CHAPTER 5
Almost Half a months na rin nung unang nag "Hi" sakin si Nina. Medyo matagal tagal narin noh? Ganon din katagal yung nararamdaman ko sa kanya ... Hindi ko alam kung paano at saan nagsimula.. Basta ang alam ko lang sa sarili ko gusto ko syang makita araw araw., Ito na ba ang tinatawag na Love? tapos na ba ang part ko na tagahanga lang? Ito na ba yung time para sumaya ako sa lovelife ko? Hayst ang hirap palang mainlove! wala lang akong masabi kasi wala talaga akong lakas ng loob,pero ngayon take it or leave it ....
aamin na talaga ako sa kanya.
--
Month of February ** Araw ng mga Pusong Sawi este ng mga nagmamahalan pala.
Nagkaroon ng Pa-Program sa office at required lahat magsuot ng Barong at Tuxedo dahil may pakulo daw si President para sa Darating na opening ng "The Bars" at para mapost din sa social media for Advertisement.
Syempre may Photoshoot with partners daw para maganda sa shoot. Eh Ako nalang yung walang partner.
Sakto biglang dumating si Nina, sya ang naging parner ko para makasali ako sa shoot. Hindi naman sya mahirap pakisamahan dahil mabait sya akin.
"Thank you ah! Sabi ko sa kanya
"Ah wala yun. Work is work. Sabay ngiti nya. na nakapag bigay kilig sa akin.
"Tara sa Shoot?
"Let's go. Maagap kong sagot agad sa kanya
Nagsimula na ang pakulo na shoot namin at natutuwa ako dahil feeling ko mutual ang feelings namin! I mean maganda ang samahan namin. Jusko kung ano ano naiisip ko. Nang masosolo ko na sana sya sa shoot at nagkaroon na ako ng lakas na loob para umamin sa kanya ay bigla naman syang tinawag ni Clarrence dahil pinatawag daw sya ni Boss.
So ayon. Hindi natuloy. Maghihintay nanaman ako ng tamang pagkakataon.
- END
December 22,20**
Christmas party namin ngayon. Bale inadvance at wala kaming pasok hanggang December 25; at birthday pa nya bukas .. Ang bilis noh? At sa katunayan nga nyan may regalo ako sa kanya ....
Yung puso ko ... >_
Sana tanggapin nya at wag nang magkaroon ng aberya .. '︿'
Ito na ...
Simula na ng program namin sa office for our Christmas Party. Bali sa conferrence namin ngayon dinadaos yung event .. Nagpalaro lang naman at nagpalitan ng regalo at konting inuman narin.
katabi ko ngayon sila Adhonis,
Marika at Richard at eto't alak lang ang tinutungga namin at namumulutan narin. Si Adhonis at marika medyo nagkakalinawan narin at nagkakaaminan, hindi ko nga lang alam kung kailan sasagutin ni marika si Adhonis, pakipot pa kasi eh. Sabagay ganon naman talaga ang mga girl's diba? Kunwari pakipot pero deep inside gustong gusto ng sagutin or they want to know to each other muna.
"Uy IC ikaw ba wala ka pang balak ligawan si ano .. sabay nguso ni Marika kay Nina.
Actually silang tatlo lang ni Adhonis at Richard ang nakakaalam na may gusto ako kay Nina .. Ewan ko lang sa iba kung nakakahalata .. Lalo na si Clarrence at Angelo alam kong may gusto din sila ..
Napatingin ako sa kanya bigla dahil sa tanong nya "Wag ka ngang maingay baka may makarinig!"
"Oops! Sorry na. Dalian muna kasi baka maunahan kapa .. Sige ka Ikaw din .... Pananakot nya.
"Para ka talagang sira! Oh eto letchon kainin mo. Sabay subo ko sa bibig nya ^.^ "CR lang ako sabay sabi ko.
"Hmp! Sige"-Marika
Papunta ako ngayon ng CR sa second floor mga 3 minutes siguro bago ako makarating ... at wait ...
Parang may naririnig ako ...
Umiiyak? ....
Saan?
Medyo kinilabutan ako. Hindi ako BAKLA! LALAKING LALAKI AKO! Pero kinikilabutan talaga ako dahil mag isa lang ako ... Pero Nagmatapang ako ...
Hinanap ko! Tama nga ang naririnig ko umiiyak! ....
At .....
Si Nina ba ang nakikita at naririnig kong umiiyak?
Sa sulok ng lamesa?
Pero bakit? ....
Agad-agad ko syang nilapitan at halata namang nagulat ko sya.
"Nina!!! Banggit ko sa pangalan nya na medyo mahina.
"Tss! Sabay takip nya sa bibig ko. At ng huminahon naman ako tsaka nya tinanggal ang kamay nya ...
Umupo ako at tinabihan ko sya ...
"Tinakot mo naman ako!!! Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero diko tinuloy baka kasi isipin nya duwag ako .. Kaya eto ang tinanong ko..
"Nina bakit ka nandito? Anong problema? Bakit ka umiiyak? Sunod sunod kong tanong as if naman na masasagot nya agad-agad ... Baliw din ako eh noh ≧∇≦
"IC!! At sabay yakap nya sakin na kinabigla ko! dahil first time ko to, Parang Ayaw kong matapos ang gabing ito!
"IC huhuhu .. Iyak parin sya ng iyak ..
Tinanggal ko ang pagkakayakap nya sakin dahil kahit parang ayaw ko ng bumitaw ayaw kong samantalahin yun ..
"Nina ... Ssssh ... Pagtatahan ko sa kanya na parang bata.
Bakit? Ano bang problema? Tahan na okay? Malambing kong sabi sa kanya.
At ayun nga naikwento rin nya sakin ang lahat ...
Ganito daw yun ..
Naglalakad sya para pumunta ng CR. Eh may tao at ihing-ihi na daw sya ... Kaya sa 3rd floor nalang daw nyang naisipang mag banyo ..
Tapos ...
Nung papasok na sya ng CR, may narinig daw syang bulungan..
Hinanap nya .. Kasi Echusera daw sya eh!! Haha.
Tinignan nya sa CR pero wala, kaya naisipan nyang buksan ng dahan dahan yung pinto sa Storage Room ...
At nagulat sya sa nakita nya ...
Si clarrence! May kahalikan! At ka officemate namin! Kaya napatakbo sya at napadpad dito sa 2nd floor ...
--- The End.
Ang masakit lang sa part na ito ...
Boyfriend nya na pala si clarrence two weeks ago (ㄒoㄒ)
"Masakit sa part ko, Kasi ang hina ko at hindi ko namalayan man lang kung paano naging sila.
Grabe!! Walang nakakaalam kahit isa samin at ngayon l******di pa ang boyfriend nya! Ang sarap lang suntukin dahil tinimer nya si nina! Ewan ko ba ang galing nilang magtago!! At syempre masakit sakin.. Kasi akala ko ako yung unang magiging boyfriend nya .. Handa na sana akong umamin eh ... Kaso ganito lang ...
Ang hirap talagang umasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan.
--
Halos mag aalauna na nga nung matapos ang party at syempre di ako masyadong nagpakalasing .. Kasi ihahatid ko si Nina sa bahay nila tutal parehas naman kami ng way. Lalo pa at madaling araw na ... at Broken hurted sya ... Kaya diko narin natuloy ang pagtatapat ko ..
Ganito siguro talaga ...