NEW YEAR, NEW RESOLUTION AND NEW LIFE

1372 Words
CHAPTER 7 ------- Commercial: Especial mention to Gilbert John =) Enjoy your reading. Sana magustuhan nyo po. pafollow and comment naman po sa story ko. ------- IC's POV Time check: 6:20AM pero 8AM pa ang pasok namin .. Here at office ang aga ko today! January 5,20** na kasi kaya eto bagong buhay at iwanan ang mga pangit na pangyayari sa nakaraan .. Binuksan ko na ang mga ilaw at aircon para naman pag dating nila okay na. Pero dahil maaga pa at wala pa naman sila nagbukas muna ako ng f*******: ko .. Matagal tagal na din na hindi ako nagbubukas. Click .. Click .. Click .. Click .. Wala namang bago, Pero teka .. May paparating. Sino kaya at ang aga nya. Kaya nilog-out ko agad ang f*******: ko at nagbukas ng ibang file .. Bumukas ang slide door at oaw ! "Uy Goodmorning Ic, nandito kana pala. Ang aga mo ah. "Ay! Goodmorning din! Ang aga mo yata? "Wala eh .. Kailangan. Bakit ayaw mo? "Hindi. Maganda nga yan eh." "Nagbreakfast kana ba? "Hmm... Oo eh. Bakit ikaw? "Hindi pa nga eh. Tara kain tayo. Treat ko ^.^ Kahit busog ako sinamahan ko nalang sya sa 7 eleven,bumili lang kami ng cup noodles yung beef. Tapos yun konting kwentuhan then bumalik na kami ng office dahil takas lang kami. (Mga Pasaway!) Office time -- Pansin ko lang kanina pa tingin ng tingin si clarrence sakin at kay nina. Pag naaalala ko ang ginawa nya kay Nina! Naku gusto ko syang lamunin ng kamao ko. "IC ... Tawag sakin ni Ms. Jo "Yes Ms.Jo? Lumapit ako sa kanya. "Aaah pwede bang mag canvas ka ng iphone para sa promo natin sa shirt bar today. "Ay sige po. "Tapos yung sa photoshoot naayos nyo na ba ni marika,richard at adhonis para mailaunch nyo narin yung bago nating product? "Ah gagawin palang po namin sana ... Ngayon? "Naku! Dalian. Anyway yung sa iphone iuutos ko nalang kay nina at clarrence .. "HUH!! Sabi ni nina na gulat na gulat. Kaya halos lahat napatingin sa kanya liban sakin at kay clarrence. "Bakit Nina? There's something wrong? "Sorry po Ms.Jo naipit lang yung paa ko. Pagpapalusot nya. "Ah okay akala ko kung ano na. Anyway kayong dalawa nalang ni clarrence ang mag canvas ng iphone okay? "Yes Ms. Jo- sagot agad ni clarrence "Okay! You may go now.. Go! Go! Take care both of you. At yun na nga umalis na silang dalawa at kaming apat dumiretcho na kami sa photoshoot ..! "Hay nako IC, si Ms. Jo talaga eh noh lagi nalang tayo ginagahol. Dapat kasi before palang sinabi nya na eh" -Marika "Psss. Marinig ka dyan. Minimize your voice"- Adhonis "Sorry na" sabay taas nya ng dalawang kamay na akala mo'y susuko sa mga pulis. "Maiba nga tayo' si IC parang may Iba sa kanya noh?- Richard Tinignan nila akong tatlo mula ulo hanggang paa.. Ganito oh. ʕ•ﻌ•ʔ Marika (。・ω・。) Richard (≧∇≦) Adhonis "Hala oo nga noh!- sabay sabay na sabi nila. "Anong meron? Ngayon ko lang napansin".-Adhonis "Ay alam ko na!!"-Marika "Ay parang alam ko na din!"-Richard "Hay nako marika! Oo na tama kana. Para sa kanya lahat to. Nag gygym ako every saturday and sunday." "See? Ang lakas talaga ng pang amoy ko! Galing ko talaga. Sabay kumpas sa hangin.. "Kaso tol. Mukang mauunahan ka ni Clarrence."Biglang sabi ni Adhonis Napatingin kaming tatlo sa kanya. "Anong ibig mong sabihin? "Feeling ko ngayon gumagawa na yun ng paraan .. Nakakakwentuhan ko kasi sya minsan, di daw nya talaga makalimutan si nina kahit mag iisang buwan na silang break. Gagawa daw talaga sya ng paraan. Kaya kung ako sayo unahan muna ... "Anong gagawin ko? Eh parang di nya nga ako type. "Wala namang masama kung itatry mo diba? Masaktan ka man nandito parin kaming mga kaibigan mo. "Wooo Group hug!!! At nagyakapan nga kaming apat. Basta mamaya after work... Gagawin ko na. Nakwento ko na rin sa kanila ang about kay Nina at Clarrence at katulad ng reaksyon ko. Nagulat din sila., At dumaan nga ang mga araw nagkwento na rin Clarence sa mga kaworkmate ko at nag pretend na hindi