CHAPTER 3

2321 Words
"M-mr. Morris " halos mangatal na ang boses ko, maging ang buo kong katawan, hindi dahil sa naulanan kundi dahil sa taong tumambad sa aking harapin. Ang taong nagdulot ng malaking trauma sa buhay ko. Ang taong sumira sa pamilya ko, pumatay kay ingrid at ang pumatay sa nanay ko. " hayop ka mr. Morris. Ano nanaman ito ! " namamaos na ang boses ko dala ng lamig na nararamdaman. Ang kaba ko ay patuloy sa mabilis na pagpintig. Wala na ring tigil ang pagtulo ng luha ko " parang awa mo na l-liam, huwag na ang anak ko. Huwag ulit ang anak ko " pagmamakaawa ko " don't worry she's safe.... kung sasama ka sakin ng tahimik " natigilan ako. Ito nanaman sya, uulitin nanaman ba nya ang bangungot na na naranasan ko sakanya noon?. " i know what your thinking mary, don't look at me like i'm the worst person in the world " sabay ngisi nya. Napayukom ako ng kamao. " hindi ba? Sabagay mahihiya sayo si satanas sa sobrang sama ng ugali mo " pinatapang ko ang sarili ko. Kahit ang totoo takot na takot na ako. " huwag ka magsalita ng ganyan sa magiging ASAWA MO " pinagdiinan nya ang huli nyang sinabi. Naguguluhan akong napatitig sakanya. " a-anong---" agad nya pinutol ang sasabihin ko " kapalit ng buhay ng anak mo ang pagsunod mo sa plano ko. Sasama ka sakin at magiging asawa ko sa ayaw mo at sa gusto mo " " nahihibang kana " mabilis kong saad. Hindi nya ako sinagot at tanging ngiting dimonyo lang makikita sa kanyang mukha. Hindi ko alam kung ilang oras kami nasa byahe. Humina na rin ang ulan. Nawalan na ako ng lakas makipag diskusyon sakanya dala ng panghihina, nanginginig na ang buong katawan ko dahil sa basa at ang lamig ng aircon ng sasakyan nya. Antok na antok na ako pero pilit ko nilalabanan dahil iniisip ko ang kalagayan ng anak ko. Kamusta na kaya sya? Nadala ba nila sa hospital? Pinadede ba ng mga hayop na ito ang anak ko? O baka iniwan na lang nila kung saan. Halos mabaliw na ako kakaisip, kung ano ano ang pumapasok sa utak ko. Bigla kami tumigil nang huminto ang nasa unahang sasakyan. Naunang bumaba ang mga tauhan nya kasunod si mr. Morris. Mukhang seryoso ang pinaguusapan nila. Napatingin ako sa pinto na nasa aking gilid. Sinubukan ko buksan ito, nakahinga ako ng maluwag ng magtuloy tuloy ito sa pagbukas. Ang bawat galaw ko ay kalkulado, papalit palit ako ng tingin sakanila at sa pinto. Iniiwasan ko makalikha ng anu mang tunog. Mabuti busy sila sa paguusap hindi nila ako mapapansin. Dahan dahan ako sa paglabas, kahit paghinga ko ay pigil pigil ko. Yumuko ako nang sa gayon ay hindi nila ako makita. Wala na rin ako paki alam kung mabasa uli ng ulan. Umiikot ako papunta sa isang sasakyan. Kailangan ko makuha ang anak ko. Sinisilip ko sa salamin ng sasakyan kung nasa loob ba ito. Nagsisimula nanaman ako maiyak dahil kahit saang parte hindi ko sya makita. Napatingin ako kanila morris nang sumigaw sya. Napansin na nya ata na wala na ako. Mula sa likod habang nakakayuko dahandahan at mabilis ako umaalis. Dumiretsyo ako sa papasok sa magubat na lugar. Bahala na kung saan mapunta. Nagtuloy tuloy ako sa paglalakad at wala ng balak lumingon pa. Kailangan ko makauwi, kailangan ako ng anak ko. Kailangan ko si liam. " aaahhh!!! " Napahiyaw ako ng may humigit sa buhok ko. Halos maamoy ko ang hininga ni mr. Morris nang ilapit nya ang mukha ko sa mukha nya habang mahigpit na nakasabunot sakin. " akala mo makakatakas sa akin? Kahit saan ka magpunta mary makikita at makikita kita. Mahahanap at mahahanap kita! " ang boses at itsura nya ay parang dimonyo, malayong malayo sa mr. Morris na nakilala ko. Wala na ako nagawa ng kaladkarin nya ako pabalik habang nakasabunot pa rin sya sakin ng mahigpit. Madapa dapa na ako at halos puro putik na ang buong paa ko maging ang suot ko. Punong puno ako ng kaba nang makabalik na kami sa sasakyan. Tama sya wala ako kawala,  napakadaming tauhan ang nakapalibot samin, akala mo ba'y isa akong malaking sindikato para palibutan nila. Ang lahat ay mukhang handang pumatay ng tao. Muntik na ako mawalan ng balanse ng itulak nya ako. " anong ginagawa nyo " tanong ko habang pilit pinagdidikit sa likod ko ang aking dalawang kamay. Napapangiwi na ako dahil wala silang pakialam kahit napakahigpit ng pagkakatali sa akin. Naguguluhang napatingin ako sa mga tauhan habang isa isa sila sumasakay sa sasakyan habang ako ay naiwang nakatunganga sa kinatatayuan ko. Hanggang sa patunugin nila ang makina at sumibat na ang dalawang sasakyan. nang makaalis na ang mga ito saka ko lang nakita sa aking tapat si mr. Morris. Dalawa na lang kami natira. Sa gitna ng kalsadang madilim at napapalibutan mg mga puno. Ang kaba ko ay padagdag ng padagdag ng naglakad na sya sa akin papalapit. " hmmmp! Hmmmmm!" Walang salitang lumalabas sakin dahil nilagyan nila ng busal ang bibig ko. Wala na ang ulan pero patuloy ang pagdaloy ng likido sa mukha ko. Hindi ko na mawari kung ito ba ay pawis o luha. Hindi kami sumakay kundi naglakad at patungo sa gubat, tanging liwanag ng buwan lamang ang aming ilaw. Nagsusugat na ang paa ko at halos matanggal na ang swelas ng sandalyas na suot ko, habang walang awa nya akong kinakaladkad. Mula sa madilim at masukal na kagubatan hila hila nya ako. Nakagapos sa aking likuran ang mga kamay at may busal ang bibig. Naghahalo na ang pawis at luha sa aking mukha sabayan mo pa ng magulong buhok mula sa pagkakasabunot sakin ng paulit ulit mula sa mabigat nyang kamay. kahit anong sigaw ko alam kong walang makakarinig sa akin. Sa higpit ng pagkakahawak nya alam kong wala akong kawala laban sa dimonyong ito. Nanghihina na ako pero patuloy pa din kami sa paglalakad. Natuyo na ang basang damit namin mula sa ulan. Hirap na hirap na ako sa paglalakad dahil bumabaon ang paa sa maputik na daan. Napaluhod ako dahil sa pagkatisod at panghihina, sabayan pa ng pananakit ng katawan ko mula sa mga sugat at gasgas na natamo ko, pero hindi alintana ito sakanya. Desidido na sya sa lahat ng plano nya. Hinatak nya ako patayo at muli naglakad. Hindi ko alam kung saan kami papunta, ang alam ko ay madilim na paligid at tanging huni ng ibat ibang uri ng hayop ang maririnig sa paligid na dumagdag sa takot na nararamdaman ko. Huminto kami at tumambad sa akin ang isang cabin. Napalunok ako nang unti unti na kami papalapit dito, parang ano mang oras ay may lalabas na nakakatakot na tao at biglang hahabulin ka ng isang chainsaw. Mukang luma sa labas pero automatic. Pinindot ang pass code at kusa ng bumukas ang pinto. Hinatak uli sa braso at pabalyang pinapasok sa loob. Hingal na hingal ako habang pinagmamasdan ang kabuuan ng loob ng bahay. Walang laman. Walang tao. Anong gagawin namin dito? Pabalang nyang tinanggal ang busal sa bibig ko, saka ko lang naramdaman ang pangangalay nito  " walang hiya ka liam asan ang anak ko!! " bulyaw ko sakanya ngunit nanatiling nakatitig lamang sya sa akin. Umupo sya sa lumang silya sa harap ko habang pirming humihithit ng sigarilyo na lalong nakakadagdag sa inis ko. Kahit anong pilit ko sa pagkalas ng lubid na nakatali sa aking kamay na halos ikasugat ko ay wala pa ring silbi. " maayos ang lagay nya kaya hindi mo kailangan magalala." Sabay pakita nya sa akin ng cellphone. Agad na nakahinga ako ng maluwag at nanlabo ang mata dahil sa luha ng makita kong mahimbing na natutulog ang anak ko, sa paligid nito ay mukhang nasa hospital sya. Binalik nya ang cellphone sakanyang bulsa at muli nagsalita " makakasama mo uli ang anak mo sa isang kondisyon.... Kakalimutan mo na ang dati mong buhay.sasama ka sakin at magiging isa tayong pamilya " pormal nyang saad. Peke akong natawa. Nababaliw na talaga ang lalaki na ito, parang kay dali lahat ng kanyang plano. Wala akong paki alam sa lahat ng sinasabi nya. Ang tanging naglalaro sa utak ko kung paano tumakas, makuha ang anak ko at babalik sa asawa ko. Kay liam. Akmang  magsasalita ako nang makarinig kami ng tunog ng malakas na paghampas ng hangin. Agad ako napatingin sa bintana, laking gulat ko na makitang isang helicopter ang pababa sa di kalayuan. " anong ibig sabihin--- " hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang halos mapahiyaw ako sa sakit nang iturok nya sa aking balikat ang syringe. Bigla ako nakaramdam ng panghihina at pagkahilo. " sweet dreams mylove" ang huling salitang aking narinig bago mawalan ng malay. Unti unti ko minumulat ang mabigat na talukap nang makaramdam ako ng init mula sa sinag ng araw. Tanging mata lamang ang nagagalaw dahil sa mabigat ang buong katawan, masakit ang ulo at hindi malaman kung saan parte pa. Para akong galing sa giyera para makaramdam ng pananakit ng katawan. Hanggang sa maalala ko ang anak ko. Si mira, bigla ako napabangon mula sa pagkakahiga, halos mapangiwi ako at ganoon na lamang ang pagkauhaw ko na parang kay tagal ako nahimbing sa pagkakatulog para magsilagatok ang mga buto ko. Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa hindi pamilyar na kwarto. Maaliwalas at malaki, ramdam na ramdam ko ang hangin mula sa labas sa laki ng balkonahe. Naistatwa ako sa pagkakaupo ng pumasok si morris. Ngiting ngiti sa akin na nakakaloko, napadako ang tingin ko sa mga kasama nya na mukhang mga banyaga, isang babae at mga lalaki na sa tingin ko ay nasa mids 40. Sa kanilang mga suot sa tingin ko ay mga doctor. Hindi nila ako pinapansin, tuloy pa rin sila sa paguusap sa wikang ingles at parang napaka importante ng kanilang gagawin. Merong titingin sila sa akin sabay babalik ng tingin sa hawak nilang folder, parang pinagaaralan nila ako, naguguluhan akong napapatingin kay morris na pirming nakatitig pa rin sa akin. " we can't do it here. This is dangerous you know that " rinig ko sa isang babaeng doctor. Tumango tango naman ang iba pa nyang kausap. Hindi ako makaimik. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. " handa na po ang private plane boss " singit ng isa nyang tauhan. Tanging tango lang ang naging sagot ni morris sabay alis nya, ganun din ang mga doctor. Lumapit sakin ang ibang  tauhan nya at piniringan ako sa mata. Wala na akong magawa kahit anong piglas at pakiusap ko dahil hawak nila akong mahigpit sa magkabilang kamay. Nagpatinuod na lang kung saan nanaman nila ako dalhin. Hindi ko man nakikita pero nararamdaman ko na nasa eroplano kami, pinagsinop ko ang ang mga palad ko, kasabay ng pagdarasal ko. Tahimik ang paligid at ramdam ko na nasa tabi ko lamang si morris. Hindi ko alam kung ilang oras kami nasa byahe. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin. Bahagya ako nasilaw ng tanggalin nila ang aking paring, bumungad sa akin ang isang pribadong kwarto. Puno ito ng iba' ibang aparato . Mukhang may operasyong magaganap. " sir, as your ordered everything is prepared"   " saad ng isang banyagang doctor. Agad ako kinabahan sa aking narinig. " anong ibig sabihin nito morris? Anong binabalak mo " gumagaralgal na ang boses ko dala ng kaba. Ngumisi lang sya sa saka lumapit sa akin. "  do everything and change her face " sabay haplos nya sa aking pisngi, kasabay nito ang pilit na paghila sa akin ng mga tauhan nya at pwersa akong pinapahiga. Halos manlambot ang buong katawan ko, hindi ito ang inaasahan ko " liam! Liam! Parang awa mo na liam! " binuhos ko ang lahat ng sigaw ko para marinig at baka sakaling maawa sya. Ngunit patuloy lamang sya sa paglalakad palayo sa akin. " hindi. Hindi!" Saad ko habang patuloy sila sa pagpigil sa akin, hanggang sa may iturok nanaman sila sa akin. Kahit nanghihina, patuloy ako sa pagmamakaawa. Tuluyan na rin bumagsak ang aking luha. Hindi ko na kaya " good morning, mabuti at gising kana " bungad sa akin ni morris na mukhang kanina pa ako hinihintay magising habang nakaupo sa isang sulok,  pakiramdam ko ay kay tagal kong nahimlay. Gusto ko sya sigawan ngunit nawalan ako ng lakas. Laking pagtataka ko rin dahil hindi ko maibuka ang labi ko. Parang may makapal na tela ang nakabalot sa buong mukha ko. Hindi maari. Kahit puno ako ng kaba dahan dahan ako napahawak sa mukha ko, hindi ko maintindihan ang nangyayari, tanging sigaw sa aking loob ang nagagawa ko. halos maiyak na ako sa takot. Hanggang sa lumapit na sa aking likuran si mr. Morris, dahan dahan ako umupo, napatingin ako sa isa nyang tauhan sabay lahad ng salamin sa aking harapan. Halos lumuwa ang mata ko sa aking nakikita. Totoo at nakabalot ng benda ang buong mukha ko. Unti unti kinakalas ni mr. Morris ang benda. Punong puno ako ng kaba. Hanggang sa tumambad ang isang mukhang hindi ko kilala. Sino ka? Isang babaeng may makinis na mukha, matapang ang itsura at maliit ang kanyang mukha, nanginginig ang aking kamay ng hawakan ko ito. Ako ang nasa salamin ngunit iba ang mukha. " a-anong ginawa mo mr. Morris !" Naiiyak kong sabi. " dont call me that anymore, not mr. Morris not liam and No more MaryJane" sandali sya tumigil. Humarap sya sa akin at inangat nya ang mukha ko. "  Simula ngayon kakalimutan mo na ang buhay mo noon. Magsisimula tayo ng sarili nating pamilya. You will be my wife dahlia," natigilan ako sa aking narinig. Naninikip ang aking dibdib. Sino? Dahlia? " Dahlia morris " malambing na saad niya, naguguluhan ako sa sinasabi nya, hindi pumuproseso sa utak ko ang pangalan na paulit ulit nyang binibigkas " CONGRATULATIONS  RAGE! " sigaw ng lalaking pamilyar sa akin. Tinawag nyang rage si morris. Parang sasabog na ang utak ko. Litong lito na ako. " everything is okay?" Tanong nito sa lalaki " of course " sagot nito sabay lahad ng papel sa amin. Halos manlaki ang mata ko sa aking nabasa. Marriage Certificate of RAGE MORRIS & DAHLIA MORRIS.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD