CHAPTER 6
Sabado ngayon ...
Nandito ako sa bahay .. Gusto kong gawing Busy ang araw ko pero di ko alam kung paano. Kaya eto humilata muna ako't nagmuni-muni. Hayst!
Syempre si nina lang naman ang gumugulo sa isip ko at nagpapahirap.. Ewan ko ba sa kanya kung anong meron sya at gusto ko talaga sya .. Ipipikit ko na sana ang mata ko ng tumunog ang cellphone ko ...
Bzzzzzz .. Bzzzzzz .. Bzzzzzz ..
Vibrate yan ng Cellphone ko.
Sms from: Unknown Number
December 23,20**
Napatingin ako sa kinalalagyan ng cellphone ko ng biglang tumunog ito at makitang may nagtext sa akin na unknown number lang.
Sino kaya itong nagtext? First time ah. Ah baka about sa office.Kaya in-open ko na din agad yung message
Message from Unknown Number:
- Hi?
Tss! Sino kaya to? Bakit kaya... Ah baka wrong sent lang .. Replayan ko na nga din.
Message from me:
-Hello who's this please?. Wrong sent ka yata?
Message from U.N:
-Hindi ah =)
Message from me:
-Okay. Sorry di ako pala entertain ng mga text.
Message from U.N:
-Haha. Oo nga Po. Ikaw talaga tinext ko.
Message from U.N:
-Sorry! Nina Here! Pagpapakilala nya kaya agad ako napabalikwas sa higaan ko.
Message from me:
-Nina office?
Message from U.N:
- Yup! :)
Message from me:
-Haha. Okay? Bakit pala? May kailangan ka? at pinalitan ko agad ng LKS. Nina ang Unknown number na ang ibig sabihin ay Love Ko Si Nina :)
Message from LKS. Nina:
-Grabe ka naman IC!, Kailangan agad? Diba pwdeng may tatanong lang?
Message from me:
-Ay sorry di naman sa ganun. Ano ba tatanong mo :)
Message from LKS. Nina:
- Hmm, kakapalan ko na mukha ko. Free ka ba today?
Message from me:
-Lagi naman akong free. "Basta ikaw" text ko sa kanya na kinikilig pa.
1 minute .
2 minutes ..
3 minutes ...
4 minutes ....
5 minutes .....
Message from LKS. Nina:
-Ay SLR! Basta ako? Hehe palabiro ka din eh noh? Pero that's good. Pwede ba tayong kumain sa labas ngayon na?
Message from me:
SURE! =) Excited kong reply.
Syempre nagmadali ako tutal nakaligo na din naman ako then biglang nag alarm ang cellphone ko. Pagtingin ko.. Hala! Birthday nya pala ngayon! At wala akong regalo. Hindi naman pwede ang puso ko dahil BH pa sya. Haha wala naman akong hilig kumain ng mais pero parang ang Corny ko na noh? (・'з'・)
Magkikita lang kami sa SM Megamall at eto at papasok nako sa entrance at sa di kalayuan nakita ko agad sya at parang tumigil ang paligid ko ... Dahil ang ganda nya talaga! Lalo akong naiinlove .. Lalo na sa pananamit nya .. Naka spagetti kasi sya at naka short ng maiksi na parang sira-sira ang ilalim (kumbaga design) at samahan pa nang buhok nyang pinakulot na hanggang balikat na bumagay sa mukha nyang bilugan at mga matang mapupungay,sabagay matangos naman ang ilong nya at ang lips nya na parang ang sarap halikan na kulay light pink. Napakasimple ng mukha nya... Ano ba tong babae na to! Inaakit nya ba ako? Parang nakakahiya syang dikitan dahil napaka simple ko lang .. Naka T-shirt na white at nakamaong na black with two pockets at tinernuhan ko ng rubber shoes. At ..
At ... Bumagay naman sakin dahil gwapo ako :D
Natauhan lang ako ng inalog nya ng mahina ang balikat ko, ni hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala sya.
"Okay ka lang?- Nina
"A-a-ah .. Ang ganda mo!
"huh?
"A-ah wala,wala tara na? pagyayaya ko..
"Ngumiti sya "tara" ...
Papunta kami ngayon sa bacolod inasal resto. Dito sa SM .. At ilang minuto lang nandito na kami't nag order ng makakain naming dalawa.
"Hmm..Nina?
"Oh? Sabay tingin nya sakin?
"Happy birthday ah! Pa-pasenya kana wala akong regalo ..
"OMG! Paano mo nalaman na my Day ko ngayon? Pagtataka nyang tanong na mabilis ko naman nasagot.
"Ah nakita ko sa Birthday chart natin sa office! T-tama ganon nga.
Ah okay? Tss! Ano kaba! Dina uso yun. Sapat na sakin na may nakaalala sa birthday ko noh.
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya "what do you mean?" pagtatanong ko.
"Sus. Wala! Wag muna ko pansinin.
Salamat nga pala kagabi ah ...
"Ah yun ba? Wala yun. Kamusta na pala kayo?
Natahimik sya ng ilang minuto bago nakapag salita .. "Ayun .. Binreak ko na sya .. Ni hindi nya nga ako pinigilan ... Ewan ko ba ..
"Eh siraulo naman pala yun si clarrence eh! Biruin mo nagawa nya sayo yun?
"Kaya nga eh!
"Ano namang rason nya at nagawa nya daw yun?
"Dahil sa ..... Kalasingan daw? Pero ... Alam mo IC mahal ko kasi sya eh at ang sakit sakit lang ng ginawa nya sa akin."
Medyo napansin ko parang naluluha luha sya. Syempre masakit talaga sa part ng babae yun at Pangalawang beses ko syang nakitang umiyak ng ganito. Ibinigay ko sa kanya ang panyo ko at kinuha naman nya at agad-agad pinunasan ang luha nya.