pa rin nila alam para hindi maging obvious. -- Clarrence POV Lahat naman nang tao nagkakamali,walang perpekto .. Pero kung kaya namang itama bakit hindi diba? Pababa na kami ng bus ni Nina ng may dumaan na jeep at muntik na syang mahagip kaya hinila ko sya papalapit sakin at nagtama ang mga mata namin ... Play song: Muling ibalik Muling ibalik ang tamis ng pag ibig .. Sayang naman ang ating nakaraan .. Agad din syang bumitaw sakin at iniwas ang tingin. Nagpauna sya sa paglakad na akala mo'y walang kasama ... "Nina! wait for me! "Dalian mo kasi,where not dating here okay. Ambagal bagal mo!"-pagtataray nya. "okay! okay! Sorry. Wag ka ng magalit.-pang aamo ko sa kanya Nang makapasok kami ng robinson nakapag canvas agad kami, more than 10 store ang napagtanungan namin,bale sya ang taga tanong at ako ang taga sulat. "Hay salamat we're done! Tara kain muna tayo" ? Sumunod nalang sya sakin at mukang gutom narin sya. Sa McDo kami kumain asual yung favorite nya ang inorder ko. "Thanks ... Tipid nyang sabi "Nina .. "what" ? "Alam mo bang ... mahal parin kita hanggang ngayon .. Play song: Hanggang ngayon Hanggang ngayon ... hanggang ngayon .... Ikaw parin ang iniibig ko ooh .. Ooh.. Ikaw parin ang natatanging pangarap ko ooh .. Ikaw lamang .... HANGGANG NGAYON ... (pause song) Tinignan nya ako mata sa mata .. "Clarrence ... May mahal na akong iba .. Mag move on kana pwede" ? Nagulat ako sa sinabi nya dahil alam ko namang hindi nya magagawa yun dahil nararamdaman kong mahal nya ako .. "H-huh? Are you serious nina" ? "Bakit? Seryoso ako .. Kailan ba ako nanloko at nagsinungaling" ? Pagmamataray nya sakin. "Haha! Alam ko nagsisinungaling ka.. Alam ko sinasabi mo lang yan para gantihan ako tama? "Bakit naman kita gagantihan? Eh wala naman akong mapapala kung gagawin ko yun diba? At isa pa mas mabait sya kaysa sayo ... At higit sa lahat wala sa bokubolaryo nya ang salitang "MANLOLOKO! Mataray na tugon nya sakin. "Ow nina! Di mo ako maloloko,nararamdaman ko .. You're lying!! Mahinang sabi ko sa kanya na may halong panggigigil. "Hindi naman kita pinipilit kung maniwala ka o hindi eh. Bahala ka sa buhay mo!!" Medyo lumakas ang boses nya kaya napatingin samin ang ibang tao at sabay walk out nya kaya tumayo narin ako at hinabol sya. Parang teleserye ang nangyayari samin dahil hinahabol ko sya para mapigilan. Pero ang bilis nya kaya mga pasadong alasais na ng gabi ng makarating kami. Oo nagsabay kami.. Pero walang imikan... At ako narin ang nagreport kay Ms. Jo at nagpaliwanag kung bakit kami natagalan dahil nang makarating kami kakatapos lang din ng apat sa pagphotoshoot nila. Pero hindi parin mawala sa isip ko kung sino ang tinutukoy nya at kung totoo ba talaga .. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman ang totoo ... - - - IC's POV Sobrang nakakapagod ang araw na to. Sayang lang at hindi ko man lang nakasama ng matagal si Nina. Ano kayang nangyari sa kanila kanina ni clarrence? Baka nagkamabutihan na sila hayst! Baka maitchupwera nako! Hayst sana ako nalang ang pinasama ni Ms. Jo eh. Sayang lang. Anyway nandito ako ngayon sa Edsa, bumili ako ng konting makakain ko para habang nasa biyahe ako ay hindi ako magutom.. Heto na nga't dumating na ang hinihintay kong bus at makikipag siksikan nanaman ako sa maraming tao. Buti nalang at kaunti ang pasahero at kaunti lang din ang mga nakatayo kaya sa pinakadulo ako naupo dahil yun nalang ang bakante na ayaw upuan ng iba dahil maalog siguro. "Excuse me, pasintabi ko para makarating sa bakanteng upuan. "Ano ba yan! dahan-dahan naman! "Sorry teh" Nasabi ko nalang. Hay sakto medyo maluwag luwag yung uupuan ko at tutal mahaba haba pa naman ang biyahe ko at pwede akong umiglip... Syempre inubos ko muna yung pagkain ko at tsaka tsumempo ako ng tamang pwesto habang yakap yakap ang bag ko. -- Pafollow naman po mga ka readers.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD