Chapter 5
Tanaw ko ang paalis na sasakyan ni rage mula sa aming kwarto. Hindi ko alam kung saan ang tungo nya ngayon, nagmamadali silang umalis kasama ang kaibigan nyang si Rick. Nang mawala na sila sa aking paningin, Muli ako nakaramdam ng kaba at takot, halos manghina ang tuhod ko at agad na napaupo sa kama namin, pakiramdam ko ay nanakit ang ulo ko, muli sumagi sa isip ko ang aming paguusap kanina ni rick
" hi " bungad nya sa akin ng makita nya ako pababa ng hagdan. Hinanap ko si rage sa paligid, sinisigurado kung nga ako ang kinakausap nya. Hindi ko alam kung bakit sya nandito sa bahay. Pekeng ngiti lang aking sagot. Lalampasan ko sana sya ng mapahinto ako ng muli sya magsalita
" what a small world, hindi ko akalain na dito pa tayo muli magkikita " natatawa tawa pa sya sa huling sinabi nya.
" yeah, sa hospital tapos dito sa bahay " malamig kong tugon, napansin ko naman ang pagtaas ng gilid ng labi nya. Para nya akong sinusubukan. Hindi ko alam kung nangaasar o kung ano. Nanatiling poker face lang ang mukha ko. Mabilis syang umiling
" no, not that one " tinaas naman nya ang hintuturo nya at tinuro sa mukha ko na parang dindrawing nya " before that face " natigilan ako sa sinabi nya. Kilala nya ako? Alam nya ang tungkol sa pagkatao ko?. Sabagay kaibigan sya ni rage at isa sya sa tumulong na maging legal ang pagkatao ni dahlia sa akin.
Tinitigan ko ang mukha ng lalaki, nang una ko sya makita ay pamilyar sya sa akin, pero hindi ko matandaan kung saan ko sya nakita, bumalik ako sa ulirat ng magsalita sya " sa bar, nakita kita sa bar na kasama ni liam. At sa mall, hindi ba kayo rin ang magkasama ni liam sa private resort nila? While he's still ingrid's fiancee " para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Napaatras at napakapit ako sa pader dahil bigla ako nang hina.
Unti unti pumuproseso sa utak ko ang sinabi nya kung saan nya ako nakita, kasabay ng paghigit ko ng aking hininga ng maalala ko sya. Sya. Sya ang lalaking kausap ni liam sa mall nang pumunta kami sa resort nila, at sya ang lalaki sa bar na nakabangga ko galing ako sa c.r ng gabing yon, kaya pala pamilyar sya sa akin.
" pero... paano... kaibigan mo si liam, paano mo nagawa---" agad nya pinutol ang sinasabi ko " yes, we're friends... before... before he dump ingrid " ang boses nya ay halatang may lihim na galit, lalong nanikip ang dibdib ko, naalala ko si ingrid, hanggang ngayon hindi pa rin ako tinitigilan ng nakaraan. Naguguluhan akong nakatitig sakanya. Alam nya ang lahat.
" kung tutuusin, nadamay ka lang talaga dito. Kung hindi niloko ni liam si ingrid baka buhay pa siya ngayon at hindi mapapalitan ang maamo mong mukha " mabilis kong tinabig ang kamay nang tangkain nyang hawakan ang mukha ko. Nagsisimula na manlabo ang mata ko dahil sa nagbabadyang luha. Natawa sya sa inasal ko, nilagay nya ang kanyang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon.
" hindi ko alam kung anong meron ang liam na yan kung bakit nagkakandarapa kayo sakanya. Look at you pati ikaw nadamay ang buhay mo " napayukom ako ng kamao.
" wala kang alam... parehas kayo ni--- "
" that's enough " umalingawngaw ang malalim na boses ni rage sa buong sala. Agad ako napatingin sakanya, yumuko naman si rick at pasimpleng ngumisi at lumayo sa akin. " don't you dare say that again rick, im warning you " masamang tinitigan ni rage si rick na puno ng pagbabanta. Tinaas naman ni rick ang kamay na parang sumusuko. Nahimasmasan man ako pero hindi pa rin nawawala ang bigat sa dibdib ko. " are you okay?" Tanong ni rage ng makalapit sa akin. Hindi ko sya sinagot at agad na umalis.
