Chapter 32 Paglabas pa lang ng sasakyan sa gate ay nakapalibot na ang mga security ni Liam, meron ilan sa harap at meron sa likod, parang presidente ang dadaan sa sobrang daming convoy ang nakasunod sa amin. I know it's for our own safety, pero ganun ba talaga ka grabe? Parang mga terorista ang aming kalaban na anumang oras ay sasakalay sa amin. " May dadaanan muna tayo bago tayo makipagkita sa investigator about Mira " sabay baling nang tingin nya sa akin, pilit na ngiti lang ang naisagot ko sakanya, naghalo-halo na ang aking pakiramdam dahil sa nangyayari. Matagal tagal na rin kasi ako hindi nakalabas tapos ganito pa ang sasalubong sa akin, hindi mawala ang nerbyos ko dahil pakiramdam ko sa kabila ng seguridad na nakapalibot parang nakamasid sa akin si Rage saan man ako magtungo. Pero

