Chapter 2 -Amy-

1758 Words
┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Maaga pa lang ay gising na si Amy, pero kung tutuusin naman ay hindi talaga siya nakatulog ng maayos. Buong gabi siyang nakatulala at nakatitig lang sa kisame, paulit-ulit na binabalikan sa isip ang mga nangyari kagabi at ang pinag-usapan nila ni Calix. Habang nakaupo siya sa gilid ng kama ay parang wala ito sa kanyang sarili. Tumayo siya at nagsimulang maglakad, pagkatapos ay natawa sa kanyang sarili dahil mukha na talaga siyang zombie sa hitsura ng paglalakad niya... at kulang na lang ay may background music ng suspense habang humihinga siya ng malalim para mas lalong intense. Napapailing na lang tuloy siya ng kanyang ulo, pagkatapos ay pumasok siya sa loob ng banyo upang tignan ang kanyang sarili sa harapan ng salamin. Pagtingin niya sa salamin ay halos mapatili siya ng makita niya ang hitsura niya sa repleksyon. Napahimas pa siya sa kanyang mukha at halos idikit na niya ang mukha niya sa harapan ng salamin. "Oh... My... God. Seriously? My eye bags are having their own emotional breakdown." Mahinang bulong niya habang sinusuri ang sariling mukha. Pinisil-pisil pa niya ang ilalim ng kanyang mata at saka bahagyang ngumiwi na parang nadidismaya sa nakikita niya. "This is your fault, Calix. Hindi naman ako ganito ka-stressed dati. Hindi rin ako puyat queen. Pero isang gabi lang with you at dinner lang 'yon na mabilisan, and boom... mental breakdown at physical evidence na agad. Congrats self!" Inis niyang bulong. Pagkatapos ay napa-facepalm na lamang siya at ilang saglit lang ay muling humarap sa salamin. "Bwisit kang lalaki ka. Bakit mo pa kasi kailangang bumalik at magpakita sa akin? Akala ko okay na ako. I was doing soooo fine... functioning, breathing, moving on kahit papano. Tapos bigla ka na lang sumulpot, just like that? Hindi ka man lang nag-hello properly. Diretsong ‘hi, I’m here to take your virginity’ ganun? Kalokohan. Nababaliw ka na Cqlix." Muli niyang sabi. Frustrated siya sa nakikitang hitsura niya ngayon sa salamin. Napapailing na lang siya ng kanyang ulo habang tinatapik ng dahan-dahan ang pisngi niya na parang sinusubukang gumising mula sa bangungot. "Ugh! Nakakainis ka talaga! Bakit ba kasi bumalik ka pa? Tapos dala mo pa 'yang lintik na kasunduan na 'yan? Lasing lang ako ng gabing 'yon, malay ko ba na itatabi mo 'yon. Akala ko nga sinunog ko 'yon sa bon fire." May kalakasan niyang sabi, pagkatapos ay halos sabunutan na niya ang kanyang sarili sa sobrang inis. "Legal kaya 'yon? Nakakainis talaga. Machuchukchak ang kiffy ko ng lalaking mahal ko, pero hindi naman ako mahal. Bwisit! Nakakainis talaga!" "Jusko, and to make it worse, I agreed to that damn deal. What the hell was I thinking? Oh wait, I wasn’t. Lasing nga pala ako ng gabing 'yon at ako ang gumawa ng kasulatang 'yon. Nag-take-advantage lang siya sa sitwasyon na 'yon at sa kasunduang 'yon. Kung may one billion lang talaga ako, baka ibinayad ko na just to erase that contract letter from existence. Kung may pera lang talaga ako. Bwisit na lalaking 'yon. One billion? Iyon ba talaga ang halagang inilagay ko duon? Ang gusto ko lang naman sanang ilagay ay ten thousand pesos, nasobrahan ba ako ng zero kaya naging one billion? Ang naaalala ko binilang ko talaga ang zero nuon eh. Ay ewan ko, nakakainis!" Muli pa niyang sabi. Para na itong nababaliw na kanina pa nagsasalita ng wala namang kausap. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at inalala ang gabing 'yon na nag-iinuman sila kasama si Calix. Tapos sila na lang nila Calix, si Olive at si Lyka ang natira sa harapan ng bon fire at ang mga kasama nila ay umalis na dahil sa kalasingan. -Reminiscing... "May boyfriend ka na ba Amy?" Tanong ni Calix. Tumingin naman si Amy sa binata at saka umiling. "Wala pa. Ikaw ba may girlfriend ka na? Kung wala pa, pwede namang ako na lang, kasi mahal kita." Nagulat ang lahat kaya tumayo si Lyka at umalis, si Olive naman ay napahiga sa damuhan at tila ba nawalan na ng malay dahil sa kalasingan. Natawa naman si Calix at hindi pinatulan ang sinabi ni Amy. "May girlfriend ako. Open ang relationship namin, ibig sabihin ay pwede siyang makipag-nobyo sa iba at ganuon din ako. Walang seryosohan, pang init katawan lang." Hindi naman kumibo si Amy, inis na inis lang ito sa kanyang sarili dahil sa sinabi niya kay Calix. "Kamusta ang pagiging assassin mo? Buti at hindi ka bumibigay at sumusuko." Sabi niya. Humugot naman ng malalim na paghinga si Amy at saka sumagot. "Never akong susuko dahil ako si Amihan Cervantes, matapang at hindi umuurong sa labanan." Sabi niya kaya ang lakas ng pagkakatawa ni Calix. "Seryoso ako gago ka. Kumuha ka ng papel at saka ball pen. gagawa ako ng kasulatan sa'yo. Bilisan mo na." Sabi niya. Tumawa ulit si Calix, pero tumayo ito at umalis. Ilang minuto lang ay bumalik ito ng may hawak ngang papel at ballpen. Nagsulat si Amy sa papel, at ilang saglit lang ay ibinigay niya ito kay Calix at pinabasa, tapos ay ibinigay ang ball pen kay Calix. "Pirmahan mo 'yan. Nakalagay diyan na kapag nagawa kong manatili ng limang taon sa organisasyon... babayaran mo ako ng ten million pesos. Kapag ako ay nag-quit agad bago matapos ang limang taon, ibibigay ko sa'yo ang katawan ko ng dalawang buwan. Free lang, no strings attached. Two months 'yan, at kapag ako ay tumanggi sa kasunduang 'yan... magbabayad ako ng sampong libo, nandyan lahat. Nakasulat lahat diyan sa papel na 'yan." "Okay, after nating pumirma ay dadalhin ko ito sa abogado ko para maging legal at para..." "Amy! Bumaba ka na at ng makakain na tayo!" -End of reminiscing... Isang malakas na sigaw mula sa ibaba mula sa kanyang ina ang pumukaw sa malalim niyang pag-iisip. Napatitig siya sa salamin. Naalala talaga niya na sampong libo lang ang sinabi niya, pero siguro nga... dahil nakainim siya ng gabing 'yon ay baka nasobrahan ng maraming zero ang nailagay niya. "Amy! Bumaba ka na riyan, kakain na tayo!" Napalingon siya sa bukas na pinto ng banyo, bahagyang tumaas ang kilay, at napakagat sa labi habang pinipigilang maiyak dahil pa rin sa malaki niyang eye bags. Pagkatapos ay humugot ng malalim na paghinga at muli siyang nagsalita. "Right. Family breakfast. Back to normal. 'Yung parang walang nangyari. Parang walang trauma na nangyari kagabi. Walang kasunduan na ikakabaliw ko. Just eggs, longganisa, rice, and a sprinkle of fake peace. Oh gosh... hindi sana ako mahalata ni nanay." Muli siyang humarap sa salamin, binuksan ang gripo, at naghilamos ng malamig na tubig... trying to snap out of it, pero kahit gaano kalamig ang tubig, hindi rin nito kayang pawiin ang gumugulo ngayon sa utak niya. "Should I run away from him? Like literally disappear? Ugh, sounds ideal, Pero... si Calix ‘yon. He’s a tech wizard. Hacker. Tracker. Probably has a satellite just for me. Kahit magtago pa ako sa cave ng Batanes, mahahanap pa rin niya ako. With screenshots... with