┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Kalalapag lang ng helicopter ni Josh sa private island ng lolo ni Marcus. Sa itaas pa lang, tanaw na nila ang malawak na dagat na kulay asul na parang salamin sa sobrang linaw nito, at sa gitna nito ay nakatayo ang isla na parang isang malaking kaharian. Ang mga alon ay marahang sumasalpok sa dalampasigan, kaya mula sa itaas ay nakikita nila kung gaano kaganda ang lugar, at mula din sa itaas, nakikita nila kung gaano na karaming tao ang dumating sa island. Kasama ni Josh ang kanyang mahal na si Celestina, at ang kanyang mga kaibigan na sina Lucio, Calix, at Thomas. Pagbaba nila, sinalubong agad sila ng mga staff na naka-puting uniporme, bitbit ang malamig na inumin at mga garland na gawa sa puting orchid. Tuwang-tuwa naman sila Lucio dahil ramdam na agad nila na magiging m

