[Mage's POV]
"Mage!"
"Mage!"
"Mage!"
"Ano?" Agad na tanong ko dito.
"Ba't ang tagal mo?!" Iritadong bungad na sagot ng halimaw.
"Si Sir Vincent kasi pinagtimpla ko pa ng kape." Pagdadahilan ko.
Totoo naman kasi! Inutusan ako eh malamang bilang katulong susunod ako.
"At kailan mo pa siya naging amo?" Masungit na tanong nito habang nakakunot ang noo. 'Yung tipong salubong na salubong na ang mga kilay. Ang kapal pa naman at ang itim ng kilay nito.
"Lahat naman sa bahay na 'to amo ko ah? Bakit ba?"
"Don't tell me you like my step brother?" Nakakunot noo niya pang tanong na nagpagulat sa'kin well, pogi si Sir Vincent pero mas pogi siya, mabait si Sir Vincent masungit siya a--Teka! Ba't ko nga pala sila kinukumpara?
"H-HINDI ah! Ano bang pinagsasabi mo diyan? Para kang timang!"
"Anong timang?" Mas naguluhan nitong tanong.
"Ah basta! Ano ngang kailangan mo?" Pagtataray ko.
"Dalhan mo ako ng apat na tinapay syempre 'yung may palaman na saka dala ka din ng dalawang basong lemon juice. Dali na!" Utos nito.
"Huh? may bisita ka ba?" Pagtataka ko.
" 'Wag ka ngang tanong ng tanong diyan! Kumilos ka na!" Iritadong sabi pa nito.
Mister iritadong supladong halimaw na amo. 'Di nagbabago at mukhang 'di na magbabago.
"Ok." Sagot ko na lamang.
Sino kaya ang bisita niya? baka naman mga tropa niya o isa sa tropa niya actually kilala ko na 'yung dalawang close friend niya na tropa nga daw niya sina Harold at Jin.
Mababait naman na mukhang playboy, bakit ko nasabi? Pa'no ba naman mga bolero!
Every time 'ata na dadalaw ang mga 'yun kay halimaw eh binobola ako kesyo maganda, cute, pretty at kung ano-ano pang pambobolang ni isa 'di ko pinaniwalaan lalo na't galing sa playboy! Pwe!
Kung 'di niyo natatanong playboy ang aking ama kaya 'ayan nabola si Mama at ako ang naging bunga! Saya noh? Kaya kailangang matuto na sa pagkakamali ng magulang.
Pagbalik ko ng kwarto niya ay inilapag ko na sa maliit na lamesa ang pinagawa niya at akmang aalis na ng mag salita ng 'di ko inaasahan.
"Upo." Mahinang utos nito kaya napatingin ako sa kanya ng nakakunot noo.
"Seryoso?" Gulat na tanong ko.
First time nanaman 'to kung nagkataon.
"Ay Hindi! Joke lang 'yun. Lumayas ka na!" Sarcastic niyang sabi.
At dahil masunurin ako sumunod ako.
"Ay! T*ng*! Hoy! Sa'n ka pupunta?" Kunot noo nitong tanong na medyo inis pa.
"Sabi mo lumayas ako." Pagrarason ko.
"Sabi ko maupo ka T*ng*!"
"Hindi ako t*ng*! Masunurin lang ako. Baka ikaw!"
"Anong ako?"
"Ang t*ng*!" Sabay upo sa isang maliit na sofa sa kwarto niya.
"Ikaw ang t*ng*!" Sabi pa niya.
"Oo na! T*ng* na kung t*ng*! 'Di ka naman papatalo eh! Bakit mo ba ako pinaupo? 'Diba may bisita ka pa? Nasaan na? Baka dumating na 'yun. Gusto mo bang sunduin ko sa gate? Ano?" Sunod-sunod na sabi ko.
"Wala akong bisita." Mahinang sabi nito ng hindi nakatingin sa akin.
"Oh! Ano ngayon? Para sa'n pa ang pinagawa mong miryenda? Ewan ko sa'yo! Bahala ka nga diyan! Pinahirapan mo lang ako gumawa." Sabi ko saka tumayo.
"Hindi kita pinahirapan, para sa'yo 'yung isa diyang juice tapos sa'yo din 'yung dalawang tinapay t*ng*! Pinapasabay kita kumain. Common sense nga! Tss." Masungit na sabi nito.
Napatigil ako sa sinabi niya. Napangiti ako ng wala sa oras, nang tumingin ako sa kanya kumakain na siya ng tinapay.
"Ang sweet naman ng halimaw ngayon. Ok. Salamat." Nagpipigil ng ngiting panunukso ko.
'Di niya pinansin ang sinabi ko kundi kumain lang. Parang walang narinig.
Bumalot ang katahimikan ng mahigit limang minuto kaya napagdesisyunan ko ng magsalita.
"Sir, Ano bang nangyari sainyo at naging mabait kayo?" Pang aasar ko.
Hindi siya umimik saka pinalayas na ako sa kwarto niya.
Badmood na agad after ng miryenda? Gano'n? Bipolar pa 'ata ang halimaw ah! Pero at least, first time naging mabait at thoughtful siya ngayon.
Naisip pa talaga niya akong pakainin ng miryenda ngayon. Kung araw-araw sana siyang ganyan edi sana nagkakasundo kami. Edi sana di ako na-i-stress sa kasungitan at kahalimawan niya.
-