Chapter 39 " Hmmmppp!!! Rage ano ba!! " aniko habang pilit na nilalayo ang aking mukha mula sa pwersahang paghalik sa akin ni Rage. Nang magkaroon ng pagkakataon ay malakas ko syang tinulak at sabay isang malakas na sampal ang aking binigay. Habol hininga ako habang pinagkatitigan ko sya nang masama, lihim akong kinabahan dahil sa pag ngisi lang ang kanyang ginawa habang nakahawak sa gilid ng kanyang panga, pinasadahan nya rin ng kanyang dila ang dugo na nasa kanyang labi. Parang wala lang sakanya ang ginawa ko. " Hindi ko alam kung bakit ganito mo ako itrato samantalang asawa mo naman ako " malamig nyang sambit sabay tingin nya sa akin ng ipailalim. Kinakabahan man pero pilit ko ito hindi pinapahalata. Mas pinatatag ko pa ang aking sarili. " Hindi ikaw ang nag mamay ari sa akin Rage. B

