┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ -Continuation... Pagpasok nila sa villa ay naamoy agad nila ang mabangong pagkain. Napabitaw si Amy sa pagkakahawak sa kanya ni Calix at pinuntahan agad niya ang dining area. Halos lumuwa ang kaniyang mga mata habang titig na titig siya sa mga pagkaing nakahain sa table. Buttered shrimp, adobong kangkong na may sugpo sa ibabaw. Grilled tilapia na may palamang sibuyas at kamatis. Mayroon ding longganisang bawang na may sawsawan na suka na may patis, paminta, pinong sibuyas at maraming sili. Mayroon ding adobong sitaw na gustong-gusto niya at crispy na baby crabs. All her favorites, laid out like a feast. Iyon ang lahat ng mga paboritong luton na madalas nilang gawin nuon ni Althea, back when they were still together sa organization ni Althea kasama si Olive. Those were nig

