Chapter 1 -Yari ka Amy-
Amy's POV
"Amy anak, may bisita ka."
Bigla akong napalingon sa aking ina. Gumuhit ang ngiti sa labi ko ng makita ko si Calix. Ano ang ginagawa niya dito? Alam kaya ni Althea at Marcus na nandito ang lalaking ito? Tumiwalag na naman ako sa grupo ni Althea, wala na ako sa poder nila, kaya ano ang ginagawa ng lalaking ito dito?
"Hi, pwede ba kitang makausap sa labas?" Sabi niya. Kumunot ang noo ko. Seryoso ang mukha ni Calix na nakatitig lang sa akin. Tumingin ako sa aking ina, pero wala naman siyang reaksyon. Kilala kasi nila si Calix. Kilala nila ang buong Venum.
"Sandali lang, may kukuhanin lang ako sa silid ko." Sagot ko. Ngumiti siya sa akin, pero tipid lang.
Nagmamadali akong nagtungo sa aking silid, pero nagsuklay lang ako at humarap lang ako sa salamin. Mabilis na tumitibok ang puso ko dahil sa lalaking 'yon. Mula ng tumiwalag ako bilang assassin ay hindi na nawala sa isipan ko si Calix. Mahal ko si Calix, pero alam ko na hindi marunong sumeryoso sa babae ang isang katulad niya.
Humugot ako ng malalim na paghinga at saka ko inayos ang sarili ko. Ngumiti ako sa salamin at saka ako nagmamadaling lumabas ng aking silid.
Inabutan ko si Calix na nakatayo lang sa labas ng bahay. Nakatalikod at nakapamulsa ang dalawang kamay sa pantalon. Tila ba kay lalim ng iniisip nito.
"Hi."
Bigla siyang lumingon. Hindi pa rin siya ngumingiti. Kinakabahan tuloy ako. May nangyari ba kay Althea sa Milan? Mula kasi ng ikinasal si Althea ay namamalagi na ito sa Milan dahil sa pagsasalin ng organisasyon ng mga magulang niya sa pangalan niya, upang hawakan naman ito ni Marcus at pag-isahin ang Black Cobra at ang Venum. Kaya matatagalan sila bago makabalik ng Pilipinas. Si Olive naman ay bumalik ng probinsya, wala pa akong balita sa kanya. Hindi naman kami nagkawatak-watak... pero matagal na rin na hindi kami nagkikita-kita.
"May nangyari ba sa kaibigan ko? Nanginginig ang boses ko. Pakiramdam ko ay nanlalambot ang tuhod ko. Isang ngisi ang gumuhit sa labi niya, pagkatapos ay nagsimulang maglakad papalapit sa akin. Napalunok ako ng laway. Kinakabahan ako, pero hindi ko maalis ang tingin ko sa gwapong lalaki na naglalakad papalapit sa akin.
Huminto siya sa tapat ko, hinawi ang buhok na tumatabing sa mukha ko, sabay haplos niya sa pisngi ko. Para akong nakuryente sa ginawa niya sa akin. Hindi ko siya magawang tignan kaya ibinaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon.
He leaned in and whispered something. I managed a faint smile, but inside, I was a bundle of nerves. Mas malakas pa yata ang pagtibok ng puso ko kaysa sa pagbulong niya sa akin. Hindi ko tuloy naintindihan ang sinabi niya. Muli siyang natawa ng walang emosyon, pagkatapos ay kinuha niya ang kamay ko at pinagsalikop niya ang aming mga palad.
Para akong nakukuryente. Parang nagtatayuan ang lahat ng balahibo sa katawan ko habang magkalapat ang aming mga palad. It's been like what? Two months? Ganuon na katagal ng huli ko siyang makita sa kasal ni Althea.
"Uhm... saan mo ba ako dadalhin?"
"Ipinagpaalam lang kita sa iyong ina, ang sabi ko ay kakain lang tayo sa labas ng hapunan. Gusto kitang makausap Amy, kaya sumunod ka na lang sa gusto ko."
Hindi na ako nakakibo pa. Napatingin lang ako sa suot ko. Naka-tsinelas lang ako, short na maong at crop top na kupas pa. Buti na lang at nagsuklay ako.
"Sandali lang..." Napahinto siya sa paglalakad, tinignan ang mukha ko at kumunot ang kanyang noo. Napatingin ulit ako sa suot ko, pero ngumisi lang siya at nagpatuloy lang sa paglalakad... sabay hila sa kamay ko, kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod.
Pagkarating namin sa kanyang sasakyan ay binuksan niya ang passenger door sa unahan at pinaupo ako sa loob. Hindi man lang hinawakan ang ulo ko na baka mauntog ako, walang ganuon. Basta itinuro lang niya sa akin ang loob ng sasakyan kaya pumasok na ako.
"Calix, ano ba ang pag-uusapan natin?" Tanong ko ng makapasok siya sa loob ng sasakyan. I really need to know.
Nilingon niya ako. Sobrang seryoso ng mukha niya kaya mas lalo tuloy akong kinakabahan. Ano ba talaga ang problema ng lalaking ito?
"Pag-uusapan natin pagdating natin sa restaurant." Sabi niya. Hindi na ako kumontra pa at tumango na lamang ako. Kahit naman yata anong pangungulit ko ay hindi rin naman niya sasabihin sa akin.
Hindi nagtagal ay humihinto na kami sa harapan ng isang mamahaling restaurant. Napatingin ako sa kanya, akala ko ay sa mall kami pupunta dahil maraming choices, pero dito niya ako dinala.
Bumaba siya ng sasakyan, pagkatapos ay lumipat sa gilid ko at binuksan ang pintuan ng mamahalin niyang sports car. Akala ko ay aalalayan niya akong tumayo, pero hindi niya ginawa. Nakatayo lamang siya at hinihintay niya akong bumaba.
"Door’s open. You know what to do."
Ano ba naman ang lalaking ito. Kanina magkaholding hands pa kami, tapos ngayon parang tanga lang. Problema ba nito? Dapat pala hindi na lang ako sumama. Pero hindi ko rin naman matanggihan, mahal na mahal ko si Calix.
Pagkarating namin sa loob ay nagulat ako dahil walang katao-tao. Nasaan ang mga kumakain dito? Kami lang ba? Hindi ba masarap ang pagkain dito kaya walang kumakain?
"I had the place closed for the night. I wanted privacy... just you, me, and the staff who know better than to ask questions." Sabi niya. Kumakabog ang dibdib ko. Ganito katindi ang epekto niya sa akin.
Iginiya niya ako sa isang table. Nasa pinakagitna ito, pagkatapos ay nilapitan kami ng isang empleyado niya at naglagay ng isang bote ng alak sa table.
Sinalinan ng waiter ang dalawang mamahaling kopita at saka ito umalis. Sinundan ko na lamang ito ng tingin hanggang sa maglaho ito sa paningin ko ng pumasok ito sa isang pintuan.
"Drink." Sabi niya. Nanginginig ang kamay ko ng kinuha ko ang kopita. Inamoy ko ito, pagkatapos ay bigla kong tinungga at sinaid dahil sa sobrang nerbyos ko. Bigla tuloy siyang napatingin sa akin.
"Slow down. A good time in bed needs more than just alcohol." Nagulat ako sa sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin. Bigla ko tuloy ibinaba sa table ang kopita na wala ng laman.
"Ano ba talaga ang pag-uusapan natin?" Kinakabahan kong tanong. Tumingin ako sa papalapit na waiter na may dalang malaking tray na puno ng bagong lutong pagkain. Talagang pinaghandaan niya ang araw na ito.
"We eat first. Everything else can wait." Malamig niyang tugon. Kinakabahan talaga ako. Parang alam ko na ang tinatakbo ng usapang ito. Parang alam ko na kung bakit ako nandirito.
"Kumain ka Amy, kailangan mo ng lakas mamaya." Wika niya. Nanginginig ang kamay ko na kinuha ko ang tinidor, pero hindi ko magawang makakain. Ginugulo ako ng isipan ko tungkol sa dati naming napagkasunduan ni Calix. Akala ko katuwaan lang 'yon. Akala ko biruan lang ang pagpirma ko nuon sa kasunduang 'yon.
"Ninenerbyos ka ba? Huwag kang mag-alala dahil dadahan-dahanin kita." Napalunok ako ng laway. Napayuko ako ng ulo ko at tinitigan ko ang pagkain ko.
"Remember this?" Sabi niya, pagkatapos ay isang nakatuping papel ang ipinatong niya sa ibabaw ng table. Napatingin ako sa papel. Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko habang binubuklat na ito ni Calix.
"Nakasaad sa papel na ito na kapag nag-quit ka sa pagiging assassin mo ay ibibigay mo sa akin ang katawan mo. Sigurado ka pa nuon na hinding-hindi ka titiwalag sa organisasyon, pero sumuko ka. Siguro iniisip mo na nakalimutan ko na ito. Pinirmahan mo ito, at may fingerprint mo pa, gamit ang sarili mong dugo. Siguradong-sigurado ka nuon na hindi ka mawawala sa organisasyon. Pero ilang labanan lang, natakot ka na at sumuko. Kukuhanin ko na ang premyo ko." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya. Tinatapangan ko ang sarili ko. Naalala ko ang lahat, naaalala ko ang nakasulat sa papel.
"Nakalagay dito. Kapag bumitaw ka sa pagiging assassin mo... ibibigay mo sa akin ang katawan mo. Mahal mo ako, hindi ba? Matagal ko ng alam na mahal mo ako. Isipin mo na lang na mahal din kita kapag ibinigay mo sa akin ang katawan mo. Huwag kang mag-alala, I will be gentle, at ipaparanas ko sa'yo ang walang hanggang sarap."
Napalunok ako. Napatitig ako sa mukha niya. Ito ang lalaking itinitibok ng puso ko. Ito ang lalaking gumugulo sa isipan ko mula ng umalis ako sa poder nila Althea.
Kinuha niya ang kamay ko, pinisil niya ito habang ang mga mata niya ay titig na titig sa mukha ko. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kinakabahan ako.
"Katuwaan lang sana ito, naaalala mo ba? Pero gusto mo itong totohanin. Gusto mong ipakita sa akin na matapang ka... na kaya mong manatili sa organisasyon. Ikaw ang humiwa sa dulo ng daliri mo at ikaw ang naglagay ng fingerprint na 'yan. Sinelyuhan mo ito ng dugo kaya kukuhanin ko na ang premyo ko, at ikaw 'yon. Dalawang buwan, Amy. Iyan ang nakasulat diyan na kasunduan. Dalawang buwan kang magiging akin."
Ang tanga ko talaga. Bakit kasi ginawa ko 'yon? Akala ko kasi magtatagal ako, pero hindi ko kinaya ang mga nangyayari kaya bumitaw ako. Masyado akong tinatalo ng takot sa tuwing nagkakaroon ng labanan. Mula ng mabaril ako nuon... naduwag na ako. Pero may kasulatan na kami nuon ni Calix. Para sa kanya nuon, pag-aari na niya ako. Mga panahong 'yon ay inaakala ng iba na may namamagitan sa aming dalawa, lalo pa at hindi naman ito pinapasinungalingan nuon ni Calix kaya mas lalo akong nahulog sa kanya dahil akala ko, may pagtingin siya sa akin.
Tumayo siya. Nilapitan niya ako at saka siya tumayo sa likuran ko. Hinagod niya ng kamay ang batok ko, at naramdaman ko ang pagdukwang niya sa leeg ko.
"Ang bango mo, Amy. Mukhang gaganahan tayo sa gagawin natin ngayong gabi." Bulong niya.
"Wait... ngayong gabi na ba agad? Hindi ba pwedeng time out muna? Bigyan mo naman ako ng pagkakataon na lakasan ko ang loob ko. Huwag naman bigla-bigla."
Finally ay nakapagsalita din ako. Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko. Tumayo siya ng tuwid, naramdaman ko ang dalawang malaking kamay niya na ipinatong niya sa magkabila kong balikat.
