(LENA'S POV) Patapos na ang pasukan. Pero hindi pa rin ako makampante na makakapasa na ako sa lahat ng subjects dahil may isang subject pa ako na mababa ang grades na ibinigay sa akin mula Midterm hanggang Semi-Final. Ang subject na Marketing. Kaya ngayong darating Final Grade ko ay nanganganib akong bumagsak sa subject na iyon. Ilang beses na rin kasi akong umabsent sa klase dahil bukod noong after ng birthday ni Daddy Vic ay napapadalas na lalo ang pagpupuyat ko kakahintay sa kanya, kakaisip ko sa kanya at ng tungkol sa amin. Ang kaso, hindi ko magawan ng paraan na masiguradong makapasa ako sa subject na Marketing kagaya ng ginawa ko sa subject kong Economics dahil sa Marketing subject ko ay babae naman ang professor ko. Kaya hindi ko na alam ang gagawin ko para masiguradong makakapa

