[Mage's POV] After no'ng gabing nagkayakapan kami ni halimaw parang naging mas weird siya. Alam niyo bang nagmumukha na siya ang personal maid ko? At ako ang amo niya? 'Di nga ako makapaniwala sa mga pinag gagawa niya eh, pati si Manang Leny nagtataka na rin at buong pamilya niya I mean 'yung Dad niya step mom at step brother pinagtatakahan din siya. "Uy. Kumain ka na!" Biglang sulpot ng halimaw sa tabi ko. "Ba't ka nanaman nandito?" Bungad ko. "Malamang para pakainin ka!" "Tigilan mo na nga 'yang kaweirduhan mo Gerson! Ilang araw ka ng ganyan. Kaya ang dami ko ng kaaway sa school eh! Pati sa school ang weird mo! Tss. Kinikilabutan na ako. May sumapi ba sa'yo?" Hinawakan ko ang noo niya pati leeg niya para pakiramdaman. "...Wala ka namang sakit ah!" "Kumain ka na nga lang at pap

