Panay parin ang lakas ng t***k ng aking puso habang hawak-hawak ni Asher ang aking kamay habang naglalakad kaming dalawa sa shore, sabi niya kasi mag-uusap kaming dalawa pero hindi ko akalain na dadalhin niya ako dito sa tabing dagat at sabi pa niya uuwi lang kami mamaya kaya pumayag naman ako sa kanyang nais, malapit nan gang magdilim at sa ngayon sobrang ganda ng papalubog na araw lalo pa at hawak-hawak ni Asher ang aking kamay. Kahit sino naman siguro mababalot ng saya kapag ang gusto mong tao ang kasama mo, sa bawat tubig na dumadampi sa aking paa habang naglalakad ako sa dalampasigan pero hindi mawala sa aking utak ang sinabi ni Asher na mahal niya ako, para akung nabingi sa kanyang mga sinabi sa akin lalo pa at nasa harapan pa kami ng kanyang mga tauhan. “Hindi ka parin ba naniniwa

