bc

Love Me One More Time

book_age18+
1.8K
FOLLOW
16.7K
READ
possessive
second chance
playboy
CEO
billionairess
drama
twisted
bxg
secrets
seductive
like
intro-logo
Blurb

Warning Rated SPG

Mas pinili ni Darine na iwan ang marangya niyang buhay huwag lang siyang maikasal sa lalaking hindi niya kilala. Hindi siya papayag lagi na lang kontrolado ng kanyang magulang ang sarili niyang buhay. 

Jasper Guillermo, 34 years old. Business Tycoon, wala sa kanyang vocabulary na mag-asawa. Kung hindi niya masunod ang kagustuhan ng kanyang Lolo ay mawawala sa kanya ang kumpanya na inaalagaan niya. Labag kay Jasper ang kagustuhan ng kanyang Lolo kaya gumawa siya ng sariling paraan. Hindi rin siya makakapayag kung ano ang gusto ng kanyang Lolo ay iyon ang masusunod. Yes mahalaga sa kanya ang kumpanya pero hindi siya papayag pagdating sa sarili niyang buhay ay panghimasukan ng kanyang magulang lalo na ang kanyang Lolo.

Nang magtagpo ang landas ni Darine at Jasper ay tinulungan ni Jasper si Darine. Pero may isang condition si Jasper sa kanya magpanggap na kasintahan niya sa harap ng kanyang magulang sumang-ayon si Darine sa gusto ni Jasper.

Sa pagsasama nilang dalawa ay lalong nahuhulog ang loob ni Darine kay Jasper. Hindi na niya namamalayan na naisuko na niya kay Jasper ang kanyang pagkababaë. Hindi lang isang beses kundi ilang beses na niyang pinaubaya kay kay Jasper ang kanyang sarili. Kahit alam niya na malabo siyang mahalin ni Jasper higit sa kaibigan. Makakaya bang ilihim lang ni Darine ang nararamdaman niya para sa binata? 

Paano kung nasa kay Darine ang katangian na taglay na hinahanap ni Jasper sa babae? Kaya bang panindigan ni Jasper ang lumabas sa bibig niya na hindi niya kayang lumagay sa tahimik? Isip o puso ba ang susundin ni Jasper? 

Paano kung darating ang isang araw ang masayang samahan nilang dalawa ay hindi na katulad ng dati? Matatanggap ba ni Darine ang biglang pagbabago ni Jasper sa kanya? Kakayanin ba ni Darine ang lalaking mahal niya ngayon ay masaya na sa  feeling ng iba?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Darine “Ate, aalis na ako baka kasi mahuli na ako sa aking trabaho. Ikaw na ang bahala kay Carl.” Paalam ko kay Ate Olivia. “Mag-ingat ka!” sigaw niya sa akin na nasa loob siya ng kusina. “Opo ate,” bago ako lumabas ng bahay ay hinalikan ko muna sa noo ang anak ni Ate Olivia. Naglalaro ito sa maliit niyang dark blue stroller. Anim na buwan pa lang si Carl. Pero akalain mo parang isang taon na ito. Napaka-chubby kasi niya na baby. Kamukhang-kamukha siya ni Ate Olivia, single mother si Ate. Iniwan kasi ito ng kanyang jowa. Hindi kasi matanggap ng boyfriend niya na buntis si Ate. Kaya ito ngayon dalawa kami ang tumayong magulang ni Carl. Matanda lang sa akin ng dalawang taon si ate Olivia. Siya ang tumulong sa akin dito sa Maynila, mula ng tumakas ako sa probinsya namin. Lumayas ako na hindi ko alam kung saan ako pupunta. Naglakas loob ako na umalis sampung libong pera lang ang dala ko. Kinuha kasi ni Lolo Elias at Papa ang mga credits card ko ng sabihin ko hindi ako pumayag sa kagustuhan nila na ikakasal ako sa hindi ko kilalang lalaki. Almost seven months narin ako ngayon dito sa Maynila. Mula ng tumakas ako sa aking Lolo. Kung hindi ko raw papakasalan ang lalaki na’yun ay kahit isang piso ay wala akong mamanahin. Kaya ito ako ngayon namumuhay kasama ang hindi ko kapamilya. Wala akong pakialam sa pera. Gusto kung ikasal sa taong mahal ako at mahal din niya ako. Sobrang nagpapasalamat ako sa panginoon dahil mabait si Ate Olivia sa akin. Tinulungan niya ako, tinuring ko na siya na ate ko. Alam din niya ang totoong buhay ko. Wala akong inilihim sa kan'ya, pati rin siya wala rin. Now friend and sister na ang turingan naming dalawa. Nang nasa labas na ako ng bahay ay pumara ako ng tricycle. Malapit lang kasi ang motel na pinagtatrabahuhan ko. Sa hinding kalakian na motel ang pinasukan ko. Isa akong receptionist ng motel. Ten in the morning ang start ko, until eight in the evening ang out ko. I am happy with my work. Kahit na never in my life ko pa ito naranasan. Lumaki kasi ako na mayaman at may yaya pa hanggang ngayon. Kahit na ganitong edad ko ay lagi pa rin akong may yaya, na tagabantay sa akin. Iyun kasi ang kagustuhan ni Mama. How many times I told them kaya ko ang sarili ko. Pero parang bingi silang lahat. Puro na lang ang Lolo Elias ang nasusunod sa lahat. Habang naghihintay ako ng tricycle ay biglang tumunog ang cellphone ko. Si Mama ang tumawag. Sinagot ko ito agad, at miss na miss ko na rin ang Mama ko. I know na gustong-gusto rin ni Mama tumutol. But, she don't have a right, dahil kung ano ang gusto ni Lolo iyun ang masusunod. "Anak," malungkot na boses ni Mama sa kabilang linya. "Mama," mahinahon kung sabi sa linya. Gusto kong umiyak ng marinig ko ang boses ni Mama. I miss her so much, I miss her hug. "How are you anak? How's everything there? Anak Darine, umuwi kana anak please. Mommy missing you so much," sabi ni Mama sa akin at parang nadudurog ang puso ko ng marinig ko na humikbi si Mama sa linya. "Please Mom, don't cry. Please intindihin mo naman ako Mama, you know the reasons why I ran away." Saad ko kay Mama. "Pero anak, miss na miss na kita anak. Nag-aalala ako sa kalagayan mo d'yan. Kung ano ang kinakain mo? Sino ang kasama mo? Kahit sa akin mo lang sabihin kung nasaan kana." Sabi ni mama. Pero I can't tell her, kung nasaan ako. Even she's my mother. I wanna make sure na ayokong matuntun nila ako. Once na malaman nila kung saan ako agad nila akong sugurin dito. I know my grandpa. Kung ano ang gusto ay iyun ang masusunod. Nang marinig ko ang boses ni Lolo Elias ay nakaramdam ako ng takot. He is a powerful man in my province. Boses pa lang ng aking lolo ay makapangyarihan na ito. Kinatatakotan ng lahat si Lolo, pero tama na may sarili akong buhay. Lahat na lang ay si Lolo ang nasususnod. "Mama, I love you so much and I miss you a lot Mom. Don't worry I'm fine here. I have to hang up the call Mom. Take care Mom." Mabilis kung pinatay ang linya, baka malaman pa ni Lolo na kasusap ako ni Mama. Napabuntong hininga ako, after I talk to my Mom. May isang tricycle huminto sa malapit sa kinatatayuan ko. Sumakay agad ako. "Manong sa Motel De Leon po," magalang na sabi ko kay manong ng makita ko ang mukha niya ay si Alvin pala ito. "Masusunod po reyna ng barangay na ito." Masayang birong sabi ni Alvin sa akin. "Ikaw talaga Alvin, puro ka kalokohan. Bilisan muna dahil mahuhuli na ako," utos ko. Dahil ilang minuto na lang ang natitirang minuto sa akin. Kapag nahuli ako sure na mawalan ako ng trabaho. Ilang sandali ay nasa motel na ako. Mabilis akong bumaba, tinakbo ko ang loob ng motel. Nakalimutan kung bayaran si Alvin sa pagmamadali. "Alvin utang muna, ilista mo lang kahit may interest pa!" sigaw ko sa kan'ya. Pumasok na ako sa motel. Inayos ko ang sarili ko. Ngayong araw ay konti lang ang tao ng motel. Hanggang ilang oras din ako nakaupo, medyo naboboring ako. Tinanong ko ang isa kung kasama na nag-wowork dito. Dahil parang ang saya niya. "Anong ganap Perly? Mukhang may something ah?" tanong ko. "Darine, mamaya susunduin ako ni Marlon. Ipapakilala na niya ako sa mga magulang niya." Masayang sabi ni Perly sa akin. "Wow! I am so happy for you girl. Sana all girl may jowa na ipakilala," niyakap niya ako sa saya. "Sige, girl ikaw na ang bahala rito. Alis na ako nasa labas na siya. Soon ipapakilala kita sa kan'ya." Hinalikan muna niya ako sa dalawang pisngi ko. "Tama na ang laway mo," biro ko sa kan'ya mas diin ang halik sa pisngi ko. Pagkalipas ng ilang oras ay niligpit ko na ang ibang gamit ko. Tapos biglang umulan ng malakas. Sabayan pa ng malakas na hangin at kidlat. Sa lakas ng ulan hindi rin siguro darating ang kapalit ko. Dahil almost nine in the evening na. Umupo ako ulit sa pwesto ko. Nagulat ako na may biglang baritono na boses. Inangat ko ang mukha ko sa kan'ya. Lumaki ang dalawang mata ko. Dahil anong klaseng nilalang ito sa harapan ko. I bit the lower part of my lips. Nang tingnan ko siya para bang may mga paru-parong naglalaro sa tiyan ko. Tahimik kung siyang tiningnan. Nang mapansin niyang tinitigan ko siya. He winked at me. Iyung tipong laglag jeans ang uri ng kindat na'yun. "Miss. I need one room." Hindi ako agad nasagot. His barintone voice, I feel I'm on the air. Tumikhim muna ako. "Yes sir we have, may kasama po ba kayo?" pa-cute kung tanong. "No," tipid niyang sagot sa akin. "Okay, room two po." I said, inabot ko sa kan'ya ang susi. He looked at me. Biglang kumakabog ang puso ko. His eyes just wow. Siya na yata ang nilalang na pinakagwapo na nakita ko. Bawat tinig niya para nagpa-flash sa tenga ko. Kahit kuripot itong magsalita. "If you need something Sir, just call me? This is the number." Sabi ko sa kan'ya. "Thank you," he said. Nang tinungo niya ang room niya, napatili ako. Tiningnan ko ang likod niya. Kahit ang likod niya palang ay nakakaakit na. Matangkad, maputi, matangos ang ilong. Siguradong may abs siya. Ang matang mapang-akit ang kanyang labi para bang ang sarap haplusin ng daliri. "OMG! Crush ko na yata ang gwapo na'yun na nilalang na pinagpala ng kagwapuhan. How lucky ang girlfriend niya?" Kausap ko ang sarili ko at mga mata ko ay sa malapad niyang likod. Bigla akong naalala na hindi pala niya sinabi ang kanyang pangalan. Basta-basta ko na lang siyang binigyan ng kwarto na hindi ko alam kung sino siya. Isa pa basang-basa siya ng ulan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook