[Mage's POV] Happy birthday to me. Nagcelebrate lang kami nila Mama, Rick at Jerlyn. Kami-kami lang ang kumain sa bahay. Masaya naman lalo na't kasama ko ang mga mahahalagang tao sa buhay ko. Kaunti man pero napakalaki namang halaga. Gano'n ata talaga kapag nasanay ka sa simpleng pamumuhay. Pagsapit ng Sunday ng hapon bumalik na ako sa bahay ng halimaw, pero syempre nagsimba muna 'ko kasama si Mama. Nang makapasok ako sa kwarto, naupo agad ako. 'Di pa ako nakakapagpahinga may maingay na! "Mage!" "Ano?" Mataray na bungad ko dito. "Kunin mo 'yung paper bag na pink diyan." Utos nito na di ako nililingon. Kinuha ko naman sa lamesa niya. "Ano naman 'to?" Gulat kong tanong. "Regalo. T*ng* talaga!" "Regalo? Para saan? Nat*ng* pa ako." " 'Di mo man lang ako inimbitahan. Birthday m

