[Mage's POV] Magkasabay kami ngayon pauwi ni halimaw. Nasa sasakyan kami niya. "May problema ka ba? Ang tahimik mo." Sabi niya bahang nagdadrive. Napahinga muna ako ng malalim bago nag-salita. "May gusto akong sabihin sa'yo at itanong." Hininto niya ang sasakyan at nag park sa isang tabi. "Ano 'yun? Tungkol saan?" Humarap siya sa'kin. "Tungkol sa pagtulong mo sa'kin." "Kung nag aalala ka. Don't worry may pl--" "Totoo bang kinausap mo si Sir George para magtrabaho ka sa company niyo tapos sinabi mo pa na kailangan mo magkasweldo ng 3 million in just 3 months?" "P-paano mo nalaman? Sinabi ni Dad?" Pagtataka niya. "Oo. Tinatanong niya ako kung bakit mo daw 'yun sinasabi at gustong gawin." "A-anong s-sabi mo?" "Wala. Hindi ko naman alam kung paano ko ipapaliwanag ang pinaggag

