CHAPTER 2

2263 Words
" okay na ba lahat ng gamit mo? Wala na ba nakalimutan?" Tanong ko habang nanatiling nakatalikod sakanya. Inayos ko sa pagkakasalansan sa aming kama ang mga gamit ni liam na dadalhin para sa kanyang out of the country business trip. Bahagya ako nagitla ng bigla sya yumakap sakin mula sa likod. Dahan dahan nya ako pinihit paharap sakanya at pinagkatitigan sa mata. Lalo nangilid ang luha ko ng makita ang bihis nyang pustura " honey, one week lang naman ako mawawala. Promise after nito babawi ako, hindi na ako aalis ng matagal " Ito ang unang beses na malalayo sa amin si liam at isang linggo yon. Emosyonal ako dahil hindi ako sanay na hindi ko sya makakatabi sa pagtulog at magigising na wala sya sa aking tabi. Mag mula ng iturn over sakanya ng kanyang ama ang lahat ng negosyo na meron sila ay halos lahat ng oras nya ay ginugol nya na doon. Tumango tango ako at pilit na hindi umiyak. hinalikan nya ako sa labi ng matagal at madiin. Para bang pabaon nya sa akin sa loob ng isang linggong pangungulila sakanya. Pagkatapos nya magpaalam sa kanyang mga anak ay umalis na sya. Nilibang ko ang sarili sa paglilinis ng bahay. Kahit na may katulong kami at maayos naman ang lahat ng gamit dito ay nilinis ko pa rin. Inayos ko ang mga damit namin ni liam, ako na ang naglinis ng kwarto ng mga bata. " nako mam ako na po dyan, kanina pa po kayo naglilinis ng bahay baka pagalitan po kami nyan ni sir liam " saad ng kasambahay habang pilit ako pinapaalis sa banyo. Halos mabasa na ako kaka iskoba ko ng bawat sulok nito " okay lang ako manang, wala naman kasi ako magawa dito sa bahay, sinusulit ko na habang tulog ang mga bata " sabay kuskos ko ulit sa inidoro. " oh my gad iha! Anong ginagawa mo dyan" napa angat ako ng tingin sa nagsalitang may malamyos na boses " ma'ma " sambit ko ng makitang gulat na nakatingin sakin ang mama ni liam. Napatingin ako sa katulong na parang nahihiya sa naabutan nila. Napalunok ako at dahan dahan na tumayo mula sa pagkakaupo sa tapat ng inidoro. " wala po kasi ako magawa sa bahay, kaya naisip ko na tulungan sila " paliwanag ko habang tinatanggal ang gloves sa kamay. Pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Suot ang lumang tshirt ni liam at bara barang inipit ang mahabang buhok. Bigla tuloy ako na conscious sa aking itsura. " ikaw talagang bata ka, hala magbihis ka na. Ang mga apo ko?" Akala ko ay masesermunan kaming dalawa. Lihim ako napangiti ng makitang excited sya ng banggitin ang mga anak ko. Pababa pa lang ako ng hagdan rinig ko na ang hagikgikan at kulitan ng mag lola. Naligo muna ako at nagayos ng sarili. Bumungad sa akin si mama eliza na buhat buhat si mira, si daddy leo naman ay nakaupo lang sa couch habang pinagmamasdan ang pagapang gapang na si lira. Agad ako humalik sa kanilang pisngi nang makalapit " si liane iha nasa school pa ba? " tanong ni mama eliza " opo, pero mamaya nandito na rin po yun " sabay buhat kay mira at punas sa laway nito. " oo nga pala mary, ipagpapaalam namin pala sa iyo na sa amin muna si liane habang wala si liam. Baka mahirapan ka sa kambal. Ibabalik rin namin sya pag dating ni liam " hindi agad ako nakasagot. Napatingin ako sakanyang asawa na hinahantay ang magiging desisyon ko. " o-opo " pilit ako ngumiti. Hindi naman dahil sa pinagdadamot ko ang mga anak ko, actually spoiled sila sa kanilang dalawa halos lahat ng luho nasusunod lalo na kay liane. Minsan na rin nila nahihiram si liane pag weekends. Kaso wala si liam ngayon, parang lalo akong malulungkot pag hindi ko kasama ang mga anak ko. Pero wala na rin ako nagawa, hindi ako makatanggi Rinig ko sa baba ang malakas na hiyaw ni liane ng makita ang kanyang lolo at lola,  habang nililigpit ang dadalhing gamit ni liane ay biglang pumasok ito sa loob ng kwarto. Kitang kita ko sakanya ang saya na isasama sya ng kanyang lolo at lola. Kaya kahit na nakakaramdam ng lungkot dahil wala ng isang linggo ang mag ama ko ay pilit na rin ako ngumiti. " bye nanay, bye baby lira, mira " paalam samin ni liane " let's go lolodad " yakag nya rito. " aalis na kami iha magiingat kayo ng mga bata dito ha. Kung mag kaproblema tumawag sa amin okay?" Bilin sakin ni mama eliza. Habang paalis ang sasakyan nila palabas ng gate ay napatingin ako sa langit, makulimlin ito at mukhang malakas