coordinates and receipts pa. Ganuon siya kagaling. Well... may cave ba sa Batanes? Ah, basta!" Pagkalabas niya ng banyo ay padabog itong naupo sa gilid ng kama. Dahan-dahan niyang sinapo ang kanyang mukha gamit ang dalawang palad... mainit ang pakiramdam ng balat niya, naiinis siya, pero kahit na magwala pa siya ngayon ay hindi na niya mababago pa ang napirmahan na niya, at sa sobrang inis niya ay impit siyang tumili. "Amy!" Malakas na tawag muli ng kanyang ina. Humugot siya ng malalim na paghinga at saka siya nagsimulang lumabas ng kanyang silid. Pagkarating niya ng kusina ay para siyang itinulos sa kinatatayuan niya ng makita niya si Calix na kaharap ang kanyang ama at ina sa hapag kainan. "Ano ang ginagawa mo dito? Dito ka pa talaga makikikain? Wala bang pagkain sa inyo? Ang yaman-yaman mo, dito ka pa talaga makikikain?" Inis niyang sabi. Nilapitan siya ng kanyang ina at saka siya piningot sa tainga. "Si Calix 'yan... kaibigan nila Marcus, kaibigan nila Althea... mag sorry ka sa kanya, ikaw talagang bata ka." Inis na sabi ng kanyang ina habang hila nito ang tainga niya. Hindi naman ito sobrang diin, pero sapat ito para malaman ni Amy na hindi nagustuhan ng kanyang ina ang ginawa niya. "Aray... nanay naman eh!" Inis niyang sabi kaya tawa ng tawa ang kanyang ama. Si Calix naman ay may nakatagong ngisi habang nakatingin kay Amy. "Mag-sorry ka sinabi sa bisita natin." Sabi ng ina niya. "Sorry Calix, kumain ka lang diyan ng kumain. Ubusan mo pa kami ng pagkain kung gusto mo at sana ay mabilaukan ka." Inis na sabi ni Amy kaya mas lalong humigpit ang pagkakapingot ng kanyang ina. "Ouch! Nanay naman eh!" Sabi niya. "Okay lang ho. Sanay na ako sa kanyang ugali. Ganyan naman ho talaga siya sa akin kahit nuon pa." Sabi nito, inirapan naman siya ni Amy. Binitawan naman ng kanyang ina ang tainga niya at napapailing ito ng kanyang ulo. Naupo si Amy sa tabi ni Calix, iyon lang kasi ang available na upuan. Inis niyang kinuha ang kanyang plato at saka nagsandok ng sariling pagkain. Pero bigla siyang nagulat ng maramdaman niya na may biglang humagod sa hita niya. Ang igsi pa naman ng suot niyang shorts kaya napapiksi siya. "Okay ka lang ba?" Tanong ni Calix. Inis na inis si Amy dahil ito pa ang may lakas ng loob na magtanong sa kanya. "Okay lang ako. Next week, pipitasin ko ang patola, tapos tatadtarin ko ng pino at sasabawan ko. Hindi ba nanay? Gusto mong kumain dito, Calix? Sinabawang patola na lalagyan ko ng dalawang itlog." Sagot ni Amy kaya mahinang natawa si Calix, pero ang tawang 'yon... kahit hindi umabot sa mga mata ni Calix ay halos matunaw si Calix sa pagkakatitig niya. "Anak, baka matunaw ang katabi mo." Sabi ng ama niya. Para namang natauhan si Amy at tumaas ang isang kilay nito. "Tatay, nakatitig po ako sa kanya kasi ngumiti siya. Tignan mo ang ngipin niya, may nakasingit na piniritong itlog at longganisa. May tinga ka Calix. Katakawan mo." Sagot ni Amy kaya biglang itinikom ni Calix ang kanyang bibig, pagkatapos ay nag-excuse at nagmamadali itong pumasok sa loob ng banyo upang tignan ang ngipin sa salamin. Tawa naman ng tawa si Amy habang ang kanyang mga magulang ay napapailing na lamang ng kanilang mga ulo. "Kain na po tayo. Gaganahan ako nito." Sabi niya. "AMY!" Malakas na sigaw ni Calix mula sa banyo. Natatawa naman ang mga magulang niya, habang siya ay malaki ang pagkakangiti at enjoy na enjoy sa kinakain niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD