CHAPTER 1

1704 Words
Chapter 1 Tanghaling tapat pa lang pero madilim na ang langit, nagbabadyang may darating na malakas na bagyo dahil sa lakas ng ihip ng hangin, sininop ko ang aking mahabang buhok dahil nagugulo ito. Narito ako ngayon sa puntod ng aking ina, ngayon ang kanyang death anniversarry. Dalawang taon na ang nakakalipas. Ngunit sariwa pa rin sa akin ang lahat. Taimtim akong nagdasal, inalis ang natuyot na mga bulaklak na huli naming nilagay at nag alay ng panibagong bulaklak. " mommy, alam ko na nasa maayos ka ng kalagayan ngayon. Walang sakit at gulo, tanging kapayapaan na lang ang mararamdaman mo " pumikit ako ng mariin at pilit na nilalabanan ang emosyon.   " mommy, i really missed you  " sandali ako tumigil pero hindi ko na napigilan. Kahit anong tago ko kusa nang bumagsak ang luha ko. Napayuko na lang ako kasabay ng  panginginig nang balikat dala ng pagiyak. " sana nandito ka, kasama ko.. kasama ng mga apo mo " kasabay ng pag bagsak ng aking luha ang pagbuhos ng mahinang ambon, mukhang nakikiayon ang panahon sa aking nararamdaman. Maya maya ay naramdaman ko na lang  na may humaplos sa aking bewang, hindi ko na ito nilingon pa dahil sa amoy pa lang nya kilala ko na at isa lang naman pwede ang humawak sakin. Si liam. Bukod sakanya kasama rin namin si liane na naiwan sa kotse, nagdahilan na masama ang kanyang pakiramdam kaya pagkatapos dalawin ang kanyang lola ay bumalik agad ito sa sasakyan, pero alam ko masakit pa rin sakanya ang pagkawala ni mommy dala na rin ng trauma. Katulad ko labis na pangungulila rin ang nararamdaman nya. Masyado pa syang bata para maranasan ang lahat. Ilang taon na ang nakakalipas, pero buhay na buhay pa rin sa puso ko ang lahat. Pinangako sa sarili na magiging mabuti ina sa mga anak ko at maybahay sa asawa ko. Katulad ng lagi nyang bilin sa akin at kung gaano nya pinahalagahan ang pamilyang binuo nila ni daddy Saglit lang kami dahil biglang lumalakas na ang hangin at nagsimula na rin lumakas ang ulan. " let's go hon, baka maabutan pa tayo ng ulan " yakag ni liam, hinawakan nya ako sa kamay at inalalayan papuntang sasakyan. Nang makasakay na ay agad na pinaharurot ang sasakyan. Tahak tahak ang daan at sinasalubong ang malakas na ulan. Pagdating sa bahay, ay agad na nagpalit ng damit. Pinuntahan ko ang aming kambal na mahimbing pa ring natutulog sa crib.  Ang aming munting anghel na si lira at mira. Kung hindi lang dahil sa balat nila ay malilito ka sakanilang dalawa. Mag iisang taon pa lang sila ngunit makikitaan mo na ng pagkakaiba ng ugali. Si lira ay tahimik, katulad ng kanyang ama,  baby pa lang ay iba na tumitig, para bang matatakot ka sakanya kapag hindi mo agad sya sinunod. Hindi mo agad makukuha ang kanyang loob hanggat hindi ka nya nakikilala. Si mira naman ay kaugali ni liane. Masayahin at palatawa. Ang lahat ay kinagigiliwan sya dahil sa daldal nya kahit hindi pa ganoon marunong magsalita. Ang lahat ng makakita sakanila ay sinasabing ako ang kamukha, kaya parang batang nagmamaktol si liam kapag sinabing walang nakuha sakanya. Bumalik ako sa ulirat ng yumakap mula sa aking likod si liam, lihim ako napangiti at sabay hawak sakanyang bisig. Nagsimula magtaasan ang balahibo ko sa batok ng unti unti nyang halikan ang leeg ko. " tumigil ka mr. Sebastian baka magising ang mga anak mo " mahina kong sambit sakanya dahil nagiging malikot na ang kanyang kamay sa buong katawan ko. Alam ko na kasunod nito. " what? Tahimik lang ako dito. Ikaw nga itong maingay " pilosopo nyang sagot. Napakunoot noo na lang ako pero agad ding natawa. Agad ako pumihit sakanya paharap at mabilis syang hinalikan. " mamaya na lang okay? Magluluto pa ako ng hapunan " akmang magsasalita pa sana sya ng mabilis ako kumalas sa yakap nya at agad na lumabas ng kwarto. Ngiting tagumpay ako ng lumabas dahil kitang kita ko sa mukha nya ang pagkaasar. Nakagawian na namin na tuwing linggo ay family day, ang araw na ilalaan namin ni liam para sa aming lumalaking pamilya. Maghapon lang sa bahay si liam at ako ang nakatoka sa lahat ng gawaing bahay. Ang pamilyang pinangarap namin liam ay natupad na. Minsan napapaisip ako, malakas ako sa Diyos dahil sa kabila ng pagkukulang naming dalawa sakanya ay pinagpala pa rin kami. Binigyan nya ako ng pagkakataong muling magmahal hindi lamang para sa sarili. Wala man akong magulang kapalit naman ay isang masayang buong pamilya. Yung tipong wala ka ng mahihiling pa. Perpekto na ang lahat. Isang perpektong asawa hello liam sebastian ang asawa ko no haha Mula sa kusina busy ako sa pagluluto ng paborito ni liam ang laswa. Ito ang unang natutunan ko mula kay mommy.  Kailan ko  lang ulit naluto ito bilang alalala na rin sakanya. Laking tuwa ko naman dahil nagustuhan ito ni liam. First time lang nya makatikim ng ganitong luto.  kaya ng matikman nya ay agad nya ito nagustuhan, magmula non ito na ang specialty ko. ***** Tumutulo pa ang tubig mula sa basang buhok ni liam nang lumabas ng banyo. Mula sa pwesto nya ay tanaw nya ang kanyang asawa na nakaupo sa balkonahe habang busy sa pag buburda ng mga damit para sa kambal na anak. Madilim ang labas at tanging ilaw sa balkonahe ang tanging liwanag nya, pero hindi alintana kay mary ang bagong kinahihiligan. Mula ng magasawa sila ay ito na ang naging libangan ni mary, dahil taong bahay, bukod sa tutok ito sa pag alaga sa anak, ito ang pinagkakaabalahan niya. Mula sa lampin, baru baruan, medyas kumot at mga punda ng kambal ay binuburdahan nya ng mga pangalan nito. Sa balkonahe ang paboritong lugar ni mary,umaga pa lang dito na sya nagaalmusal habang binuburda ang pangalan ng anak sa lampin, sa gabi naman kapag hindi makatulog ay bubuksan nya lang ang ilaw rito at habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin mula sa labas. Mahinang napahiyaw si mary nang matusok ito ng pangburda kaya agad na lumapit ang asawa. Nagaalalang kinuha ni liam ang daliri nito at walang anu ano ay sinipsip niya ang dugo sa kanyang daliri. Nanlalaki ang mata nya habang pinagmamasdan ang ginagawa ni liam. " next time be careful okay? Continue it tomorrow,  gabi na " napalunok na lang si mary sa sinabi ng asawa. Wala na sa isip nya ang ginawa nito, nakapokus na ang kanyang atensyon sa itsura ni liam. Nangaakit ang boses nito sabayan pa ng mabangong amoy  dahil sa bagong ligo ito. Napatitig sya sa mala adonis na katawan ng asawa ng sundan nya ng tingin ang tubig na dumaloy sa dibdib nito. " honey? Nakikinig kaba?" Bumalik sya sa ulirat nang magsalita si liam " ha? Ah eh. Oo " natataranta nyang sagot. Hindi maitatanggi na mula noon hanggang ngayon  walang pinagbago ang epekto ni liam kay mary. Nakakakaba. Nakakaaliw. Nakakakilig at nakakabaliw. Malalim na ang gabi kaya napagpasyahan na rin ni mary na ipagpabukas ang naudlot na gawain. Sinalansan sa lagayan ang lahat ng tools pangburda. Nang matapos ay kinuha ni liam ang kanyang dalawang kamay na kanyang kinagulat. Nilagay ang kanyang kamay sa batok nito, samantalang si liam naman ay pinulupot ang malalaking kamay sa kanyang bewang. Kinuha nito ang remote ng dvd player at pin-play ang kanilang wedding song  After all Nagsimula na ihakbang ni liam ang mga paa na sinundan na rin ni mary. Ang kanilang katawan ay magkadikit habang ang mga mata ay magkatitig Sumasayaw sila kasabay ng tugtugin. Kapwa sila tahimik parang nagkakaintindihan na sila sa kanilang bawat titig. Ang mga mata ay nangungusap at t***k ng pusong walang kasing bilis. " you are the most precious thing in my life" malumanay na saad ni liam, kahit magasawa na ay hindi pa rin mapigilan ni mary na hindi kiligin, kahit sa simpleng ginagawa nito ay damang dama nya ang pagmamahal ng kanyang asawa " you and our children. " pagpatuloy pa ulit nito, natameme si mary. Lalo sya nanghihina dahil sa paninitig ni liam sakanya. Kung hindi lang siguro nakayakap sakanya ito malamang mag collapse na sya sa sahig. Mahigpit nyang niyakap pabalik ang asawa " thank you liam. Thank you for loving me. Thank you for giving me a wonderful family.  " sandali sya tumigil dahil nagsisimula na gumaralgal ang boses nya. Nagsisimula na rin manakit ang lalamunan nya dahil sa pagpipigil ng emosyon. Inangat nya ang kanyang tingin kay liam. " thank you for making my dream come true... a happy ending " nagsisimula na mangilid ang luha nya. She mean it. She is very thankful to liam. And liam, lucky for having mary. " i love you mary, you are my life, my everything... i'd rather die if heaven take you away from me. I swear " " don't say that liam " inis na sambit ni mary, ngumisi naman si liam, at ilang segundo naglapat ang kanilang labi. Ramdam nila ang init ng bawat isa. Samahan pa na tanging tuwalya lamang ang suot pang ibaba ni liam. Nagpatuloy ang kanilang malalim na halikan at hindi na namalayan na dinala na sila sa kanilang malambot na kama. nakikiliti sya sa panaka nakang halik ng asawa sakanyang batok at buhok. Halos mamuti na ang kanyang ibabang labi kakapigil sa pag ungol. Malakas ang kiliti nya rito na paboritong asarin ni liam. Lalo na at may papatubo itong bigote na nakakadagdag lalo sa kiliti niya. Kahit pag hinga ni liam na dumampi mula sa likod ng kanyang tenga papuntang batok  ay halos ikabaliw nya. Sa bawat hagod nito sakanya ay kuryente and dulot sa  buong katawan nya. Ang ulan ay tuluyan ng bumuhos. Malamig na hangin ang patuloy na bumalot sa kanilang kwarto. Hindi alintana ang bukas na pinto sa balkonahe nang hinuburan sya ni liam. Hanggang sa parehas na silang hubad at sa isang iglap, Pinagsaluhan nila ang buong gabi na puno ng pagmamahal. Sa kalaliman ng gabi, ay nanatiling gising si mary. Pinagmamasdan ang mukha ng asawa. Tanging mabigat na buntong hininga ang kanyang nagawa. . Alam nyang ligtas at hindi sila pababayaan ni liam pero hindi pa rin maalis sakanya ang kabahan. Para sakanyang pamilya. Para sakanyang anak. Halos sa araw araw ay patuloy sya binabagabag sa kanyang nakita, at magmula non ay hindi na sya napanatag. Hindi nya maitatanggi na may nararamdaman syang masamang mangyayari. Isang banta ang muling pagpapakita sakanya ni mr. Morris
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD