KINAUMAGAHAN nagising sina Romuel at Bianca dahil sa napaka lakas na sigaw na may kasamang tili. Sina Mrs Carmela, Petra at aling Sita ang nasa pinto
Kaya naman napa balikwas ng bangon si Romuel ganun rin si Bianca. Ngunit mabilis rin nila nahila pabalik ang kumot upang takpan ang kanilang kahubaran.
“wa–what the!…Sh*t what's happening…anong? F*ck! Bianca? wa–what are doing here?” naguguluhang saad ni Romuel nang magising ito dahil sa maingay na sigaw at tili ng tatlong babae mula sa pintuan.
Sa sobrang gulat ay napa tayo siya, lalo na nang makita ang ayos nilang dalawa ni Bianca. na tanging kumot lamang ang naka takip sa huba't-hubad nilang katawan. Gamit ang maliit na telang napulot niya kung saan ay iyon ang itinakip niya sa pagka lalaki niya at dali-daling nag tungo siya sa clothing area upang kumuha ng isusuot.
Tanging boxer short at sandong puti lamang ang isinuot ni Romuel ng lumabas ito. Habang naka tiim bagang na at naka kuyom ang kaniyang kamao
“Romuel, mag uusap tayo! Bianca, ayusin mona ang sarili mo at sumunod ka sa sala. Ipapatawag ko mga magulang mo”
“what Mommy…For what? I can explain—
“No more explanation Romuel, tama na ang mga nakita namin para panagutan mo si Bianca” seryosong saad ni Mrs Carmela
“D*mn this B*llsh*t! Seriously Mommy? Bakit ko naman papanagutan ang isang slut na babae—
“Romuel!
“why Mom? Huwag niyong ipagawa saakin ang isang bagay na pag sisihan niyo” matigas paring saad ni Romuel sa ina pagka tapos matalim ang tingin nitong bumaling sa babaeng nasa ibabaw parin ng kama
“and you b*tch, umalis ka sa harapan ko bago dumilis ang paningin ko sa'yo”
“Rom—
“D*mn you, tigilan mo pag tawag sa pangalan ko at 'yang mukha na iyan. Ayaw konang makita” tiim bagang saad ni Romuel sabay duro sa dalaga.
Natigil lamang ito nang makitang napa hawak sa dibdib ang kaniyang ina pagka tapos ay tuluyan ng nawalan ng malay “Mommy!” bulalas ng binata at dalidaling nilapitan ang walang Malay na ina pagka tapos ay binuhat niya ito patungo sa kuwarto nito.
“Petra, paki tawag si Doc bilis!”
“Opo kuya”
Samantala dali-dali naman inayos ni Bianca ang kaniyang sarili. Pagka tapos niyang mag suot ay nag tungo narin siya sa silid ng Donya. Subalit bago paman siya naka rating ay hinarang na siya ni Joy o ni Anne ang nakaka batang kapatid ni Romuel
Hinila nito ang kaniyang kamay patungo sa isang abandonadong silid pagka tapos ay mahina siya nitong kinausap “Hey easy kalang, don't worry parte ito ng Plano ni Mommy. Kailangan mapanila niya si Kuya, kinausap kona ang doctor about dito. Kaya control yourself okey.” saad ni Joy. Kaya naman ang kaninang kaba niya ay biglang nawala. Hindi niya akalain na pang best actress pala ang actingan ng Donya. Paniwalang paniwala silang inatake ito
Samantala pabalik-balik naman ang lakad ni Romuel mula sa labas ng silid nang ina, nag silapitan narin ang iba niyang kaibigan. Tanging ang apat na kaibigan naman niyang na sobrahan sa hangover ang hindi pa nagigising..
“Brad, anong nangyare? Kamusta si Tita?” saad ni Paulo na ngayon ay katabi na si Joy
“anong sabi ng doctor? Okey lang ba siya?” saad naman ni Fego
“I don't know” mahinang sagot ni Romuel habang napapa sabunot na lamang sa kaniyang buhok.
“Ano bang nangyare? Bakit inatake si tita?” ani naman ni Josef, katabi ang asawa nitong si Sharina
Tanging pag-iling lamang ng ulo ang naging tugon ni Romuel, ayaw niyang sabihin sa mga ito ang nangyare lalo na't isa sa dahilan nito ay ang babaeng nag papakulo ng dugo niya.
ilang segundong pag hihintay ay lumabas narin ang private doctor ni Mrs Carmela “Doc, kamusta ang Mommy ko?” nag aalalang tanong ni Romuel
“I'm sorry iho, pero hindi maayos ang kondisyon ng Mommy mo, bawal siyang ma stress o kaya'y sumama ang loob niya. Maari siyang bumalik sa pagka paralisado kapag muli na naman siyang atakihin. Or worse makaka apekto iyon sa puso niya. Kaya be careful nextime iho. Huwag niyong hayaang sumama ang loob ng Mommy niyo. Para tuloy-tuloy ang pag galing niya.” ani ng butihing Doctor ng pamilya Kimson. Matalik itong kaibigan ng namayapang Don. Na ngayon ay nag sisilbing pangalawang ama na ni Romuel mula pagka bata. Kaya malaki ang tiwala nang binata dito
“nagising naba siya Tito?” ani ni Joy na nasa tono nito ang pag-alala upang hindi mahalata ng lahat na palabas lamang nila iyon.
“Yes iha, Pero ang Kuya Romuel mo muna ang gusto niyang maka usap”
Napa tingin naman ang lahat kay Romuel pagka tapos ay tinapik ito ni Doc sa braso. “Sige na iho, pumasok kana” saad nito.
Dahan-dahan binuksan ni Romuel ang pinto at maingat ang bawat hakbang niya ng lumapit siya sa naka higang ina.
“Mom” mahinang saad niya. Nang maupo siya sa gilid ng kama. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ng ina pagka tapos ay dinala iyon sa labi niya upang hagkan. “Mom” pag uulit niya. Kaya naman dahan-dahan dumilat ang kaniyang ina at tipid itong ngumiti
“Iho, anak nasa'an si Bianca, bakit hindi mo siya kasama?” malumanay nitong saad
“ I don't know Mom, please don't ask me about her, at huwag na natin siyang pag usapan.” normal ngunit nag titimping saad ni Romuel.
Nag pipigil lamang siya, upang hindi maka pag mura at hindi mapa lakas ang boses niya. Katulad ng sinabi nang Doctor ay kailangan niyang mag-ingat upang hindi sumama ang loob ng kaniyang ina.
“I want too see you kasama siya iho, please ibigay mo ito bilang special gift anak. Ano nalang sasabihin ng mga Tao lalo na ang buong pamilya ni Bianca?kapag nalaman nila ang tungkol sa nakita namin sa inyo kanina. Sa ayaw at sa gusto mo gusto kong pakasalan mo si Bianca” final na sabi ni Mrs Carmela
“But Mom, hindi ko siya mahal at mahal ko parin si Brenda. Nangako akong siya lang ang huling babaeng mamahalin ko”
“pero wala na siya iho, si Bianca ang nand'yan kaya gusto kong panagutan mo ang nangyare sa inyong dalawa” saad ni Mrs Carmela at dinala ang kanang kamay nito sa dibdib tsaka pumikit ng mariin. Upang ipakita kay Romuel na nahihirapan ito.
“paano kung ayaw ko? Paano kung hindi ko siya pinakasalan?” nag titimping saad ni Romuel na ngayon ay napa tiim bagang na at naka kuyom ang kamao nito sa ilalim
“mamatay akong may sama ng loob sayo, at hindi kita pamamanahan. Lahat ng meron ka at nasa'an ka ngayon ay mawawala. Kalimutan mo narin na isa kang Kimson at ina mo ako.” ani ng Donya na ngayon ay naka titig ng seryoso sa guwapong mukha ng anak.
Sa narinig mula sa bibig ng ina ay lihim na napa mura si Romuel. 'Ganun naba ka special ang babaeng 'yun para gawin ito saakin ng sarili kong ina, d*mn that Woman, pag babayaran mo ito at sisiguraduhin kong pag sisihan mong bumalik kapa' ani ng isip ni Romuel
“Okey Fine, gagawin ko ang gusto niyo in one condition” pag suko niya
“sige anak ano 'yon?” ani ni Mrs Carmela na ngayon ay makikitaan na ng kagalakan sa mga mata nito
“ isang taon lang mommy, kapag hindi nag work ang kasal namin ay mag hihiwalay kami—
“No! Hanggang wala kang nabibigay na apo ko, walang mag hihiwalay!” ani ng Donya kaya natigilan ang binata.
//continue