Kung nakakamatay lang siguro ang tingin sa malamang kanina pa ako nakahandusay dito dahil sa tingin sa akin ng mga tauhan ni Asher na akala mo naman ang laki ng aking kasalanan sa kanila. Kung sabagay malaki nga talaga ang aking kasalanan sa kanila dahil sa mga pasang kanilang natamo dahil sa akin, hindi ko alam kung ano ang ginawa sa kanila ni Asher pero ang dami nilang pasa sa katawan. Alam kung pinarusahan sila ni Asher at kung ano man ang ginawa sa kanila ng lalaking iyon alam kung sa akin talaga nila ibabalik kung hindi ba naman sana ako nagsumbong hindi na sana umabot sa ganito pero dahil hindi ako ganon klaseng babae bahala sila, ginagawa ko lang naman ang alam kung tama. Katulad nalang ngayon na iniwan na naman ako dito ni Asher at ang kanyang sabi sa akin may aasikasuhin lang ito

