Chapter 15 " Ma'am Dahlia? " bumalik ako sa realidad mula sa malalim na pagiisip nang ilang ulit ako tawagin ni Mother Amelia, pinakiramdaman ko ang sarili kung nasa wisyo na ba ako. " ha? A- ano po ulit yun Mother Amelia? " ulit kong tanong. Nandito ako ngayon sa kanyang opisina, wala naman kaming klase ngayon ng mga bata, freetime nila at restday ko. Hindi sana ako pupunta ngayon dito ngunit nakareceive ako ng tawag kay sister sylvia at may paguusapan daw kaming mahalaga. Pero katulad kanina ilang oras na ako sa meeting namin ay lutang ang isip ko. Pinagusapan namin ang nalalapit na anibersaryo ng simbahan, napagplanuhan nang lahat na isa ako sa mga magtuturo sa mga bata kung ano dapat nilang gawing presentasyon. Hindi ako nagdalawang isip na pumayag, isa itong karangalan na makatulo