" we have a problem " huli kong narinig na paguusap nila at nagtuloy tuloy na ako sa pag akyat sa kwarto.
Napatingin ako sa bumukas na pinto, si nana luz " okay ka lang ba ma'dam? " sabay abot nya sa akin ng tubig. Nakaramdam ako ng kaginhawaan ng makainom. Tanging tango lang ang naging sagot ko.
" marahil ay na excite ka lang dahil sa wakas ay makakauwi ka na ng pilipinas " isang pilit na ngiti lang ang naisagot ko, hindi ko alam kung masaya ba talaga ako dahil o mas makakadagdag sa kalungkutan ko mukhang wala naman na naman na akong uuwian pa doon
" nana luz, ayaw nyo po ba talaga sumama? Pagkakataon nyo na po para makadalaw sa pamilya mo " pagiiba ko ng usapan, umiiling naman ang matanda, at hinawakan ako sa kamay " hindi na ma'dam salamat na lang po, pero ako ay magisa na lang sa buhay. Tumanda na akong katulong dito sa france kaya masaya ako na kayo ang bago ko amo at kapwa ko pilipino, hindi ko naramdaman ang homesick, marahil ay dito na rin ako mamamatay " hindi ko alam pero naaramdam ako ng awa at kirot sa aking puso sa sinabi niya.
Parehas kami, baka mamatay na lang ako na magisa sa buhay. Wala na ang totoong pamilya. Pilit ako ngumiti at niyakap sya ng maghigpit
Si nana luz ang unang katulong na kinuha ni rage, naging mabubusisi siya sa pagpili marahil ay para wala makakakilala sa akin. Mabuti at isang pilipina ang kanyang pinili, kahit papano ay may nakakausap ako dito sa bahay. Dalaga pa lamang daw sya ng magibang bansa at dito na tumanda.
Tinulungan na lang nya ako magayos ng gamit na dadalhin namin ni rage. " mabuti at pinayagan ka ni senyor na umuwi " natigilan ako saglit " buong akala ko ay banned kayo doon dahil kahit pagbanggit ng pilipinas ay ayaw na ayaw nya ". Nanatili na lang ako tahimik at hindi na kumibo.
Dumating na ang araw ng hinihintay ko, ilang oras kami nasa byahe ni rage pero parang taon ang tinagal namin sa loob ng eroplano. Ang kasabikan ko ay pilit ko tinatago.
Sa pagtapak ng paa ko pakiramdam ko ay nasa ibang mundo ako. Gusto ko umiyak, halikan ang lupa. Pero paano ko magagawa yun kung kasama ko si rage, paano ako magiging masaya kung iba na ang mukha ko, iba na ang pagkatao ko, hindi na ako si mary na asawa ni liam, hindi na ako ang ina ng mga anak ko
Nagpatinuod ako kay rage ng hawakan nyang mabuti ang kamay ko, para bang tatakbo ako palayo at babalik sa tunay kong pamilya, paano ko magagawa ang bagay na iyon? Kung hawak nya si mira?, ramdam ko ang seguridad ni rage, sa hawak pa lang nya kulang na lang posas para hindi ako lumayo " relax rage, hindi ako tatakbo, nasasaktan na ako " sabay angat ko sa kamay na mahigpit nyang kapit .
Sa isang five star hotel muna kami tumuloy, sagot ni Mr. Fourtnier ang accomodation ng kanyang mga guest. Nagpahinga muna ako dala ng jet lag. Si rage ay dumiretsyo na sa kapwa nya bisita. Mamayang gabi pa naman ang event. Dahil naboring ako ay napagpasyahan ko muna mag gala sa labas. Suot ang trench woolen coat ay naglakad lakad at nagmasid ako sa paligid. Malamig at halos puro gawa sa mamahalin ang mga makikita mo at gawa sa ginto ang mga disenyo nito.
