Chapter 66 DARINE Nasa bahay na ako ngayon hindi sana ako papayagan pa ng doctor ko na lumabas ng hospital ay nakiusap na lang ako na mas maigi sa bahay nalang ako magpahinga at kaya ang sarili ko. Kailangan ako ng anak ko na si Danilo pumayag naman ang doctor sa gusto ko. Alas onse na kami ng gabi nakauwi uwi ng bahay. Nakilala ko rin si Crystal at si Jasmine sobrang pasasalamat ko sa kanila nahihiya rin ako sa kanila. Hanggang sa nagpaalam na uuwi muna sila at kung may kailangan ako ay tawagan ko lang daw sila. “Tulog na si Danilo Dar,”sabi sa akin ni ate Olivia at umupo sila sa tabi ko. “Hating gabi na bakit hanggang ngayon ay wala pa rin silang balita sa anak ko?” tanong ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko hinanap ko ang phone ko. Tinanong ako ni ate Olivia kung ano ang hinahana

