Chapter 40 Napaupo ako sa lupa kasabay ng sunod-sunod na pagbagsak ng luha at natulala. Ayokong isipin, hindi ko kayang isipin na baka may nangyari kay Rage. Ayoko na mawalan. Ayoko na mamatayan. Hindi ko alam kung ilang minuto na ako sa aking kinauupuan nang makarinig ako ng kaluskos at papalapit na boses. Mga yabag ng mga paa mula sa natatapakang natuyot na dahon. Pilit ako tumayo at nagsimula maglakad. Nanunuyot na ang labi at lalamunan ko, halos kapusin na rin ako ng hininga dala ng kaba at pagod. Pag sandal sa puno at pag kuha ng suporta sa tuhod ang aking pahinga. Nanghihina na ako at nabibigatan sa hawak ko. Gusto ko na ito bitawan dahil baka makasakit ako ng ibang tao pero ito ang pang depensa ko para sa hindi ko kilalang humahabol sakin. " Boss nandito sya " isang boses ng lal

