┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Dalawang linggo na rin mula ng maghiwalay ng landas si Amy at si Calix, pero para kay Amy, it's been one of those times na parang ang buhay ay naging sobrang tahimik, like the world just pressed pause on everything. Tahimik lang si Amy at nanatili lamang siya sa farm ng kanyang mga magulang, hindi naman siya naghahanap pa ng trabaho, lalo na ngayon na ang daming gumugulo sa kanyang isipan at nakakaramdam siya ng matinding pangamba. Habang nasa farm siya ay nagpapakita siya ng sigla lalo na kapag kaharap niya ang kanyang mga magulang, ipinapakita niya na maayos lang siya, na wala siyang kahit na anong problema at masaya siyang nananatili sa farm, but deep inside, may kung anong gumugulo sa isipan niya ilang araw na. Nasa loob siya ngayon ng kanyang silid, wala ang kanyang

