Chapter 41 " Hayop ka Rick, tinuring kitang kaibigan pero tinraydor mo ako! " sigaw ni Liam dito nang makita nya, pilit ko sya pinapakalma pero ramdam ko ang galit sa bawat pag akyat baba ng dibdib nya, napapayukom na rin ang kamao nya. Pumasok pa si Rick sa loob ng kwarto pero hindi nagpatinag si Liam, nanatili lang ito sakanyang pwesto at nakipagtitigan pa rito. " Tinraydor? Ikaw ang ahas Liam! Unang naging akin si Ingrid, alam mo namang bata pa lang tayo may gusto na ako sakanya pero anong ginawa mo? Para lang mapamana sayo ang kumpanya nyo at hindi mapahiya sa magulang mo niligawan mo siya. Hindi mo man lang inisip ang mararamdaman ko! Makasarili ka Liam! Nag ibang bansa ako para may mapatunayan sakanya pero pagbalik ko nalaman ko na kayo na? Ikaw ang traydor! " Halos mapapikit a