"Okay. Bibigyan kita ng isang linggo. Isang linggo lang Amy, at magiging akin ka sa loob ng dalawang buwan." Nakahinga ako ng maluwag, pero nagulat ako ng bigla niya akong itinayo at binuhat. Pagkatapos ay dinala niya ako sa loob ng isang office.
Nagulat ako, lalo na ng isinara niya ang pintuan. Pagkatapos ay idinikit niya ako sa dingding. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga.
"I want you." Bulong niya. Humugot ako ng malalim na paghinga at saka ko tinitigan ang labi niya. Pagkatapos ay saka ako sumagot.
"I know. I can feel your desire. Pero maghintay ka ng isang linggo. Magtiis ka muna Calix." Sagot ko. Nakatitig pa rin ako sa kanyang labi.
"Palaban ka talaga, Amy. And when you say something... you follow through. That’s what I like about you." Bulong niya. Pagkatapos ay bigla niya akong hinalikan sa labi. Naipikit ko ang mga mata ko, pagkatapos ay kusang bumuka ang bibig ko at hinayaan ko siyang pasukin ng dila niya ang loob ng bibig ko. Napaungol ako... napayapos ako sa batok niya habang halos lamunin na niya ang bibig ko. Ganuon siya kasabik na maangkin ako.
Halos mapugto ang hininga namin ng binitawan niya ang labi ko. Parehong kumakabog ng mabilis ang dibdib namin habang nakatitig kami sa isa't isa.
Hinagod niya ng dila ang leeg ko, patungo sa panga ko habang ang isang kamay niya ay naglalaro sa dibdib ko. Itinaas niya ang suot ko, inilabas ang dibdib ko mula sa suot kong bra. Narinig ko ang pagsinghap niya at walang inaksayang sandali at agad niyang isinubo ang korona ng dibdib ko. Pagkatapos ay nag-angat ulit siya ng mukha at muli akong siniil ng halik. Halik na punong-puno ng pagnanasa. Gumanti ako ng halik, ipinaramdam ko sa kanya ang init ng pagmamahal ko na tinutukoy niya kanina. Nagulat siya, siguro hindi niya inaasahan na magaling akong humalik.
Napapikit ako ng aking mga mata, pakiramdam ko ay bibigay na ako kaya mabilis ko siyang itinulak palayo. Baka hindi na siya makapag-pigil ay mapa-aga ang pagsuko ko sa aking pagkabirhen.
"Mukhang palaban ka. Mukhang marami ka ng karanasan Amy. Gusto ko 'yan, at least hindi ako ang una sa katawan mo. Sisiguraduhin ko sa'yo na dalawang buwan kang maliligayahan sa akin." Wika niya. Hindi ko na itinama pa ang sinabi niya na marami akong karanasan. Hahayaan ko na lang siya kung ano man ang nasa utak niya.
Inayos ko ang sarili ko at saka binuksan ang pintuan. Napatingin ako sa waiter, pero hindi niya ako nilingon, para itong walang nakikita. Si Calix naman ay nasa likuran ko. Yumakap siya sa baywang ko at ipinatong ang baba sa aking balikat.
"Isang linggo lang Amy. Magiging akin ka after one week. Tandaan mo, ikaw ang may gusto nito nuon at hindi ako." Hindi na ako nagsalita pa. Nakainom naman kasi ako ng gabing 'yon kaya kung ano-anong kalokohan ang nagawa ko.
"Kapag hindi ka sumunod, isang bilyon ang inilagay mo na ibabayad mo sa akin. Hindi ako ang naglagay niyan kung hindi ikaw."
Natahimik na lang ako. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at hindi ko na siya sinagot pa. Inis na inis lang ako sa sarili ko dahil sa kagagahan ko nuon. Lasing lang naman talaga ako ng gabing 'yon ng ginawa namin ang kasulatan na 'yon, at dahil lasing ako ay kung ano-ano ang inilagay ko.
Damn... one billion? Ang tanga mo talaga, Amy!