Chapter 34 Mabilis kong pinunasan ang mga tagaktak kong pawis mula sa aking noo, habang binabaybay ko ang kahabaan ng kalye upang maghanap ng pansamantalang matitirhan. Tangan-tangan ko ang nag-iisa kong dalang malaking sling bag kung saan nakalagay ang mga importante at mahahalaga kong gamit. Huminto ako sa isang bahay kung saan may nakasulat na space for rent. " Magandang tanghali po ale, may bakante pa po ba kayong kwarto? " aniko sa babaeng lumabas ng gate at mabilis naman itong umiling. " Naku iha, may naka kuha na kahapon pa. Heto nga't tatanggalin ko na ang karatula " pilit ako ngumiti at umalis na lang, muling naglakad at naghanap. Hindi ko alam kung ilang oras na ako sa kalsada at hindi ko alam kung saan padako. Mula kanina pang umaga ay lutang ang isip ko, wala akong dir