Kahit noon na mag asawa na kami ni liam takot ako na maghotel lalo na sa ibang bansa. Pakiramdam ko ay mababasag ko ang mga gamit nila at makukulong ako dahil sa mahal ng gamit na nabasag ko.
Napukaw ang atensyon ko ng may nagkagulo sa di kalayuan sa pwesto ko. Nasanggi ang isang guest habang ito nagkakape sa isang gilid. Panay sorry ang waiter. Inaantay ko na pagalitan ng guest yung waiter kasi pag nangyari yon, hindi ako magdadalawang isip na ipagtatanggol ang pobreng waiter. Ayoko sa lahat manghahamak ng tao. Tulad ng natutunan ko kay krys.
Matangkad ito at may kakisigan ng tumayo, nagsi lapitan din ang sa tingin ko ay manager. Napatingin ako sa lalaki may kinuha ito mula sakanyang bulsa at pinunas sa nabasa nyang suot. Mukhang wala naman magaganap kaya naisipan ko na muling maglakad lakad.
Sa pagalis nila ay napansin ko ang naiwang bagay sa lamesa, tiningnan ko ang paligid wala ng tao, hindi ko alam pero may nagtutulak sa akin na kunin ko iyon, siguro para ay ibigay sa lalaking magmamay ari non.
Napatingin ako kung saan nagtungo ang lalaki, medyo natatanaw ko pa naman sila, kung tatakbo ako papunta doon, mahahabol ko panigurado yun. Kaya wala sa sarili nilapitan ang lamesa, naiwan nya ang isang panyong puti, agad ko kinuha ito upang ihabol sa lalaki.
Napatingin ako sa hawak, isang pamilyar na bagay. Bigla ako kinutuban, biglang nanginig ang kamay at bumilis ang t***k ng puso, dahandahan binuklat ang panyo. Agad nangilid ang luha ko, sigurado ako sakanya ito, ako ang nagburda ng pangalan nya sa panyo, napaangat ako ng tingin kung saang direksyon patungo ang lalaki.
Mula sa lakad, pabilis ng pabilis ang hakbang ko. Kay liam. Kay liam amg panyong ito. Nandito sya. Ang lahat ng ito ay paulit ulit tumatakbo sa isip ko. Nagpalinga linga ako sa daan, sakaling mahanap sya.
Mula sa di kalayuan natanaw ko sya, naglalakad sya sa isang pasilyo. Nangingilid ang luha at labis akong natuwa. Saktong paglakad kong muli nang biglang may humigit sa braso ko. Si rage, madilim ang titig sakin, ang saya ay napalitan ng kaba, Tiningnan nya ang nasa likuran ko, napansin nya siguro na papunta ako sa direksyon na iyon. kaya pasimple ko hinarang ang sarili pilit ako ngumiti " saan ka pupunta? Kanina pa kita hinahanap " tanong nya. Napalunok ako at inayos ang sarili
" h-hinahanap kasi kita, akala ko ikaw yung naglalakad, ma-mabuti nahanap mo ako " hindi ko mapigilan na hindi mautal, pasimple ko tinago sa likod ko ang hawak na panyo at hinawakan ito ng mahigpit " let's go" agad nya ako hinila at bumalik na sa kwarto, muli ako lumingon sa likod at tinanaw ang lalaking nagmamay ari ng panyo.
Lutang ang isip ko habang nagaayos ng sarili, nakaharap sa tapat ng salamin, tulala habang sinusuklay ang buhok, napahawak ako sa aking mukha. Malayong malayo sa dati kong itsura, sino kaya ang nagmamayari talaga ng itsurang ito, saan ito nakuha ni rage. Maganda rin sya medyo may kanipisan ang kilay hindi tulad noon na kilay at mata ko kaagad ang mapapansin mo, matangos ang ilong at manipis na labi. Ang mukha ko ay mukhang handa makipag away at mukhang mataray.
