Chapter 74 -Calix-

1806 Words

◄Calix's POV► Masayang-masaya ako ngayon. Hindi mawala ang ngiti ko kahit ilang araw na ang lumipas mula nang huli ko silang makasama. Tinawagan ako ng anak ko kaninang umaga at ang dami niyang kwento, walang pahinga sa mga kwento niya sa akin. Nanduon daw sila ng mama niya sa farm ng mga magulang nito. Narinig ko pa ang halakhak niya sa kabilang linya, at sa sandaling iyon, parang gumaan ang lahat sa akin. Ang simpleng tawag ng anak ko, sapat na para maging masaya ang buong araw ko. Ilang katok ang narinig ko sa pinto ng opisina ko, kaya naputol ang katahimikan namamayani sa buong paligid. Bahagya akong nag-angat ng mukha mula sa dokumentong binabasa ko. Pagbukas ng pintuan ay bumungad agad ang mukha ng sekretarya ko, at nakikita ko sa kanya na may halong kaba at pag-aalangan ang pagka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD