(LENA'S POV) "Happy birthday, Daddy!" ang bati ko kay Daddy Vic pagkagising na pagkagising niya bandang tanghali. Linggo niyon kaya day-off ni Manang Eva. Kagabi ay hindi ko na namalayan kung anong oras nakauwi si Daddy. Balak ko pa naman sanang hintayin ang alas dose ng hatinggabi para mabati ko agad siya o kaya ay salubungin siya ng pagbati kaso ay nakatulugan ko na ang paghihintay. Ni hindi ko na namalayan kung anong oras siya nakauwi sa bahay namin. Kaya heto, hinintay ko na lang siyang magising para mabati ko siya agad. Pagkagising na pagkagising ko kanina ay nag-asikaso na ako at tumambay sa kuwarto niya. "Happy birthday, Daddy!" muli kong bati sa kanya matapos ko siyang kantahan ng happy birthday song. Ngayon ay 45 years old na siya. Ngumiti siya ng matamis sa akin at saka niy