Natigilan ako at bumalik sa ulirat ng muling maalala ang kaganapan kanina, paano kung sya nga iyon, paano kung si liam nga ang kaninang lalaki na halos ilang hakbang lang ang layo sa akin. kinuha ko mula drawer ang panyo, pinagkatitigan ko ito at hinaplos ang burdadong pangalan nya rito, hindi ako pwede magkamali ako ang gumawa nito para sakanya, lihim ako napangiti dahil hindi nya parin ako nakakalimutan, ginagamit at pinapahalagahan nya pa rin ang mga bagay na gawa ko para sakanya. Bakit nandito rin sya ? May ka date ba sya? Kasama nya ba ang anak namin?
Natigilan ako mula sa sa malalim na pagiisip ng lumabas ng banyo si rage, mabilis ko na binalik sa drawer ang panyo at umakto na inaayos ang sarili. Ilag minuto kami nagayos at handa na para sa gaganaping grand opening ni Mr. Fourtnier.
Tumigil kami sa isang twin tower hotel. Sa labas pa lang ay buhay na buhay na ang event. Paglabas namin ng sasakyan ay agad ko inangkla ang kamay sa bisig ni rage papasok sa loob. Marami na rin ang naroon, katulad ng birthday ni mr. Fourtnier ay puno din ng kagalang galang ang mga bisita. May ilan ilan na kilalang personalidad, may artista, mga politician at mga kilala pa sa industriya. Meron din nakakakila kay rage na kapwa nya business man.
Habang busy makipag usap si rage ay nagsimula na ang event. Unang pinakilala si si mr. Fourtnier bilang pioneer at host ng event. Pagkatapos mag speech ay pinakilala na ang ka kapartnership nya sa hotel. Sa pagbanggit pa lang ng pangalan ay para akong nabingi, hanggang sa umakyat na sya sa entablado, nanlamig ako at napako sa pagkakatayo ng makilala kung sino ito. Alam ko magagalit si rage kung makikita nya man ang pagkabigla ko o kung ano man ang nagiging reaksyon ko ngayon. Pero wala na kong pake alam.
Nananakit na ang lalamunan ko at nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luhang namumuo sa mata ko. Gusto ko umiyak, tumakbo sakanya ngunit parang kay layo nya para hindi ko magawa iyon, nasa stage sya habang ngiting ngiti sa lahat. Sa paglibot ng mata nya ay napako ang mata nya sa akin, ang kaba ng dibdib ko ay hindi ko na mapigilan. Agad nawala ang ngiti ko ng lagpasan nya ako ng tingin, bakit bako umaasa na makikilala nya ako. Hindi na nga pala ako si mary ngayon.
" g-gusto ko na umuwi " sambit ko kay rage. Hindi na sya sumagot at naglakad na kami, ngunit bago pa kami maka layo ay tinawag sya ni Mr. Fourtnier. Kitang kita sa mukha ni rage ang pilit na pa paglingon dito. Alam ko gusto na rin nya umalis dahil hindi namin inaasahan na nandito din si liam.
" i've been looking for you mr. Morris, i want you to meet my partner. Mr. Liam Sebastian, the owner of sebastian's Corp. " pakilala nya rito. Ang mata ko ay nanatiling nakatitig lang kay liam. Parang awtomatiko pumokus lang sakanya ang mga titig ko. Nawalan na ako ng pake sa iba.
" i know him mr. Fourtnier " kumpyansang sagot ni rage dito at nakipag shake hands, kitang kita ang pag igting ng panga ni liam dito na parang kahit walang gawin ay asar na asar na sya kay rage. " anyway i want you to meet my wife, dahlia morris " napatingin ako kay rage na ngiting ngiti habang nakahawak sa bewang ko. Sabay balik ko ng tingin kay liam. Napalunok ako ng makitang nakatitig ito sa akin, nilahad nito ang kanyang kamay at ilang segundo ko ito tinitigan.
Para akong tanga na nakatitig dito, para akong mahihimatay dahil sa nararamdaman ko, ang kaba ko ay palala ng palala, dahan dahan ko inangat ang kamay ko. Hanggang sa magdikit ang palad namin. Laking gulat ko ng bigla nya itong bitawan, mabilis at pabalang " nice to meet you too, enjoy the night " pinagmasdan ko ang likod nya habang paalis sa harap namin.