ang parating na ulan. Kumuway ako at ngumiti kay liane at kumuway din sya pabalik, bumigat ang pakiramdam ko ng tuluyan na silang makaalis. Pagkatapos linisan ang dalawang kambal ay pinadede ko na ito upang makatulog. Malakas ang hampas ng hangin sa labas at malakas ang ulan kaya sinarado ko ng maigi ang mga bintana at inayos ang mga kurtina. Biglang tumahimik ang bahay, ngayon ko lang naramdaman na parang masyadong malaki sa amin ito na parang hindi kami nagkikita kita sa sobrang lawak. Wala pang  isang araw si liam wala at ilang oras pa lang si liane na nakakaalis labis na ako nagungulila sakanilang dalawa. Bumalik ako sa ulirat ng magsalita ang katulong " mam saan po namin ito ilalagay? " tanong nya sabay lahad ng kanyang hawak.  isang painting. " ako na maglalagay sa baba, pakibantay na lang ang mga bata sa taas " kinuha ko ito sakanya at nagtungo sa basement. Mabigat ang mga paa ng pumasok ako sa loob ng kwarto, bumungad sa akin ang ibat ibang klase ng painting na aking obra. Ang mga gamit pang pinta ay nanatili nakakalat sa ibabaw ng lamesa. Bago pa ako mahilig sa pag buburda, isa ito sa una kong kinahiligan. Maliit pa lang ako ay mahilig na ako mag pencil sketch, hanggang sa matutunan ko ang pag pepaint na itinuro sa akin ni daddy. Hindi naman ako ganun kahusay dahil hindi ko na ito naipagpatuloy pa. Kailan ko lang ulit ito naisipan gawin tuwing nangungulila ako sa aking magulang. Pinagmasdan ko ang mga painting na nasa loob kadalasan ay mga family portrait namin, meron ding kaming dalawa ni liam, meron din para kay liane, and the rest ay puro na bulaklak na ang disenyo. Sa tuwing nagpipinta ako ay parang nailalabas ko lahat ng gusto ko sabihin. Sa tuwing masaya at kahit malungkot. Dito ko binubuhos lahat. Nahinto lamang ito ng manganak ako sa kambal. Pinasadahan ko ng tingin ang isang painting na hindi ko natapos. Nangangalahati pa lang ito at hindi pa ganun ka detail ang kulay.  Sinuot ko ang apron na may bahid pa rin ng mga pintura, umupo ako sa harap nito at kinuha ang mga gagamitin. Huminga ako ng malalim at inumpisahan na ang pagpinta sa hindi ko natapos na obra. Hindi ganun kaingay sa aking lugar, dahil nasa basement kaya hindi ako naiistorbo sa lakas ng ulan. Para tuloy ako nagkaroon ng ME-TIME. Tahimik, nagpipinta, nakakahinga. Ilang oras din bago ako matapos. Sandali ako napangiti nang makita ang naging resulta. Isang hugis babae, hinaluan ito ng green at light green. ang paligid ay medyo mausok na nanggagaling sa isang halaman. My self-portrait. Naalala ko kasi, lagi sinasabi ni liam na bagay sakin ang pangalang mary jane. Katulad ng isang halamang nakaka adik, pero good benefits. Na gets nyo ba iyon? Ako kasi hindi. Kaya minsan naiinis ako dyan kay liam, ang daming sinsabing hindi ko nagegets. Katulad ng tatak mrs. Sebastian lagi nyang binibigkas tuwing may nangyayari sa amin. Sa bandang baba ay nilagyan ko ito ng dalawang maliit na letra. Initials-  M.J Habang inaayos ang gamit, halos mabitawan ko ang hawak na painting dahil sa malakas na sigaw sa akin ni mae isa naming katulong galing sa taas. Dahil gawa sa kahoy ang hagdan kaya rinig na rinig ko ang mabilis nyang yapak " ma'am mary! Ma'am mary " sigaw nya " ano yun mae?" Natataranta kong tanong ng makarating sya sa loob " si baby mira po, si baby mira..." halos hindi na rin nya matapos ang sasabihin dahil nauunahan na rin sya ng taranta " anong nangyari? Mae anong nangyari? Anong nangyari kay mira " " si baby mira po inaapoy ng lagnat "  halos maubusan ako ng hininga dahil sa aking  narinig. Dahil sa pagmamadali basta ko na lang binitawan ang painting na hawak, hindi ako sigurado pero rinig ko ang malakas nyang pagbagsak. Nagmamadali ako nagtungo sa kwarto nito. Sa baba pa lang rinig ko na ang malakas na iyak nito. Kakamadali, hindi ko pa pala nahuhubad ang suot na apron. Halos laktawin ko na ang magkakasunod na baitang kakamadali.  Pagpasok ko, buhat buhat ni manang si mira na iyak ng iyak " manang ano pong nangyari " sabay buhat ko sa anak ko. Nang mahawakan ramdam ko ang init ng kanyang katawan. " manang ikuha mo ako ng gamot, pakitawag na rin ang driver pupunta kami sa hospital " halos gumaralgal na ang boses ko sa sobrang takot. Ito ang unang beses na magkasakit si mira o kahit sino sa kambal kaya ganito na lang ako mataranta, plus wala si liam. Malakas pa ang ulan sa labas. Mahina ako sa ganito, kapag check up time ng kambal si liam ang humahawak kapag iinjectionan sila. Minsan lumalabas din ako dahil pati ako ay naiiyak kapag umiiyak ang mga anak ko. Ganun ako kababaw Nilipat sa kabilang kwarto si lira para hindi magising, nang makainom na ng gamot na lalo ko ikinataranta dahil niluluwa nya lang ito. Kaya walang anu ano ay agad ako bumaba at magpapadala na sa hospital. Wala na ako pakialam sa itsura ko, kahit pa baliktad ang suot kong sandals na imbes na tsinelas na lang. Yun na lang kasi ang nahagilap ko. " manang pakitawagan na lang po si liam or hindi kaya si mama eliza paki sabi na magpupunta kami sa hospital " hindi ko na inantay ang kanyang sagot at agad na sumakay ng sasakyan. Halos matangay ako ng hangin at liparin ang suot kong damit dahil sa lakas ng hangin. Patuloy sa pagiyak si mira " baby please stop crying, andito na si mommy. Please baby malapit na tayo opo " patuloy ako sa pagpapatahan sakanya. Halos gusto ko na paliparin ang sasakyan sa sobrang tagal, pero naiintindihan ko naman dahil madulas ang kalsada at nahihirapan si manong magdrive sa pagmamaneho dahil sa panahon at gabi na rin. Habang nasa back seat at hawak hawak ang anak, muntik na ako masubsob dahil sa biglang pag preno ng driver " kuya ano ba magdahan dahan naman po kayo " inis kong saad dahil sa muntik na mapahamak si mira " pasensya na po mam, may nakaharang po kasi sa daan " anito. Maging ako ay napatingin na rin sa kalsada, tanging ilaw na lang ng kotse ang nagbibigay liwanag sa daan. Nakailang busina na ito ngunit hindi pa rin umaalis ang nakabalandrang sasakyan. Kahit malakas ang ulan ay bumaba si manong driver. Hindi ko na rin ito pinansin dahil patuloy pa rin sa pagiyak si mira. Nagpalinga linga ako sa daan dahil ilang minuto na ay hindi pa rin nakakabalik ang driver. Kahit na kinakabahan ay pilit ko pinatatag ang sarili lalo kasama ko ang anak ko. Kinapa ko ang aking gilid, napapikit na lang ako dala ng inis dahil wala akong dalang cellphone kakamadali. Tanging si mira lang Habang pinapatahan ang anak ay laking gulat ko ng may kung sinong lalaki ang nagbukas sa pinto sa gilid ko " sino ka " bulyaw ko. Halos manlaki ang mata ko nang bigla nya ako hatakin palabas. Dahil hawak ko ang anak ko, pilit ko hinihila ang sarili ko at tinutulak ang lalaki palayo " bitawan mo ako! Tulong tulong. Manong! " sigaw ko. Pero mukhang walang makakarinig sa akin, nasa kalagitnaan kami ng kawalan. Sabayan pa ng malakas na ulan na may kulog at kidlat. Naiiyak ako dahil patuloy pa rin sya sa paghila sa akin palabas, pilit ko pinipiglas ang isang kamay ko kahit napakahigpit ang pagkakakapit nya sa braso ko. Ang anak ko ay lalong lumalakas ang pagiyak. Natatakot na ako pero kailangan ko lakasan ang loob ko. Kasama ko ang anak ko. Hanggang sa mahatak na kami palabas ng sasakyan. Nababasa na rin ako ng ulan, pilit ko niyayakap si mira at mas binalot pa ito dahil maging sya ay nauulanan na rin " pakiusap may sakit ang anak ko, kailangan nya madala sa hospital. Parang awa nyo na " ang ulan at luha sa aking mukha ay naghahalo na. Ngunit parang wala silang naririnig at patuloy pa rin sila sa paghatak sa akin. Tumambad sa harap ko ang nakahandusay na driver ko. Kahit hindi ko naaninag ang nakikita dala ng lakas ng ulan ay malinaw sa akin na maraming tauhan ang naka kalat at hindi alintana ang malakas na ulan. Naiwang nakabukas ang ilaw ng sasakyan namin at pinto. Dalawang sasakyang itim ang nakahinto sa tapat namin " akin na ang anak mo kung gusto mo pa sya mabuhay " saad ng lalaking malaki ang katawan " hindi!!!" Sigaw ko ng kunin nila sakin si mira. Nagpupumiglas ako habang pilit na inaabot si mira na walang tigil sa pagiyak. Para akong malalagutan ng hininga sa bigat ng nararamdaman ko. Parang nauulit muli ang naranasan kong bangungot. Patuloy ako sa pagiyak habang dinadala nila ako papasok sa sasakyan. " finally " ang malalim at nakakatakot nyang boses ang nagpatigil sa aking pagiyak. Nanginginig ang buong katawan ko ng mapatingin ako sa nagmamaya ari ng boses. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig  ng makita ang kabuuan nyang mukha. " m-mr.morris "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD