" ma'dam hinahantay na po kayo ni senyor rage sa baba " napatingin ako kay nana luz ng tawagin nya ako mula sa pinto ng aming kwarto " sige susunod na ako " mahinahon kong sagot, muli ako sumilip sa maliit na uwang ng kurtina sa bintana at pinagmasdang muli ang mga ibong malayang makalipad at makadapo kahit saang sanga ng puno nila gusto. Kasabay ng mabigat na buntong hininga ay dahan dahan ko sinara pabalik ang kurtina.
Naabutan kong nakatitig ng masama si morris sa mga pagkaing nakahain sa lamesa " what took you so long? " inis nyang tanong, tahimik akong umupo malapit sakanya " may inayos kasi ako " walang emosyon kong sagot, ramdam ko ang paninitig nya sakin kaya pinagsandok ko na lang sya ng pagkain
" kailan mo ipapakita sa akin si mira " basag ko sa katahimikan, hindi nya ako sinagot, dire siretsyo lang sya sa kanyang pag kain.
" nangako ka, nangako ka na kapag sinunod ko ang gusto mo---" naputol ang sinasabi ko at bahagya ako napaigtad ng padabog nyang binaba ang hawak nyang kubyertos.
" marunong ako sumunod sa usapan dahlia " nagsisimula na manginig ang kamay ko ng matalim nya akong titigan
" ikaw lang ang hindi ".
" rage! It's been what? Three years? "
" three years! And you think thats enough para magtiwala ulit ako saiyo? Ilang beses mong gusto tumakas dahlia! Hindi ko ipapakita ang anak mo hanggat hindi ka nagtitino " napayukom ako ng kamao. Ramdam ko ang pagiinit ng mata ko.
" nangyari na ang gusto mo, sa tingin mo may maniniwala pa sa akin na ako si mary? Pinalitan mo na ang buo kong pagkatao! Ang mukha ko! " hindi ko na napigilan na mapataas ang boses ko. Kitang kita ko ang pagkunot ng kilay nya at pag igting ng kanyang panga, agad ako nakaramdam ng kilabot ng masama nya ako titigin. Kinakabahan man ay nagkalakas loob na ako sabihin ito
" kailangan ko makita ang anak ko, ipakita mo sa akin si mira " mahina kong saad. Ilang segundo dumaan ang katahimikan ng biglang tumayo si rage, pabalang na binato ang napkin at tumayo " just wait dahlia, it' s all your fault remember?. Kung hindi ka tumakas ng ilang beses edi sana kasama mo na ang isa sa mga anak mo ngayon " pagkatapos ay tuluyan na syang umalis.
Naninikip ang aking dibdib at tuluyan ng bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Hindi pa ako masyado nakakakain ng mawalan na ako ng gana. Naiwan ako magisa sa lamesa habang lihim na umiiyak.
Napatingin ako sa mga paper bag na nasa ibabaw ng kama namin. Napansin ko ang isang card na nakaipit dito. From rage, . Get dress, see you later. Napakadaming damit ang binili nya para sa akin. Hindi ko naman halos nagagamit dahil hindi ako lumalabas ng bahay or should i say hindi nya ako pinapalabas kahit anong okasyon pa yan, depende kung gusto ko mag shopping pero kasama ang mga guards, katulad din ngayon niyayaya nya ako. Para siguro mag dinner sa labas.
Isa isa ko sinasalansan ang mga damit na bago sa closet namin, natigilan ako ng isa isahin ko ang mga luma kong damit na nakahanger, bawat isa ay may istorya.
Pinagmasdan ko ang itim at makapal kong jacket
****
Tanghaling tapat ay sinubukan ko makatakas, habang nag grogrocery ay nagpaalam ako sa mga guard na mag c-cr lang. Hinubad ko ang suot ko at nagpalit ng damit, tinapon ko sa trashbin ang hinubad at nagsuot ng sneakers na sapatos, itim na pantalon, sinuot ang makapal na jacket, nag cap at nag talukbong ng mukha upang hindi makilala ng mga guard na nagaantay sa akin sa labas ng c.r. Diri diretsyo ako paalis sa lugar na iyon at Mabilis na sumakay ng cab, hindi ko alam kung saan ako papunta dahil hindi ako pamilyar sa lugar dito sa france. " just take me to the airport " ang tangi ko nasabi sa driver. Punong puno ako ng kaba habang nasa loob ng sasakyan. Nagtataka na sakin ang driver dahil panay ako tingin sa likod.
Nang makarating ay agad ako pumasok sa loob ng airport. Yukong yuko at pilit na tinatago ang mukha. Wala ako ibang dala kundi ilang pera. Dahil hindi ko masayado maaninag ang daan ay may nabangga ako sa aking harapan. Ganun na lamang ang gulat ko ng mapagtantong si Rage ang taong humarang sa akin. " where do you think you going? " nakangisi sya sa akin habang ang mata ay nanlilisik " please let me go " naiiyak na ako sa pagmamakaawa.
" you think, you can escape from me? " hindi pa rin nawawala ang ngiti nya pero alam ko ang ngiti na iyon ay galit na. Napatingin ako sa mga tauhan na kasama nya. Nawalan na ako ng pagasa. Wala na akong kawala. Nahuli nanaman nya ako.
Kinuha ko ang jacket at tinupi, sa bawat pagsinop ko ng mga lumang damit ay may isa rito na nagdulot ng kilabot sa akin, it's a regular long night gown. Isang gabi habang wala pa si rage sa bahay, nagkaroon ako ng pagkakataon na gumawa ng paraan para makatawag sa bahay namin nila liam.
Nagtungo ako sa basement upang walang makakita sa akin, nang minsan kasi na naggrocery ako ay lihim ako bumili ng isang de keypad na cellphone, bumili na rin ako ng load card para makatawag sa pilipinas. Nanginginig pa ang mga kamay sa sobrang kaba habang sinasalampak ang simcard, dali dali ko dinial ang numero, sana hindi nagbago ng landline number sa bahay.
Nakahinga ako ng maluwag ng ilang saglit lang ay nagring ang kabilang linya, punong puno ako ng kaba. Ilang segundo ang dumadaan at patuloy lang ito sa pagring. Hanggang sa may sumagot, boses lalaki, agad nangilid ang luha ko ng makilala kung sino ang nagmamay ari nito, si liam.
Naiwang nakauwang ang bibig ko at agad na napalingon sa taong umagaw ng cellphone sa tenga ko, nanlalaki ang mata ko ng makita si rage at sya ang sumagot " i'm sorry, my wife dialled a wrong a number " sabay patay nya sa tawag.
Naninigas ang buong katawan ko. Para akong malulusaw sa tindi ng paninitig nya sa akin. " saan mo nakuha to? " sabay pakita nya sa akin ng cellphone, hindi ako makapagsalita at parang umurong bigla ang aking dila. Dahan dahan sya naglalakad papalapit sa akin habang ako ay paatras ng paatras, halos mahubad na ang suot kong tsinelas sa sobrang bigat ng mga paa ko at panlalambot.
Napaigtad ako sa gulat at parang may nakakabinging tunog ng malakas nyang ibato ang hawak sa sahig. Nanginginig na ang buong katawan ko nang makitang kalat kalat na ang bawat piraso ng cellphone. Mabilis nyang hinawakan ang panga ko at pakiramdam ko ay madudurog na sa sobrang higpit ng pagkakapit nya dito.
Higit ko ang aking hininga sa sobrang lapit ng mukha nya sa akin " hindi ka talaga nadadala no? " naiiyak na ako sa sobrang takot, pakiramdam ko ay katapusan ko na. Hinila nya ako at basta na lang hinagis sa kung saan, ang lahat ng gamit ay nag kanda bagsakan at nagka gulo gulo dahil sa pagwawala nya at pananakit nya sa akin.
Hindi ko alam kung ilang oras nya ako sinaktan, pinarusahan. Ang mukha ko ay puro pawis lamang, naiwang magisa at tulala habang nakahandusay sa lapag.
Nakaharap ako sa salamin, sa panlabas ay akala moy walang nangyari, maayos pa rin ang aking mukha, maliban sa pamumula ng mata dala ng pag iyak, nang maghubad upang magpalit ng damit ay saka bumungad ang lahat. Ang katawan ko ay puro pasa, kahit saang parte ay may sugat, sunod sunod na lumandas ang aking luha. Isang bangungot sa akin ang lahat.
Ilang beses kong sinubukan, ngunit lagi ako bigo, nang araw ding yon ay yun na ang huling pagtangka kong tumakas. Bukod sa ginawa sakin ni rage, ang pagbantaan nya ang buhay ng anak ko ang nagpasuko sa akin. Hindi ko alam kung anong klaseng koneksyon meron si rage para kahit saan ako magpunta natutunton nya pa rin ako. Ang lahat ng damit na nagpapapaalala sa pagtakas ko ay tinago ko na, kinalimutan ko na.
Pababa ng hagdan ay bumungad sa akin si rage na naghihintay sa sala, nakasuot sya ng british suit na nagpa angat lalo ng kanyang kakisigan, kitang kita ko ang mangha sakanyang mata ng makita ko. Suot ang binili nya sa aking off shoulder white dress at naglugay lang ako ng buhok
" you are so beautiful " bungad nya, pilit ako ngumiti sakanya " wait, i have something for you " sabay kuha nya sa kanyang bulsa ng isang red velvet box, isang kwintas ang laman. Hindi pa ako nagsasalita ng dali dali nya nilagay sa leeg ko. Pinagsinop nya ang aking buhok, nilagay sa kabilang balikat at saka sinuot sa akin ang kwintas na may pendant na dahlia flower ang design.
Nagtungo kami sa isa sa luxury hotel dito sa france ang THE PENINSULA PARIS. First time ko makapunta sa ganitong okasyon at sa ganitong lugar mula ng makarating dito, dahil ngayon lang ako sinama ni rage, Ngayon lang nila ako makikita. Halos malula ako sa mala palasyong hotel na parang tahanan ni queen elizabeth.
Ang lahat ay mukhang kagalang galang ang bisita, mga pormado at mitikoloso at mitikolosa. Halo halo ang mga tao may mga white, nigga at may mga asian din.
" Mr. Morris " bati nang matandang lalaki na mukhang amerikano, ngunit sa tono ng kanyang pananalita ay tono ng isang french like Mistewr Mowris. Isa sa kilalang negosyante, hindi lang daw dito sa france kundi sa iba't ibang bansa pa.
"Bonsoir Mr. Fournier" si rage at nakipag shake hands sya dito, pinasadahan ako ng tingin ng matanda " Sow, who ez diz beautiful leyde?" (Who is this beautiful lady?) Tanong nito, Hinigpitan ni rage ang kapit sa aking bewang at nilapit pa lalo sakanya " my wife dahlia, dahlia morris " nakipag shake hands din ako sakanya at nagpilit na ngiti. Ngayon pala ay kaarawan nya, parang lahat yata ng mayayaman dito ay imbitado nya.
Halos mapagod ako sa papakilala sakin ni rage sa mga kapwa nya business tycoon. Tahimik lang ako dahil hindi ko masyado maintindihan ang slang nilang mga salita. Sumasagot lang ako kapag natatanong and the rest ay si rage na ang nagpapaliwanag. Alam naman ng lahat na married na si rage ngunit ngayon lang nila ako nakita.
Lumipas ang gabi na pinakilala ako sa lahat bilang asawa niya at bilang dahlia morris.
" anyway mr. Morris, i'd like to invite you to my grand opening of my new exclusive hotel "
" Sure mr. Fournier, and it's my pleasure and congratulations, anyway where is your new hotel ?" Tanong ni rage na ngiting ngiti.
" it's in the philippines " parehas kami natigilan ni rage at agad na napawi ang kanyang ngiti, maging ako ng marinig ang sinabi ng matanda " i'm expecting you to be there... and ofcourse with your lovely wife "
" yeah sure mr. Fournier, we will be there... with my wife " napatingin ako kay rage sa hindi inaasahang sagot nya. Ayaw na ayaw nya na banggitin ko sakanya ito. Dahil wala na daw akong pamilyang babalikan pa sa pinas, Hindi ko akalain na papayag sya o baka sinabi nya lang ito para hindi mapahiya ang isang kagalang galang na tao.
Magmula noon ay tahimik na ako, hindi na nawala sa isip ko ang paguusap nila at pagpayag ni rage. Totoo ba? Totoo bang papayag sya na bumalik sa pinas?. Pero lahat ng tanong ko ay nanatili sa isip ko, hindi ko pinahalata sakanya na nagkaroon ako ng interes sa imbitasyon na yon hanggang sa makauwi ng bahay.
" so what do you think? " tanong nya habang nagbibihis, napatingin ako sakanya habang sya ay nakaharap sa salamin at tinatanggal ang coat. " saan?" Patay malisya kong tanong
" going back to philippines " sandali ako natigilan, pero pinagwalang bahala ko ang sinabi nya, ramdam ko na tinitingnan nya ang magiging reaksyon ko. " nothing... wala naman maniniwala sa akin na ako si mary. So what for? " pagsisinungaling ko, maya maya habang nagbibihis ay naramdaman ko ang pagyakap nya sa akin mula sa likod. Mariin akong pumikit at pinipigilan ang pangingilabot na aking nararamdaman
" gagawin ko ang gusto mo rage, but promise me... bring back my daughter, i will do everything you want " pilit ko pinatatag ang boses ko para hindi nya mahalata na naiiyak na ako. Mula sa aking likod ramdam ko ang pagtango nya sa aking balikat at pag higpit nya lalo ng kanyang yakap. Lihim ako napabuga ng mabigat na hininga, parang may naalis na tinik sa aking lalamunan.
I will do everything for mira,hindi ko alam kung saan sya tinago ni rage, naawa ako sakanya dahil magisa lang sya lumalaki, walang nanay, walang pamilyang kasama. Ayoko pati anak ko ay maranasan ang naranasan ko. Ilang taon na ang lumipas at ilang taon na ang pagtyatyaga ko para lang makasama ang anak ko. At ayoko masayang lahat ng pinaghirapan ko dahil sa kagustuhang makabalik pa sa dating buhay.