(LENA'S POV) "Tito... Wala na si Daddy Vic!" sumbong ko agad kay Tito Rick nang bigla siyang mapauwi sa Pilipinas dahil nabalitaan niya ang nangyari kay Daddy Vic. Sinalubong ko siya at kaagad naman niya akong sinugod ng mahigpit na yakap at halik sa noo ko. Iyak ako nang iyak sa balikat niya. Parang noon ko lang talaga nailabas ang lahat ng kinikimkim ko. Ang pagka-miss ko kay Daddy, ang tampo ko, ang sakit sa dibdib ko sa kaalamang nagkaroon siya ng ibang babae bukod sa akin... Lalong-lalo na ang isiping baka pagkukunwari lang ang pagmamahal niya sa akin. Paniwalang-paniwala ako kay Daddy kaya hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang lahat ng natuklasan ko matapos niyang mamatay. Nangingibabaw pa rin kasi sa puso ko ang pagmamahal na pinagsaluhan namin, ang pagmamahal na ipinaramd

