┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ "Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ni Christina. Magkakasama sila ngayon sa Antipolo. Umuwi si Amy ng Antipolo at isa-isa niyang tinawagan ang lahat ng bumubuo ng Black Serpents. Hindi niya inaasahan na maging ang kanyang pinuno ay pupuntahan siya. Pero mas okay na 'yon para malaman nito ang bumabagabag sa kanya. "May itinatagong lihim sa akin ang mga magulang ko. Gusto kong alamin, pero sa tuwing iimbestigahan ko ang pangalan ng aking ama o ng aking ina... wala akong makuha. Parang sa isang iglap, burado lahat ng record. Walang iniwang bakas na pwede kong magamit para maunawaan ko ang nangyayari, o malaman ko kung ano ang totoo sa likod ng mga lihim ng aking ama at ina." Sagot ni Amy habang nakatitig siya sa baso na may lamang alak. Nasa poder pa lamang siya nuon nila Al

