(THIRD PERSON POV) Mabilis na pinaandar ni Nad ang motorsiklo niya hanggang sa humarurot na iyon sa kahabaan ng kalsada. Makalipas ang ilang minuto ay ipinarada na niya ang motorsiklo niya sa isang madilim na sulok na malayo-layo pa sa hotel. Hinubad niya ang suot niyang helmet ngunit nagsuot naman siya ng itim na sombrero at itim din na facemask. Nakaready na rin sa bulsa niya ang gloves na isusuot niya mamaya bago harapin ang nagtext kay Lena. Pagkatapos niyon ay naglakad na siya hanggang sa makarating na siya sa hotel kung saan nandoon ang demonyong lalaking nagpapapunta kay Lena. Tinext din niya ito gamit ang cellphone ni Lena at sinabing nandoon na siya sa baba. Hindi na siya nag-abalang lumapit sa reception desk dahil alam naman na niya kung anong hotel room ang pupuntahan niya.

