Chapter 16 " I heard what happened yesterday " si rage habang patuloy sa pagdrive. Papunta kami ngayon sa bahay ampunan. Pilit ko pinapatatag ang sarili na parang hindi apektado sa gulong nangyari kahapon. " It's just a mis understanding Rage---" laking gulat ko ng bigla nyang ihinto sa gilid ng kalsada ang sasakyan. Halos mamuti na ang kanyang kamay sa sobrang higpit nang pagkakapit nya sa manibela. Sabay baling ng tingin nya sa akin. " Siguraduhin mo lang Dahlia. I'm warning you don't you dare to tell him the truth. Kung ayaw mong malagasan nang isa ang mga anak mo " napalunok ako kahit nanunuyot na ang lalamunan ko. Dagdag pa ang mga titig nyang matalim. Sa tono ng pananalita nya alam ko hindi sya magdadalawang isip na gawin ang pumatay. Lutang ang isip ko nang makababa ng sasakyan.

