Chapter 10
DARINE
Hindi ko talaga gusto ang makapal na make-up. Hindi ko alam kailangan pa akong pagabdahin ng ganito. Ipakilala lang naman ako ni Jasper sa magulang niya.
Ako rin mismo ang pinipili nila sa aking susuotin. Lahat ay maganda at mamahaling damit dahil sa brand pa lang at textile ay alam na alam na hindi local ang materials.
Ayokong sobrang bongga ang unang makita nila sa akin baka kung ano ang itatanong nila sa akin.
Sailor pants ang pinili ko na kulay beige sleeveless silk at blazer ang top na napili ko. Simple but elegant kahit sila ay nagustuhan nila at hindi rin sila nahihirapan na ayusan ako dahil kahit lipstick lang daw ang ay litaw na raw ang kagandahan ko.
"Ang ganda mo girl, lahi siguro kayo ng diyosa." Nahiya ako sa puri ng makeup artist na.
Kahit ang sekretarya ni Jasper na si Elissa ay natulala eh ang simple nga ng ayos ko ay natulala na sila sa akin. Hindi ko alam anong oras ang alis namin ni Jasper sa totoo lang ay kinakabahan ako sa mangyayari mamaya.
"Alis na kami Miss Alondra," paalam sa akin ni Elissa.
" Thank you," pasasalamat ko sa kanilang dalawa.
Habang hinintay ko si Jasper sa living room ay kinuha ko ang phone ko. Tiningnan ko kung may message na dumating. Pagbukas ko ay miss call from Tita Sharon at Ate Olivia. May mga messages din sila sa akin. Sobrang nag-alala si Tita Sharon sa akin at ate Olivia. May message din si Mommy sa akin.
Hindi ko pwedeng tawagan si Mommy dahil sure na may tracking device ang phone ni mommy. Kapag makalabas ako ay bibili ako ng keypad na phone. Ni-logout ko rin lahat ng social media account ko hindi rin naman nila ako ma search dahil ibang pangalan ang ginamit ko at private lahat ng post ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang voice message ni ate Olivia na huwag na raw ako mag-alala kay Tita Sharon dahil na paliwanag niya lahat kay Tita Sharon. Nagsend din ako ng message sa kanilang dalawa na maayos ang lagay ko.
Hindi ko sinabi sa kanila dito rin ako sa Manila napadpad. Ilang sandali ay dumating na si Jasper ng makita ko siya qy nag-blush ang pisngi ko. Kahit medyo haggard yung mukha niya ay gwapo pa rin niya.
Marami din akong nakilala na gwapo pero para sa akin ay kakaiba ang karisma ni Jasper para sa akin. He smiled at me.
Additional 10 points ang maganda niyang ngiti. Lalong lumakas ang kabog ng puso ko ng titig na titig sa akin. Hindi ba niya nagustuhan ang suot ko dahil mula paa hanggang sa ulo ko tiningnan niya ako.
Gusto ko sana siyang tanungin kung may mali sa suot ko ay nahihiya ako magtanong. Isa pa naiilang ako sa kanya.
"Hi, Alondra," gusto kung tumili sa sa pagbati niya sa akin.
"Hello," lakas loob na tugon ko.
"Magpapalit lang ako ng damit," sabi niya sa akin. I nodded.
Ilang sandali ay nakita ko siyang bumaba ng hagdanan. Ang lakas ng masculine scent niya parang dumikit sa loob ng ilong ko ang kanyang perfume. Para siyang model sa suot niya kahit simpleng long sleeve ang suot ang lakas ng s*x appeal niya.
"Let's go." Sabi niya sa akin.
Binuksan niya sa akin ang pintuan ng sasakyan niya na red Ferrari. Nang nasa loob na kami ng sasakyan ay nilagay ko ang seatbelt ko. Nang paandarin ni Jasper ang makina ng sasakyan ay narinig kung tumunog ang kanyang mobile. Hindi niya sinagot pinatay niya ang kanyang phone.
Jasper paano ko haharapin ang mga magulang mo? Bakit agad-agad na ipapakilala mo ako hindi ba pwede na next day na lang. Kailangan pa natin mag ensaho sa harapan nila kagabi lang ako dumating sa bahay mo tapos ito na ang gagawin ko." Sabi ko dahil kinakabahan talaga bakit heto pa kasi ang kondisyon niya.
"Gusto mo bang isuko kita sa mga taong naghahabol sayo. Alondra I believe and I know na,kaya mong harapin ang parents ko. Kinaya mo nga ng ilang oras sa loob ng trunk kahit alam mo na dangerous ang ginawa mo. Samantala ang ipapagawa ko ay ipakilala lang kita sa mga magulang ko. Just be a good pretend lahat ng gusto mo na hilingin sa akin ay ibibigay ko."
Tiningnan ko siya seryoso ang kanyang mukha.
"Hanggang kailan ang pagpapanggap ko?"
"I still I don't know, kapag 100 percent na sa akin na ipinangalan ni Lolo ang kumpanya ay matatapos din ang kasunduan nating dalawa." Sagot ni Jasper sa akin.
"Bakit hindi mo na lang sundin ang gusto ng Lolo mo na pakasalan ang babaeng gusto niya para sa'yo?" tanong ko.
"Because!" matigas niyang sabi.
"Bakit ang iba mas mahalaga sa kanila ang pera ang position kaysa sa love?"
"I think not at all, that's why na kailangan ko ang tulong dahil I'm not going to f*****g merry sa taong hindi ko kilala."
"Pero takot ka na mawala sayo ang kumpanya?" I asked him.
''No! Hindi ako takot ayaw ko lang na panghimasukan ng parents ko ang sariling disisyon ko sa buhay. May sarili akong pahina hindi ko hahayaan na kahit sino man na baguhin." Na amazed ako sa sagot niya sa akin.
"I can feel you," bulong ko sa sarili ko.
"May sinasabi ka ba Miss Alondra?" tanong niya sa akin.
"Wala Mr. Guillermo. Iniisip ko paano ko harapin ang magulang mo?"
''You can do it."
"Ikaw ba ang nagpalit sa akin ng suot ko kagabi?" tanong at napa buntong hininga siya.
"Hindi, si Nikki inutusan ko siya. Don't mind me, Miss Alondra. I'm not interested."
"Mr. Guillermo, nagtatanong lang ako? Hindi ko tinanong na interested ka."
Saad ko nagtatanong lang ang tao iba na ang sagot sa sa akin. Hindi porket ang pogi mo at may lihim na crush ako sa'yo hindi ko kayang makipag debate sa'yo. I'm interested daw baka sa huli kainin mo ang sinabi mo.
Inayos ko ang pang-upo ko at hindi na ako nagsalita. Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan.
"Hindi ka ba hahanapin ng magulang mo?" I took a breath.
''Hindi sinabi ko na naghahanap ako ng trabaho para ma-solve ang problema."
"Okay,"
Kung alam mo lang almost one year ko nang pinagtataguan ng magulang para lang hindi rin akong maikasal sa lalaking hindi ko kilala. Katulad mo. Pero kung sakali na siya ang apo ng kaibigan ni Lolo ako mismo ang uuwi sa bahay niya. Napailing ako sa mga pumasok sa kokote ko.
"How old are you?" tanong ko.
"Um… I'm 34."
Hindi mo pa nasabi sa akin ang apelyido mo? At ilang taon q na rin?" siya naman ang nagtanong sa akin.
"Alondra Perry and I'm 25 years old. Dapat talaga may bio-data ako nadala para hindi ka mahirapan sa background ko. Simpleng babae dating receptionist ng maliit na motel ngayon ay nasa mansion na ako ng multi billionaire." Nginitian ako sa sagot ko.
Nag ring ulit ang kanyang. Tiningnan ko siya pero naka kunot ang kanyang noo ng tingnan niya ang screen ng kanyang phone. Hanggang sa hindi niya sinagot ang tawag. Instead ay binilisan niya ang pagpapatakbo ng kanyang sasakyan.
Iniliko o niya ang sasakyan niya. May isang malaking mansion akong natanaw ito siguro ang mansyon ng kanyang magulang. Hindi ako nagkamali dahil ng nasa tapat na kami ng gate ay binuksan ng lalaki ang gate.
"Magandang gabi Sir," bati ng lalaki kay Jasper.
"Magandang gabi Zion."
Nakatingin sa akin ang lalaki I think magka edad lang sila ni Jasper. Nagulat ako ng hawakan ni Jasper ang kamay pakiramdam ko parang nakukuryente ako sa init ng kanyang kamay.
"Relax," mahinang sabi niya sa akin.
Tumango ako, hanggang sa niyaya na niya akong lumabas ng sasakyan. Paglabas namin ng sasakyan ay inikot-ikot ko ang mga mata ko sa paligid. Malaki ang mansyon maraming ilaw sa labas.
"Let's go," hinawakan ni Jasper ang kamay ko.
Bahala na ang mangyari sa amin sa harap ng kanyang magulang. Huwag sana magkagulo at walang maraming tanong ang kanyang magulang sa akin.
"Wait, kapag tanungin nila ako tungkol sa pamilya ko?" tanong ko.
"Ako na ang bahala just calm down sa harapan nila."
"Okay sinabi mo e," saad ko.
Pagbukas ng pintuan ay nanginginig ang tuhod ko. This is the first time na mangyari ito sa buhay ko na ipakilala ako ng lalaki sa kanyang magulang. Nanlalamig din ang kamay ko ng maramdaman ni Jasper na nanlalamig ang kamay ko mas hinigpitan niya ang paghawak sa aking kamay.
"Anak," sambit ng magandang ginang siya siguro ang ina ni Jasper.