BEAN JADE Matapos naming mag umagahan ni Jared ay naligo na ako dahil sinabi niyang mamamasyal kami sa kapiraso niyang lupain rito sa Tagaytay. And by kapiraso, kapiraso yata ng mismong Tagaytay, dahil sobrang lawak niyon. Isang simpleng yellow mini wrap dress at white ballet flats lang ang isinuot ko dahil komportable iyon sa pakiramdam. Nagsuot lang ako ng long sleeves cardigan para hindi masyadong malamigan. Kahit kasi di na sobrang agad ay medyo malamig ang simoy ng hangin. After kong magbihis ay bumaba na ako sa sala at doon hinintay si Jared. I think he was talking to someone on the phone, narinig ko kasi kanina nung kakatok dapat ako para sabihing tapos na ako. Hindi ko na tinuloy at dumiretso na lang pababa para di makaabala. I think importante ang tawag dahil

