Chapter 20 Liam's P.O.V " Chairman, your next meeting is Dr. Ferrer at 2 pm, next is Mr. Levigne at 4pm " bungad sa akin ng executive director ng makarating ako sa aking kumpanya dito sa Hongkong. Pagkalapag ko agad dito ay trabaho agad ang inatupag ko. Ayoko magsayang ng oras at gusto ko na matapos ang lahat ng dapat kong tapusin dito. Paalis pa lang ng bahay ay parang ayoko na tumuloy. Iniisip ko pa lang na mapalayo sa mga anak ko ay nalulungkot na agad ako, lalo na ang mapalayo sa aking asawa. Pilit ko lang hindi pinapahalata na kung hindi lang importante ang pagpunta ko dito at kung pipilitin nya ako marahil wala ako dito. Ganun ang epekto nya sa akin, sa lambing at pagpapacute nya pa lang ay bumibigay na ako, paano pa kaya pag naghubad sya sa harap ko? Baka nasundan na agad ang ka

