas lalo itong matitigan. Ang kaninang mabangis niyang mukha ay napalitan ng maamo at puno ng kalungkutan. “Bakit mo ito ginagawa saakin? Anong Plano mo? Plano mobang muli akong pasakitan at ipahiya?” mahinang saad niya. Dahil sa huli niyang sinabi ay muli na naman bumalik sa mabangis na awra ang kaniyang mukha at naging matalim muli ang mga Mata niya. Samantala naramdaman naman ni Bianca na may mga matang naka tingin sa kaniya at ramdam rin niya ang mainit na hangin na dumadampi sa kaniyang pisngi. Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mata. At nang makitang tama nga siya sa kaniyang pakiramdam ay mabilis siyang napa bangon lalo na't matalim na tingin ang nakita niya sa mga Mata ng taong naka titig sa kaniya. “Romuel? — “what are you doing here, bakit dito ka natutulog? ” ani nang lalaki ,habang hindi parin inaalis ang tingin nito sa magandang mukha ni Bianca “ha? Hmm kasi bigla ka nalang nawala kanina, pagka tapos ng kasal natin. Baka kako hindi kapa kumakain kaya hinintay kita. Hmm sandali lang ha, ipag hahanda na kita ng makakain mo” hindi maka tinging tugon ni Bianca. Dahil naiilang at nahihiya rin siya sa paraan ng pag titig ng asawa niya sa kaniya. “tsss, matulog kana.. Hindi ako nagugutom” walang ganang saad ni Romuel tska tumayo na. Ngunit dahil naka imon siya ay kamuntikan na siyang mawalan ng balanse sa pag tayo, mabuti na lamang mabilis siyang nahawakan ni Bianca sa braso. “naka inom ka, haayst lasing kana naman— “Don't touch me, kaya ko ang sarili ko” ani ni Romuel, kaya natigil sa pag sasalita ang asawa “hindi, hindi mo kaya...tulungan na kita, baka gumulong gulong kapa sa hagdan.” pag pupumilit ni Bianca, subalit ipiniksi lamang ng asawa ang kamay nito upang hindi ito mahawakan ni Bianca “I told you, kaya ko ang sarili ko. Tska baka gahasahin mo na naman ako” naka ngiwing saad ni Romuel, sabay nguso ng labi nito na animoy isang bata. Kaya naman hindi naitago ni Bianca ang pamumula ng kaniyang pisngi. Dahil sa sinabi ng asawa nito //continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD