C1: Cat and Dog
[Mage's POV]
Nakakainis talaga ang putik! Kagagaling ko lang kasi sa kwarto ng halimaw! NAKU!!!
Akala mo naman kung sinong mayaman 'di naman niya pinaghirapan! NAKAKAGIGIL! Tiis-tiis lang may araw din sa'kin ang halimaw na naka-wheelchair na 'yun! WAHAHAHAHAH. Kung 'di lang talaga kay Mama iniwan ko na 'tong halimaw.
At siguro kung 'di din dahil pinapa-aral ako ng ama niya siguro matagal ng iniwan ni mama 'to at nag hanap na ng ibang trabaho.
May mga tao talagang mapang-abuso sa kapwa. Porque katulong lang, pinahihirapan na!
**Flashback**
"Gusto ko ng umuwi anak. Ayoko dito sa hospital. Wala naman akong sakit. Nahighblood lang ako kanina dahil sa pasaway na halimaw na anak ni Sir George pero ayos na ako. Alam mo naman 'yun." Sabi ni Mama.
"MA! 'di ka pa daw pupwedeng umuwi. Dito ka daw muna magpahinga." Saway ko sa pamimilit na uuwi na daw siya.
"Ano ka bang bata ka?! Wala tayong pambayad sa mamahaling hospital na ito!" Pagrereklamo naman nito.
"Si Sir George na po mismo ang nagsabi sa'king siya na ang bahala sa bayad dahil naagrabyado ka naman daw ng anak niyang halimaw." Mahinahong paliwanag ko.
"Gano'n ba? paano ang trabaho ko? hanggang kailan ba ako dito?"
"Ako na muna po ang magtatrabaho para sainyo. Ako na ang papatay sa halimaw na dahilan ng pagkahospital niyo." Mahinang sabi ko.
"Anak?" Pinanlisikan pa ako ng mga mata ni Mama kaya ngumiti na lamang ako.
"Sorry po. Joke lang po. I mean mag aalaga sa halimaw na 'yun. Masaya 'yon Ma!" Sabi ko na may tono na may binabalak.
" 'Wag mo ng patulan 'yung batang 'yon kulang lang 'yun sa atensyon kaya ganoon trumato ng tao." Paalala pa nito.
"Gano'n? Grabe Ma! Makakapatay siya sa trato niya." Sarcastic na sabi ko.
"Hayaan mo na! Ang mahalaga walang nangyaring masama sa akin."
"Aba! Kung may nangyari mang mas masama sainyo, siya ang susugurin ko!"
"Hanggang kailan nga ako dito?"
"Hanggang bumuti po pakiramdam niyo."
"Mabuti naman ang pakiramdam ko anak ah."
" 'Di lang po dahil highblood kayo kaya nadala kayo dito kundi dahil ang puso niyo po ay mahina rin. 'Yun po ang sabi ng doktor dito sa'kin kanina. 'Wag na po matigas ang ulo. Magpahinga na lang po muna kayo Ma." Sabi ko na lamang.
"Per--"
"Mama!"
Aangal pa eh.
"Opo. Magpapahinga na PO ako. Kung makareact ka diyan parang ikaw ang ina sa'tin ah!"
"Hay naku! Sige na po, ako na po ang bahala." Pagpapaalala ko.
"Salamat anak. Hayaan mo kapag nakauwi na ako sa bahay maghahanap pa ako ng ibang raket ng madagdagan ko ang allowance mo."
" 'Wag na po Ma. Ayoko pong nahihirapan pa kayo. Kaya ko na po ang sarili ko. Marami na po kayong nagawa para sa'kin ito na ang panahon ko para makatulong naman po kahit papa'no sainyo."
"Osha Sige. Basta kapag mainit ang ulo ni Sir Gerson 'wag mong sasabayan. Gano'n lang 'yun talaga."
"Opo." Kahit hindi. Kapag uminit ang ulo ng halimaw sasabayan ko ang init ng ulo niya!
Kung magawa ko. Sino kaya 'yang halimaw na amo ni Mama. Ni minsan 'di ko 'yan nakita sa bahay nila kahit pumupunta ako sa kanila para kay Mama. Lagi daw nasa kwarto nagkukulong. Baka ayaw ipakita ang sungay.
**End Of Flashback**
"MAGE!!!"
Aish! Kailangan sumigaw? Tsk. Tinatawag nanaman ako ng halimaw ikatlong araw ko na 'to.
"MAGE!!!"
Nasa katabing kwarto ko lang siya para daw madali akong matawag pagkailangan kaya madali kong naririnig.
"MAGE!!! ANO BA?!"
Pumasok agad ako sa kwarto niya. Wala ng katok-katok tutal sinisigawan niya naman ako.
"Ano po 'yun Sir?" Nagtitimping tanong ko.
"KANINA PA KITA TINATAWAG AH! BA'T ANG TAGAL MO?" Iritadong bungad nito.
"Hindi PO ako bingi Sir. Ano po bang kailangan niyo?"
"Dalhan mo 'ko ng miryenda. Bilisan mo!" Utos nito.
"Hindi ako robot para magmadali." Bulong ko saka nagkad palabas ng kwarto niya.
"ANO?" rinig kong sabi pa niya nang makalabas na ako.
Tumungo ako sa kusina at nag hanap ng pwedeng ipakaing lason sa kanya at nakahanap ako ng lason saka ko linagay sa juice.
.
.
.
.
Syempre joke lang 'yun. Baka mawalan ako ng tuition. Dinalhan ko siya ng orange juice at slice bread na may palamang mayonnaise at dinala ito agad sa kwarto ng halimaw para ipalapa sa kanya.
"Ito na po mahal na prinsipe."
Pwe!!!
"Ok. Umalis ka na." Sabi lang nito.
Umalis naman kaagad ako. Kung nagtataka kayo kung bakit hindi nagpasalamat ang halimaw. Wala 'ata sa bukabularyo niyan ang magpasalamat kaya sanayan na lang! Turuan ko kaya magpasalamat? As if naman na makikinig siya sa'kin na isa lamang katulong. 'Wag na! Bahala siya! Ugali niya! Tss. Sayang gwapo pa naman sana ang sama naman ng ugali! Napakaraming gwapo sa mundo na masama ang ugali, kabaliktaran lagi ng mababait na hindi gwapo.
Ilang oras din ako nakapagpahinga at nakapag-aral dahil 'di nag iistorbo ang halimaw. Yes!
"MAGE!!!"
Bigla akong nahulog sa kinauupuan ko nang marinig kong tinatawag nanaman ako ng halimaw sa kabilang kwarto. Aray. Ang sakit ng balakang ko!
"MAGE!!!"
Mabilis akong tumungo sa kwarto niya ng nakahawak pa sa masakit kong balakang dahil sa pagkahulog.
"Aray. Ano po Sir?"
"Anong nangyari sa'yo?" Pagtatakang tanong niya.
"Na--" BASTUSING BATA! Pinutol ba naman ang sasabihin ko? Tss.
" 'Wag mo ng sagutin. May ipapagawa nga pala ako sa'yo." Seryosong sabi niya.
"Ano po 'yun?" Nagtitimping tanong ko.
"Ibalot mo 'tong damit." Utos nito na walang lingon-lingong tinapon sa akin ang pinababalot niya.
"Regalo po ba 'to?" Tanong ko nang masalo ko ito.
"Ay. Hindi. Alam mo ng regalo magtatanong ka pa! T*ng* ka ba? Balutin mo na nga lang 'yan." Iritadong sabi niya saka itinulak ang wheelchair niya para tumungo sa laptop niya.
"Edi ikaw na ang matalino." Bulong ko sa sarili ko habang binabalot ang pesteng regalo na 'to dahil dito na T*ng* pa ako ng halimaw.
"May sinasabi ka ba?" Napatingin ako dito nang magsalita ito, umiling lang ako.
Pagkatapos kong ibalot tumayo na ako.
"Tapos na po." Mahinang sabi ko.
"Alam ko! Kaya nga tumayo ka na. Iwan mo na lang diyan 'yan at umalis ka na." Walang ganang sabi nito saka tumutok ang mga mata sa laptop niya.
"Opo..." Sabi ko pa saka umirap na lamang.
HALIMAW KA TALAGA HINDI MAN SA ITCHURA PERO SA UGALI OO!
May araw ka din sa akin. Sa ngayon, tiis pa more. Para kay Mama at para sa pag-aaral ko.
-