(LENA'S POV) Ilang araw lang ang lumipas matapos naming magkaroon ng unawaan ni Nad na magboyfriend na kami ay nagulantang ako sa pagdating ng isang bisita... Ang taong hindi ko na inasahang babalik pa dahil ilang taon na siyang wala sa buhay ko mula noong umalis siya... Walang iba kundi si Tito Rick. Ang isa pang lalaking nagparamdam ng pag-aalala sa akin. "Tito Rick?!" bulalas ko nang makita ko siyang nakaupo na sa sala pagkababa ko sa hagdan. Sinadya pa ako ni Manang Eva sa kuwarto ko dahil natulog ako kanina at kakagising ko lang nang puntahan niya ako. Hindi nga ako makapaniwala noong sinabi niya na dumating si Tito Rick... Pero heto at talaga ngang nasa harap ko na si Tito Rick! "Hello, baby... Did you miss me?" Napakalambing na tanong sa akin ni Tito Rick matapos niyang tumayo

