Chapter 29 Sinadya kong maagang gumising upang maghanda ng almusal, katulad ng dati kong ginagawa. Ang asikusuhin ang aking pamilya. Agad ko hinanda ang aking lulutuin, nag sangag ako ng kanin, nag prito ako ng ham, egg and hotdogs. " Oh iha, ang aga mo ata magising " Si Manang habang papalapit sa akin. Sandali sya natigilan nang makita ang ginagawa ko pero agad ding napalitan ng ngiti. Halos patapos na rin naman ako nang dumating sya kaya sya na lang nag prisinta na maghugas ng mga ginamit ko. Habang inaayos ang pinggan sa lamesa ay halos mabitawan ko ang mga hawak ko nang makarinig kami na kalabog at sumisigaw mula sa kwarto. " Jusko ano yon " maging si manang ay napalabas sa kusina at halatang kinabahan sa aming narinig. " Mary!! Where is Mary! " sigaw ni Liam pababa ng hagdan, muk