"Pasensya kana ah .. Nagiging emotional na tuloy ako sayo. Sabay ngiti nya.
"okay lang yun. Bakit kasi sinagot mo pa yun? Ano bang nakita mo dun?
"Ah.. Wala .. Nadaan lang kasi sa tukso-tukso, asaran kaya ayon ako etong si gaga nahulog agad ang loob .. Ganun pala talaga .. kung ano yung mga ideal man mo hindi rin natutupad kasi pag pinana ka talaga ni kupido wala rin. sabay tawa nya at sabing "ang Corny kona ba hehe?
"Naku hindi ah! Mukang magkakasundo nga tayo eh haha.
"Ganun? By the way bakit ikaw wala ka pa bang nililigawan?
Parang mabubulunan ako sa kinain ko dahil sa tanong nya .. Syempre ngumiti muna ako na parang aso. Like this oh ฅ'ω'ฅ
" Actually .. nililigawan? Wala pa eh.... Pero... ma... may nagu...nagugustuhan ako... Kaso wala akong lakas ng loob kasi hindi naman ako macho. Gwapo lang ako at matangkad .. Pagyayabang ko para hindi sya makahalata ..
"Ahahahahaha! Ano kaba! (sabay tapik nya sa balikat ko) wala naman sa itsura yan eh. Nasa ugali yan ..."
Bigla akong nabuhayan sa sinabi nya it does it mean hindi sya tumitingin sa panlabas? Yown! Ibig sabihin may pag asa ako ... Yes!
"Ta-talaga?
"Oo naman .. Bakit ba? Sino ba kasing nagugustuhan mo? ...
Aamin na ba ako? Sabagay Chance ko na to at sya pa ang nagtanong .. Hayst kinakabahan ako shet!!
"Ah ... Eh ... Bumuntong hininga muna ako .. I-i-i-IKAW!
HALA! Nasabi ko din sa wakas pero ano kayang sagot nya .. Kinakabahan ako sa sasabihin nya ...
Tumawa sya ng malakas at napatingin ang katabi namin.
"oops sorry! (sabay baling nya ng tingin sakin) "Alam mo ikaw .. Joker karin eh noh? Pero thanks. Napapatawa mo ako IC ..
Sabay hawak nya sa kamay ko na lamig na lamig.
"H-huh? Ah .. Oo .. Tama nagjo-joke lang ako ... Pasensya kana, ayaw kasi kitang nakikitang malungkot eh ...
"Alam mo ... Ang swerte ng magiging Girlfriend mo .. Kasi sweet ka... Wala naman yan sa panlabas eh. Magtiwala ka lang .. Malay mo magustuhan karin ng taong nagugustuhan mo .. Baka kikilalanin ka pa nya. "Kumain na nga tayo".
"Sige ..
Nina's POV
Grabe sa totoo lang medyo na flattered ako ng sabihin nyang "AKO ang nagugustuhan nya .. Kaya dinaan ko nalang sa biro kahit halata naman sa mukha nya na sincere sya sa pinagtapat nya. Hayst wrong timing naman pero para kasing .... Hayst basta!
Hinatid nya ako hanggang labas lang ng bahay namin. Pinapapasok ko sya pero ayaw nya next time nalang daw.. Di kaya nahihiya lang dahil sa nangyari kanina? Hayst bahala na nga. Papasok nako sa gate at nagpaalam na kay IC nang lumapit sakin ang kapatid ko.
"Ate ... Si kuya clarrence nandyan. Kanina ka pa hinihintay ..
"Ha? Anong ginagawa nya dito?
"Aba ewan ko .. Sige na mag usap na kayo. Tamang tama wala si mommy at daddy may pinuntahan. Aakyat lang ako sa taas ah.
"Sige.
Hayst anong ginagawa ng mokong nato sa bahay. Alam ko tapos na kami at wala ng dapat pag usapan pa .. Pinuntahan ko sya sa guess room at nang makita nya ako ay napatayo sya.
"Babe .. Tawag nya sakin pero sinampal ko sya.
"what are you doing here? Ang kapal din ng mukha mo eh noh! Pagalit kong sabi.
"Babe .. I want to apologize. I'm so sorry .. Sabay yakap nya sakin.
"Can you please don't call me babe! Medyo mataas na ang boses ko at tinanggal ko ang pagkakayakap nya.
"Clarrence! Wala na tayo! You break my heart!! You hurt me!! Umiiyak nako!
"Nina .. i love you! It's all a big mistake! I'm so sorry ... Pag mamakaawa nya.
"Huh! How could you say you love me clarrence? (with husky voice) pagkatapos ng lahat? Tinimer mo pa ako? Tapos ano pag binalikan kita, uulitin mo ulit? No clarrence!! Hindi na mangyayari yun!! There will never .. Never be again!! Just leave me alone!
Out!! Sigaw ko na umalingawngaw sa buong kabahayan namin.
"Nina .. Babe .. Forgive me please". Lumuhod sya sa harap ko pero binalewala ko yun ..
" I said OUT!!! Sigaw ko ulit kaya malamang narinig ng kapatid ko yun.
Tumayo na sya at umalis .. At ako eto napaupo nalang at diko alam kung tama ba ang ginawa ko...
"Ate? Are you okay? tanong nya ng makalapit agad sa akin gawa na rin siguro ng pagtaas ng Boses ko.
Niyakap ko nalang ang kapatid ko at umiyak sa kanya.
"Ate.. Don't cry please. Marami pa namang iba dyan eh". At hinimas himas nya ang likod ko na sinasabing kumalma kana ate ...
To be continued ...